Pasasalamat kay Rev. Fr. Richmond Nilo

By Fr. Edwin Beley, Diocese of Cabanatuan

Mula sa isang Nagluluksang Tagamasid:

1. Pagkagimbal: kumatok si Fr. Lito sa pinto ko upang ibalita ang pagpaslang. Nagtatawag na ako upang alamin ang katotohanan nito. Mabilis na kumalat sa FB ang mga larawan ng duguan at wala nang buhay ni Fr. Richmond.

2. Unang Kwento: Sumama ako kay Bishop Ronnie papuntang Zaragoza. Nakausap namin ang sacristang kasama niya sa Barangay masses kahapong Linggo. Nakatapos na sila sa isang misa, at tumungo na sila sa Brgy. Mayamot para sa ikalawa. Nagbibiro pa si Fr Richmond sa mga tao bago magsimula ang misa. Pumunta na siya sa altar upang magbihis ng kasuotang pangmisa. At nang biglang PAK PAK PAK PAK! Ipinasok ng salarin ang kanyang buong braso mula sa side grills ng kapilya. Malapit lang ang target kaya napuruhan niya ito. Dead on the spot.

3. Mga Detalye:

a. Ang mga BALA ay lumagos sa tarpaulin ng mga titik ng Papuri sa Diyos bago ito tumama kay Fr. Richmond. Ang pagpupuri ni Fr Richmond sa Diyos ay pinatingkad ng kanyang pagaalay ng buhay para sa Kanyang kaluwalhatian. Our praises to God becomes more telling and significantl with the offering of our lives and not only of our words.

b. Ang Pagdanak ng DUGO sa Altar ay nagpapaalala ng TIPAN. Maraming dugo ang nabubo kahapon sa maraming Panglinggong misa sa mga altar, kabilang ang sariwang dugo ni Fr. Richmond sa ilalim ng altar. Sa Lumang Tipan ibinububo ang dugo ng Kordero (tupa) sa altar, at iwiniwisik sa mga tao ang iba. Sa Ritwal na ito, sinasabing na ang Diyos at ang bayan ay ‘SANGDUGO lamang. “I will be your God, and you shall be my people.” Inuulit natin ito sa bawat misa. We share one blood, one life, one cup of suffering and death. Fr. Richmond’s blood gives life to his people, to us priests, to the whole Church as a whole.

4. Ang Pinangyarihan: Brgy. MAYAMOT.
Hindi maganda ang pakiramdam mo pag nayayamot ka. May sama ng loob, may tampo, may galit. Hindi rin naman kasalanan agad na mayamot lalo na kapag ganito na nangyayari.
>Sa homiliya kahapon, binigyan ko ng diin sa unang pagbasa ang Imahe ng Mahal na Ina na tapak ang ahas sa kanyang mga paa. Sa yamot nating ito, dapat ganito ang gawin sa karahasan at pagpatay sa ating panahon. Tapakan ang ahas at wag itong pagapangin pa! Mga pari na itong pinapaslang!
>Sa ikalawang pagbasa, diniinan ko rin ang pagkakaiba ng Tolda at Tahanan. Pansamantala lamang ang buhay (tent), ang Hantungan na dapat bigyang pansin at halaga ay ang Tahanan ng Ama (dwelling place). Panghawakan ang mga di nakikita (paninindigan sa pananampalataya). Nakakayamot na dumarami na yata ang mga taong ang tingin sa buhay ay ito na lang, na wala nang kabila. Nakakayamot na pati ang mga alagad ng Diyos, o ang Diyos mismo ay wala nang lugar sa buhay na ito. Kaya iniaalis na sila, o kaya winawalang halaga. Nakakayamot na gusto nang palitan ng tao ang kanyang Diyos.
>Sa Ebanghelyo, mas nakakayamot na paratangan si Hesus na sira-ulo at inaalihan ng demonyo. Si Fr. Richmond ay nakatikim na nito sa kanyang mga bashers. Nakakayamot na ang isang taong nais magbunyag ng katotohanan ay inililigpit upang patuloy na maikubli ito at maipagpatuloy ang kasinungalingan.
>Okay lang pong mayamot. Nawa ang yamot na ito ang maging simula ng ating pagsikhay tungo sa mas “matino” at puno ng Banal na Espiritung buhay:

Mula sa Ebanghelyo ni San Juan 12:
24Pakatandaan ninyo: hangga’t hindi nahuhulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung ito’y mamatay, mamumunga ito nang sagana. 25Ang taong nagpapahalaga sa kanyang sarili lamang ay siyang mawawalan nito, ngunit ang taong hindi nagpapahalaga sa kanyang buhay sa daigdig na ito ay siyang magkakaroon ng buhay na walang hanggan. 26Ang naghahangad na maglingkod sa akin ay dapat sumunod sa akin, at saanman ako naroroon ay pumaparoon din siya. Pararangalan ng Ama ang sinumang naglilingkod sa akin.”

Salamat Fr Richmond Villaflor Nilo.
Mahal ka namin.

Leave a comment

Published by Defend The Catholic Faith

View all posts by Defend The Catholic Faith →