Bible Catholic Church Catholic Faith Christian Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Tawagin ang Ama”

Marso 3, 2020. Martes sa Unang Linggo ng 40 Araw na Paghahanda

UNANG PAGBASA
Isaias 55, 10-11
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Sinasabi ng Panginoon:
“Ang ulan at niyebe
paglagpak sa lupa’y di na nagbabalik,
aagos na ito sa balat ng lupa’t nagiging pandilig,
kaya may pagkai’t butil na panghasik.
Ganyan din ang aking mga salita,
magaganap nito ang lahat kong nasa.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 4-5. 6-7. 16-17. 18-19
Tugon: Mat’wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan.

MABUTING BALITA
Mateo 6, 7-15
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sa pananalangin ninyo’y huwag kayong gagamit ng napakaraming salita gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila’y pakikinggan sila ng Diyos dahil sa dami ng kanilang salita. Huwag ninyo silang tutularan. Sapagkat alam na ng iyong Ama ang inyong kinakailangan bago pa ninyo hingin sa kanya.

Ganito kayo mananalangin:
‘Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang pangalan mo.
Ikaw nawa ang maghari sa amin,
sundin nawa ang iyong kalooban
dito sa lupa tulad ng sa langit.
Bigyan mo kami ng pagkaing kailangan namin sa araw na ito;
at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok,
kundi ilayo mo kami sa Masama!
Sapagkat iyo ang kaharian at ang
kapangyarihan at ang kapurihan,
magpakailanman! Amen.
Sapagkat kung pinatatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo pinatatawad ang mga nagkakasala sa inyo, hindi kayo patatawarin ng iyong Ama.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

Pagninilay:

Isang mapagpalang Martes po sa ating lahat! Napakaganda ng panalangin na itinuro sa atin ni Jesus. Hindi tayo nag-iisa. Siya ang Ama natin sa langit at may mga kapatid tayo dito sa lupa. Buo at kumpleto ang panalangin na ito. Humihingi tayo sa Diyos ng kakanin sa bawat araw. At ang tinapay na ibininigay Niya ay hindi lang ang pagkain sa lamesa ngunit sariling Dugo at Katawa Niya sa Eukaristiya. Sa Diyos din natin hinihingi ang proteksyon sa mga masasama. Ang pagpapatawad ng ating mga kasalanan. Subalit tayo rin ay dapat na magpatawad. Kaya naman, bilang mga Anak ng Diyos, tinatawag tayong tumawag sa Kanya nang taos puso. Manalangin tayo sa Kanya at tawagin Siya nang taimtim. Hindi isang ATM o banker, o ano pa man ang ating Panginoon. Siya ang ating Ama at tayo ay kanyang mga Anak. Tawagin natin Siya anumang oras natin kailangangin.

Francesca Maria Margarita DJ

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?