Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Buhay Kasama ng Diyos”

 

 

 

 

Hunyo 2, 2021. Miyerkules ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon.

Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel.

Wednesday of the Ninth Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Marcellinus and Peter, Martyrs (Red).

UNANG PAGBASA
Tobit 3, 1-11a. 16-17a
Pagbasa mula sa aklat ni Tobit

Noong mga araw na iyon, sa sama ng loob, ako’y napaiyak nang malakas. Tumatangis akong nanalangin nang ganito:
Ika’y mahabagin at makatarungan,
tapat ka, O Panginoon, sa lahat ng bagay.
Kaya naman ako’y iyong kahabagan,
linisin ako at iyong tulungan,
sa kasalanan ko’y huwag mong parusahan,
sa di sinasadyang mga kamalian
at pagkakasala ng aking magulang.

Sa pagkakasala nila at paglabag,
itong aming lahi’y natapo’t naghirap,
maraming namatay nang sila’y mabihag.
Kahit saang bansang aming kasadlakan,
tinutuya kami’t pinag-uusapan,
labis na nalagay sa kahihiyan.

Ang mga parusang iyong iginawad,
tapat at totoo, sa ami’y tumpak,
sa mga magulang nami’y nararapat.
Pati na sa amin ang parusa’y tumpak
pagkat ang utos mo’y di namin tinupad.
Gawin mo sa akin, iyong maibigan,
pabayaan mo nang makitil ang buhay,
bayaan na akong mabalik sa lupa,
masarap pa sa aking ako’y mamayapa.

Di ko matitiis na ako’y uyamin,
lubhang mabigat na ang aking pasanin.
Panginoon, bayaan nang hirap ko’y magwakas
at mamahinga ako sa lahat ng hirap.
Mabuti pa ngayon ang ako’y mamatay,
kaysa magtiis pa ng hirap sa buhay
na ang naririnig ay mga pang-uyam!”

Nang panahong iyong, sa Ecbatana, Media, ay may isang dalagang ang pangala’y Sara. Pitong ulit na siyang nagpakasal, ngunit bago siya masipingan, bawat napangasawa niya ay pinapatay ng demonyong Asmodeo. Isang araw, ininsulto siya ng isang babaing utusan ng kanyang ama. Wika nito: “Pihong ikaw ang pumatay sa iyong mga naging asawa. Tingnan mo, pito ang naging asawa mo, ngunit wala ni isang nakapagdulot sa iyo ng kasiyahan. Iyan ba ang dahilan kaya mo kami pinagmamalupitan? Mamamatay ng asawa!

Mabuti pa’y magpakamatay ka na rin! Hindi namin gustong ikaw ay magkaanak pa!”
Lubhang nalungkot si Sara nang araw na iyon. Umiiyak siyang umakyat sa silid ng kanyang ama. Nais na niyang magbigti, ngunit nagbago ang kanyang isip. “Hindi!” nasabi niya sa sarili. “Hahamakin ng mga tao ang tatay ko kapag ito’y ginawa ko. Tiyak na sasabihin nila sa kanya: ‘Iisa-isa ang anak mong babae’y nagpakamatay pa dahil sa malas!’ Para kong itinulak ang aking ama sa hukay sa sama ng loob. Mabuti pang hilingin ko sa Panginoon na nasiya na ang kumitil sa aking buhay para hindi na ako tuyain ng mga tao.”

Kaya’t noon di’y humarap si Sara sa bintana, itinaas ang mga kamay, at nanalangin.
Ang dalangin ni Tobit at ni Sara ay narinig ng Panginoon. Noon di’y tinugon niya ang kanilang pagluhog. Sinugo niya si anghel Rafael upang sila’y tulungan.
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 24, 2-4a. 4b-5ab. 6-7bk. 8-9
Sa ‘yo ako’y tumatawag,
Poong D’yos na nagliligtas.

MABUTING BALITA
Marcos 12, 18-27
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, may ilang Saduseo na lumapit kay Hesus. Ang Saduseo ay naninindigan na hindi muling bubuhayin ang mga patay. “Guro,” anila “naglagda po si Moises ng ganitong batas para sa amin: ‘Kung mamatay ang isang lalaki at maiwang walang anak ang kanyang asawa, ang kapatid na lalaki’y dapat pakasal sa balo upang magkaanak sila para sa namatay.’ May pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak. Napakasal sa balo ang pangalawa, at namatay na wala ring anak.

Gayun din ang nangyari sa pangatlo at sa mga sumusunod pa: isa-isang napangasawa ng babae ang pitong magkakapatid, at sila’y namatay na walang anak. Sa kahuli-huliha’y namatay rin ang babae. Ngayon, sino po sa pito ang kikilalanin niyang asawa sa muling pagkabuhay, yamang napangasawa niya silang lahat?” Sumagot si Hesus, “Maling-mali kayo. Alam ninyo kung bakit? Hindi ninyo nababatid ang mga Kasulatan ni ang kapangyarihan ng Diyos.

Sapagkat sa muling pagkabuhay, ang mga tao’y hindi na mag-aasawa; sila’y magiging tulad ng mga anghel sa langit. Tungkol naman sa muling pagkabuhay – hindi pa ba ninyo nababasa sa aklat ni Moises ang tungkol sa nagliliyab na mababang punongkahoy? Ganito ang nasusulat na sinabi ng Diyos kay Moises. ‘Ako ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob.’ Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay, kundi ng mga buhay. Maling-mali kayo!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Miyerkules po sa ating lahat! Ang ating Diyos ay Diyos ng mga buhay at hindi ng mga patay. Ang isa sa malaking pagkakamali natin ay tingnan ang buhay na walang hanggan bilang isang karugtong lamang ng buhay dito sa lupa. Subalit ito ay mali. Doon sa langit, ang lahat ay hayag na. Kilala na natin ang Diyos. Alam na nating nabubuhay lamang tayo nang dahil sa Kanya. Doon, ang walang hanggang kaligayahan natin ay Siya na mismo.

Samantalang dito sa lupa, puno ng mga pagsubok sa buhay. Maraming kalituhan, at kailangan pa ng napakaraming pagsubok at paglilinis sa atin upang malaman natin na ang buhay ay maiksi lamang. Upang makita natin na hindi natin madadala ang materyal na bagay sa kabilang buhay. Upang ipaalam sa atin kung ano ang tunay na mahalaga sa ating buhay at walang iba kung hindi ang mabubuting gawa at pag-ibig. Kaya nawa, maging bitbit natin ang mga aral na natutunan natin simula noong nagkaroon ng COVID.

Na tayo ay dapat na ituon ang pansin sa mga bagay na ukol sa Diyos at pag-ibig. Mag-ipon tayo ng kayamanan hindi dito kung hindi sa langit upang makasama natin doon ang Diyos at mamuhay nang masaya at matiwasay sa buhay na walang hanggan. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: F.M.M.J.

Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?