Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Pagpapagaling ng Diyos”

 

 

 

 

 

Pebrero 11, 2021. Huwebes ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon.

or mass of Our Lady of Lourdes (White)
World Day of the Sick.

UNANG PAGBASA
Genesis 2, 18-25
Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Sinabi ng Panginoon Diyos: “Hindi mainam na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong.” Kaya, lumikha siya ng mga hayop sa parang at ibon sa himpapawid, inilapit sa tao, at ipinaubaya dito ang pagbibigay ng pangalan sa mga iyon. Kung ano ang kanyang itawag, iyon ang magiging pangalan nila. Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon at mga hayop, maging maamo o mailap. Ngunit wala isa man sa mga ito ang angkop na kasama at katulong niya.
Kaya’t pinatulog ng Panginoon ang tao. Samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito at pinaghilom ang laman sa tapat niyon. Ang tadyang na iyo’y ginawa niyang isang babae, at inilapit sa lalaki.

Sinabi ng lalaki,
“Sa wakas, narito ang isang tulad ko, laman ng aking laman, buto ng aking buto; babae ang siyang itatawag sa kanya sapagkat sa lalaki nagmula siya.”
Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina upang sumama sa kanyang asawa, sapagkat sila’y nagiging iisa.
Kapwa sila hubad, gayunma’y hindi sila nahihiya.
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 127, 1-2. 3. 4-5
Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D’yos.

MABUTING BALITA
Marcos 7, 24-30
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nagtungo si Hesus sa lupain ng Tiro at tumuloy sa isang bahay doon. Ayaw sana niyang malaman na naroon siya, subalit hindi gayun ang nangyari. Ang pagdating niya’y nabalitaan ng isang inang may maliit na anak na babaing inaalihan ng masamang espiritu. Pumunta siya agad kay Hesus at nagpatirapa sa kanyang harapan. Ang babaing ito’y Hentil – lubo sa Sirofenica. Ipinamanhik niya kay Hesus na palayasin ang demonyo na nasa kanyang anak, ngunit sinabi ni Hesus, “Kailangang busugin muna ang mga anak. Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta.”

“Tunay nga po, Panginoon,” tugon ng babae, “ngunit ang mga tuta mang nasa ilalim ng hapag ay naninimot ng mga mumong nalalaglag ng mga anak. Kaya’t sinabi sa kanya ni Hesus, “Dahil sa sinabi mo, maaari ka nang umuwi. Iniwan na ng demonyo ang iyong anak.” Umuwi ang babae, at naratnan niya sa higaan ang bata. Iniwan na nga ng demonyo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

Pagninilay:

Maligayang Kapistahan po ng Mahal na Birhen ng Lourdes! Mahigit isang daan taon na ang nakakaraan noong nagpakita ang Mahal na Inang si Maria kay Bernadette sa isang lugar sa Pransiya taong 1858. 163 taon na ang nakalipas subalit ang mensahe ay pareho pa rin hanggang ngayon. Maraming tao ang napagaling sa sakit subalit higit sa pagpapagaling ay may mas mahalagang mensahe si Maria – ang magbalik sa Diyos. “Penance! Penance!” sigaw ni Saint Bernadette noon sapagkat ito rin ang sabi ni Maria. Kaakibat ng pagpapagaling ang paghingi ng tawad sa Diyos. Kahit nga ang “anointing of the sick” na sakramentong iginagawad (hindi lamang po sa mga malapit nang mamatay ito) sa mga may sakit ay may kasangkap na pagpapatawad kung kinakailangan.

Ang paghingi ng tawad ay nakakagaling ng puso at kaluluwa. Kaya naman, sa araw na ito ay ipanalangin natin ang lahat ng may sakit, pati na rin ang buong mundo. Upang tayong lahat ay pagalingin sa karamdaman na pisikal – ang COVID-19 at pati na ang karamdaman ng ating mga puso at kaluluwa. Lalo na ngayong malapit ang Kuwaresma o “Lenten Season” na magsisimula sa ika-17 ng Pebrero o sa susunod na Miyerkules, nawa ay makapaghanda tayo sa pamamagitan ng Sakramento ng Kumpisal. Magbalik tayo sa Panginoon. Mas bigyan Siya ng panahon. Mas makita nawa natin ang mas mahalaga sa ating buhay. Amen.

Mahal na Birhen ng Lourdes, ipanalangin mo kami!
Pagnilayan po natin ito. Amen. +

Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: Frances Mary Margaret DJ

Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?