Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Pagiging Bukas sa Diyos”

 

 

 

 

 

Pebrero 26, 2021. Biyernes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda.

Friday of the First Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Ezekiel 18, 21-28
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Sinasabi ng Panginoon: “Kung ang isang taong masama ay tumalikod sa kanyang kasamaan, sumunod sa aking mga tuntunin, at gumawa ng mabuti, siya ay mabubuhay. Kakalimutan na ang lahat ng nagawa niyang kasalanan at mabubuhay siya dahil sa kabutihang ginawa niya sa bandang huli. Hindi ko ikinasisiya ang kamatayan ng masama,” sabi pa ng Panginoon, “Ang ibig ko nga, siya’y magsisi at magbagong buhay. Ngunit kung ang isang taong matuwid ay magpakasama at gumawa ng mga kasuklam-suklam na gawain, hindi siya mabubuhay. Mamamatay siya dahil sa kanyang pagtataksil at sa kasalanang nagawa. Mawawalan ng kabuluhan ang lahat ng kabutihang ginawa niya noong una.

“Marahil ay sasabihin ninyong hindi tama itong ginagawa ko. Makinig kayo, mga Israelita: Matuwid ang aking tuntunin, ang pamantayan ninyo ang baluktot. Kapag ang isang taong matuwid ay nagpakasama, mamamatay siya dahil sa kasamaang ginawa niya. At ang masamang nagpakabuti at gumawa ng mga bagay na matuwid ay mabubuhay. Dahil sa pagtalikod sa nagawa niyang kasamaan noong una, mabubuhay siya, hindi mamamatay.”
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8
Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin.

MABUTING BALITA
Mateo 5, 20-26
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo: kung ang pagsugod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Diyos.”
“Narinig ninyo na noong una’y inutos sa mga tao, ‘Huwag kang papatay; ang sinumang makamatay ay mananagot sa hukuman.’ Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo: ang mapoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman; ang humamak sa kanyang kapatid ay mananagot sa Sanedrin, at sinumang magsabi sa kanyang kapatid ‘ulol ka!’ ay mapapasaapoy ng impiyero. Kaya’t kung naghahandog ka sa Diyos, at maalaala mo na may sama ng loob sa iyo ang kapatid mo, iwan mo muna ang iyong handog sa harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Saka ka magbalik at maghandog sa Diyos.

“Kung may magsakdal laban sa iyo sa hukuman, makipag-ayos ka sa kanya habang may panahon, bago ka niya iharap sa hukom. At kung hindi’y ibibigay ka niya sa hukom, na magbibigay naman sa iyo ng tanod, at ikaw ay mabibilanggo. Sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas doon hangga’t hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang kusing.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Biyernes po sa ating lahat! Akala natin ang pagpatay ay sa pisikal lamang subalit hindi natin alam na kung masama ang nanggagaling sa ating bibig ay pumapatay na rin tayo. Pumapatay ng pag-asa, at ng diwa ng iba. Para sa iba normal lang tsismis at tuwang tuwa pa nga subalit ito ay kasalanan kung nakakapinsala na ng iba at tungkol sa masama. Magbaba ng ibang tao para maging libangan ay i-angat ang sarili. O kaya ay kung galit at hinayaang pakawalan ang galit sa bibig. Kapag may ganitong tao ay iwasan na at huwag nang makisali upang huwag nang madamay. Saka sikaling suriin, at tuwirin ang sarili. Humingi ng tulong sa Diyos.

Sa halip na nakakapagbigay ng pag-asa at nakakabuhay ng loob ang ating sinasabi, ito ay maaring nakakapatay. Kaya mag-ingat sa mga sinasabi. Isipin muna bago magsalita. Tumahimik muna saglit bago bumuka ang bibig sapagkat makakatulong ito maging sa ating kabanalan at kapayapaan sa puso. Kung may kagalit tayo, maging bukas sa pagpapatawad at pagkakasundo. Hayaan muna na humupa ang mga emosyon.

Maaring magbigay ng panahon sa sarili para sa paghilom pero huwag na huwag mag-iipon ng sama ng loob at magsasara ng pinto. Kapag nagsabi na tayong “hindi ko to mapapatawad kailanman” ay atin ding hinaharangan ang Diyos at ang grasyang maaring dumating dahil sa ating pagsunod sa Kanya. Kung hindi natin kaya ay humingi ng tulong sa Diyos. Walang imposible sa Kanya. Sa Kanya natin isangguni ang bawat bagay na hindi natin alam upang tayo ay tunay na magkaroon ng karunungan. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: Frances Mary Margaret DJ

Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?