Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Dakilang Utos ni Jesus”

 

Mayo 15, 2020. Paggunita kay San Isidro Labrador. Ika-5 Linggo sa Panahon ng Karaniwang Panahon.

NANG PAGBASA
Mga Gawa 15, 22-31
Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, minabuti ng mga apostol, ng matatanda, at ng buong simbahan na pumili ng ilan sa kanila upang suguin sa Antioquia, kasama nina Pablo at Bernabe. At sinugo nila ang mga pangunahin ng mga kapatid: si Judas na tinatawag na Barsabas, at si Silas. Ipinadala nila ang sulat na ganito ang nilalaman:

“Kaming mga apostol at matatanda ay bumabati sa mga kapatid na Hentil sa Antioquia, sa Siria at Cilicia. Nabalitaan naming ginugulo kayo ng ilang kasamahang galing dini, bagamat hindi namin sila inutusan. Di-umano’y binabagabag kayo sa pamamagitan ng kanilang sinasabi. Kaya’t napagkaisahan naming magpadala sa inyo ng mga sugo. Kasama sila ng ating minamahal na Bernabe at Pablo, na di nag-atubiling itaya ang kanilang buhay sa paglilingkod sa ating Panginoong Hesukristo. Sinusugo nga namin sa inyo sina Judas at Silas upang ipaliwanag sa inyo ang nasasaad sa sulat na ito. Sa udyok ng Espiritu Santo, ang naging pasiya namin ay huwag na kayong atangan ng iba pang pasanin maliban sa mga bagay na talagang kailangan: huwag kayong kakain ng anumang inihandog sa mga diyus-diyusan, ng dugo, at ng hayop na binigti. Huwag kayong makikiapid. Layuan ninyo ang mga bagay na ito, at mapapabuti kayo. Paalam.”

Pinayaon ang mga sugo. Pagdating sa Antioquia, tinipon nila ang mga kapatid at ibinigay ang sulat. Pagkabasa sa liham, ang mga tao’y nagalak dahil sa kanilang narinig.

Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 56, 8-9. 10-12
Tugon: Sa gitna ng mga bansa sabihing “D’yos ay Dakila!”

MABUTING BALITA
Juan 15, 12-17
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ito ang aking utos: mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo. Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang mga utos ko. Hindi ko na kayo inaaring alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, inaari ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama. Hindi kayo ang pumili sa akin; ako ang pumili at humirang sa inyo upang kayo’y humayo at mamunga, at manatili ang inyong bunga. Sa gayun, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ipagkakaloob sa inyo. Ito ang inuutos ko sa inyo: mag-ibigan kayo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Ang pag-ibig ang utos ni Jesus. Bakit ba ito kailangang iutos? Hindi ba raw ay kusa itong dumarating? Kung tunay kasi ang pagmamahal, kailangan itong manatili. Manatili sa gitna ng hirap at pasakit, sa gitna ng mga pagsubok. At kailangan itong gustuhin ng tao na nagmamahal. Kailangang magdesisyon siya na magmahal dahil hindi lamang “feelings” o pakiramdam ang pagmamahal na pag hindi mo naramdaman ay wala na. Malamang darating ang mga panahon – at marami ito, na mahirap mahalin ang kapwa natin. Kaya ito ang pinakadakilang utos ni Jesus.

Hindi ito “feelings” lang at kailangang gustuhin natin ito. Matuto tayong magmahal ng kapwa sa kabila ng kanilang pagkamakasalanan. Imbes na poot ay paghuhusga, bakit hindi dasal at pagpapatawad? Hindi naman sinabing wala nang hustisya at disiplina. Darating iyon subalit ang mahalaga ay ang damdamin mo at ang ginagawa mo. Paano mo tratuhin ang kapwa mo? Nagmamahal ka ba nang totoo gaya ni Jesus o marunong ka lang magmahal ng sarili mo at kakilala mo?

Pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po kayo ng Mapagmahal na Diyos!

Reflections: Frances Mary Margaret DJ

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?