Bible Catholic Church Catholic Faith Christian Daily Gospel on DCF Religion

ANG EBANGHELYO NGAYON: “Mga Pinagpala ng Diyos”

Marso 2, 2020. Lunes sa Unang Linggo ng 40 Araw na Paghahanda.

UNANG PAGBASA
Levitico 19, 1-2. 11-18
Pagbasa mula sa aklat ng Levitico

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo sa buong kapulungan ng Israel, “Magpakabanal kayo, sapagkat akong Panginoon ay banal.

“Huwag kayong magnanakaw, manlilinlang o magsisinungaling. Huwag din kayong manunumpa sa aking pangalan nang walang katotohanan pagkat iyon ay paglapastangan sa ngalan ko. Ako ang Panginoon.

“Huwag ninyong dadayain o pagnanakawan ang inyong kapwa. Huwag ninyong ipagpapaliban ang pagbabayad sa inyong pinapagtrabaho. Huwag ninyong aapihin ang mga bingi at lalagyan ng katitisuran ang daraanan ng mga bulag. Matakot kayo sa Diyos. Ako ang Panginoon.

“Huwag kayong hahatol nang walang katarungan upang pagbigyan ang mahirap o suyuin ang mayayaman. Huwag ninyong ipamamalita ang kasiraang-puri ng inyong kapwa ni sasaksi laban sa inyong kapwa upang ipahamak lamang siya. Ako ang Panginoon.

“Huwag kang magtatanim ng galit sa iyong kapwa. Sa halip, pangangaralan mo siya. Sa gayun, hindi ka magkakasala dahil sa kanya. Huwag kang maghihiganto o magtatanim ng galit sa iyong mga kasamahan. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Ako ang Panginoon.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 18, 8. 9. 10. 15
Tugon: Espiritung bumubuhay ang salita ng Maykapal.

MABUTING BALITA
Mateo 25, 31-46
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Darating ang Anak ng Tao bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, at luluklok sa kanyang maringal na trono. Sa panahong iyon, matitipon sa harapan niya ang lahat ng matitipon sa harapan niya ang lahat ng tao. Sila’y pagbubukud-bukurin niya, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at mga kambing. Ilalagay niya sa kanyang kanan ang mga tupa, at sa kaliwa ang mga kambing. At sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan, ‘Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama! Pumasok na kayo at manirahan sa kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang sanlibutan. Sapagkat ako’y nagutom at inyong pinakain, nauhaw at inyong pinainom. Ako’y isang dayuhan at inyong pinatuloy. Ako’y walang maisuot at inyong pinaramtan, nagkasakit at inyong dinalaw; ako’y nabilanggo at inyong pinuntahan.’ Sasagot ang mga matuwid, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? Kailan po kayo naging dayuhan at aming pinaramtan? At kailan po namin kayo nakitang may sakit o nasa bilangguan at aming dinalaw?’ Sasabihin ng Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo: nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, ito ay sa akin ninyo ginawa.’

“At sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, ‘Lumayo kayo sa akin, mga sinumpa! Kayo’y pasaapoy na di mamamatay, na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon. Sapagkat ako’y nagutom at hindi ninyo pinakain, nauhaw at hindi ninyo pinainom. Ako’y naging isang dayuhan at hindi ninyo pinatuloy; ako’y nawalan ng maisuot at hindi ninyo pinaramtan. Ako’y may sakit at nasa bilangguan at hindi ninyo dinalaw.’ At sasagot din sila, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom, nauhaw, naging dayuhan, nawalan ng maisuot, may sakit o nasa bilangguan, at hindi namin kayo pinaglingkuran?’ At sasabihin sa kanila ng Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo: nang pagkaitan ninyo ng tulong ang pinakahamak sa mga ito, ako ang inyong pinagkaitan.’ Itataboy ang mga ito sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay tatanggap ng buhay na walang hanggan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

Pagninilay:

Isang mapagpalang lunes po sa ating lahat! Unang lunes ng buwan ng Marso ngayon at kay bilis ng panahon. Ang Ebanghelyo ay tungkol sa paghuhusga ng Panginoon sa pagdating ng panahon. Anong klaseng hatol ang gusto natin para sa atin? Malamang lahat tayo ay sasagot na doon tayo sa pinagpala ng Panginoon. Subalit ano ang ginawa ng mga pinagpala ng Panginoon? Gumawa sila ng mabuti at nagkawanggawa. Nakita nila si Jesus sa bawat tao at pinagsilbihan. Gusto ba natin ito? Handa ba tayong gawin ito? Mahirap gumawa ng mabuti at aminin natin na ang tao ay likas na naghahangad para sa sarili at hindi para sa ibang tao. Kung naniniwala tayo sa buhay na walang hanggan at gustong makamtan ito, ano ang maari nating bitawan at ipagpalit upang makuha lamang ito?
Pagnilayan natin ang mga bagay na ito.

Francesca Maria Margarita D.J.

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?