Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Presensiya ng Diyos”

 

 

 

 

 

Pebrero 24, 2021. Miyerkules sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda.

Wednesday of the First Week of Lent (Violet).

UNANG PAGBASA
Jonas 3, 1-10
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jonas

Sinabi uli ng Panginoon kay Jonas: “Pumunta ka sa Lungsod ng Ninive at ipahayag mo ang mga ipinasasabi ko sa iyo.” Nagpunta nga si Jonas sa Ninive. Malaki ang lungsod na ito. Aabutin ng tatlong araw kung lalakaring pabagtas. Siya’y pumasok sa lungsod.

Pagkaraan ng maghapong paglalakad, malakas niyang ipinahayag, “Gugunawin ang Ninive pagkaraan ng apatnapung araw!” Naniwala ang mga tagaroon sa pahayag na ito mula sa Diyos. Kaya, nag-ayuno sila at nagdamit ng sako bilang tanda ng lubos na pagsisisi at pagtalikod sa kanilang mga kasalanan.
Nang mabalitaan ito ng hari ng Ninive, bumaba siya sa kanyang trono, naghubad ng balabal, nagdamit din ng sako, at naupo sa abo. At ipinasabi niya sa mga taga-Ninive: “Ito’y utos ng hari at ng kanyang mga pinuno. Walang kakain isa man. Wala ring iinom, maging tao o hayop. Lahat ng tao at hayop ay magdamit ng sako.

Taimtim na manalangin sa Diyos ang bawat isa. Pagsisihan ng lahat ang nagawa nilang kasalanan at talikdan ang masamang pamumuhay. Baka sa paraang ito’y mapawi ang galit ng Diyos, magbago siya ng kanyang pasiya at hindi na ituloy ang balak na paglipol sa atin.”
Nakita ng Diyos ang kanilang pagalikod sa kasamaan kaya hindi na itinuloy ang paggunaw sa Ninive.
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 50, 3-4. 12-13. 18-19
D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat.

MABUTING BALITA
Lucas 11, 29-32
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, samantalang dumaragsa ang mga tao, sinabi ni Hesus, “Napakasama ng lahing ito! Naghahanap sila ng palatandaan mula sa langit, subalit walang ipapakita sa kanila maliban sa palatandaang inilalarawan ng nangyari kay Jonas. Kung paanong naging isang palatandaan si Jonas sa mga taga-Ninive, gayun din naman, magiging isang palatandaan sa lahing ito ang Anak ng Tao. Sa Araw ng Paghuhukom, titindig ang Reyna ng Timog laban sa lahing ito at sila’y hahatulan niya ng kaparusahan. Sapagkat nanggaling siya sa dulo ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon; ngunit higit na di-hamak kay Solomon ang naririto! Sa Araw ng Paghuhukom ay titindig ang mga taga-Ninive laban sa lahing ito at hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangangaral ni Jonas; ngunit higit na di-hamak kay Jonas ang naririto!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Miyerkules po sa ating lahat! Ano ba ang hinahanap nating palatandaan o ebidensiya bago maniwala? Ngunit sa tunay na pananamapalataya ba ay may ebidensiya ba muna? Sa pananampalataya ay nakikita muna sa mata at sa puso ang totoo. Tulad na lamang nang nangyayari sa ating pananalangin. Hindi natin alam ang sagot agad-agad. Hindi natin nakikita ang hinaharap ngunit dahil sa pananampalataya, at paniniwala sa kabutihan ng Diyos, umaasa tayong magiging maganda ang kahihinatnan ng ating dinadasal at tayo ay naniniwalang tutugon ang Diyos dahil sa ating pananalig sa Kanya. Hindi nakikita ng mata ngunit naniniwala. Kung gayon, bakit natin kailangan ng tanda o ebidensiya?

Ang mga taong ganito ay hindi talaga naniniwala sa Panginoon. Kailangan pang subukin ang Diyos na insulto sa Kanya sapagkat napakarami nang ginawa at naihayag na ang katotohanan sa ating harap. May mga nagdadasal ngunit naniniwala din sa swerte. Magkasalungat at magkalaban ang dalawa na ito. Mamili lamang tayo ng isang paniniwalan, Diyos ba o ang iba?

Ano ba ang totoo? Na Diyos ang may gawa ng lahat dito sa lupa at sa langit. Sa Kanya lamang tayo tatalima. Wala nang iba. Sapagkat nilikha Niya tayo mula sa pag-ibig, pinatawad sa ating pagkakasala, inako ang parusa ng ating sala at pinapabalik tayo sa Kanya. Sa Kanya lamang galing lahat ng grasya, biyaya at pagpapagaling. Sa pag-ibig ay hindi kailangan ng tanda. Ito ay dinarama at tinatanggap. Ang problema ay kung naging manhid na sa Diyos at masyado nang malapit sa mundo, nahihirapan tayong makita at matanggap ito.

Kaya ngayong Kuwaresma ito ang hihilingin natin sa Panginoon. Linisin nawa Niya ang ating mga puso at kaluluwa upang makita Siya. Nariyan ang sakramento ng kumpisal para sa atin. Hilingin nawa natin na tanggalin Niya ang ating pagiging bulag at bingi nang makakita nang maayos ang ating puso at marinig ang tinig ng Diyos na laging naririyan at hindi lamang natin napapansin. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: Frances Mary Margaret DJ

Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?