Bible Catholic Church Catholic Faith Christian Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Buong Loob sa Diyos”

 

 

 

 

 

Setyembre 13, 2021. Paggunita kay San Juan Crisostomo,
obispo at pantas ng Simbahan.

UNANG PAGBASA
1 Timoteo 2, 1-8
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal, una sa lahat, ipinakikiusap kong paabutin ninyo sa Diyos ang inyong kahilingan, panalangin, pamanhik, at pasasalamat para sa lahat ng tao. Gayun din ang gawin ninyo para sa mga hari at mga maykapangyarihan upang makapamuhay tayo nang tahimik at payapa, marangal at may kabanalan. Ito ang mabuti at nakalulugod sa Diyos na ating Tagapagligtas na ang ibig ay maligtas ang lahat ng tao at makaalam ng katotohanan. Sapagkat iisa ang Diyos at iisa ang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Kristo Hesus na naghandog ng kanyang buhay upang tubusin ang lahat. Siya ang katunayan ng banal na layunin ng Diyos at nahayag sa takdang panahon. Dahil dito, ako’y hinirang na mangangaral, apostol at tagapagturo ng pananampalataya at ng katotohanang ito sa mga Hentil. Katotohanan ang sinasabi ko, hindi ako nagsisinungaling.

Ibig kong ang mga lalaki sa lahat ng dako’y manalanging may malinis na kalooban, walang hinanakit o galit sa kapwa.
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 27, 2. 7. 8-9
Ang Poon ay papurihan,
ako’y kanyang tinulungan.

MABUTING BALITA
Lucas 7, 1-10
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, nang maituro ni Hesus sa mga tao ang kanyang aral, siya’y pumasok ng Capernaum. Doo’y may isang kapitang Romano na may aliping mahal sa kanya. May sakit ang aliping ito at nasa bingit ng kamatayan. Nang mabalitaan ng kapitan ang ginagawa ni Hesus, nagpasugo siya sa ilang matatanda sa mga Judio upang ipakiusap kay Hesus na puntahan at pagalingin ang alipin. Nang makita nila si Hesus, taimtim silang nakiusap sa kanya, “Siya’y karapat-dapat na pagbigyan ninyo sapagkat mahal niya ang ating bansa,” wika nila. ”Ipinagpatayo pa niya tayo ng isang sinagoga.” Kaya’t sumama sa kanila si Hesus. Nang malapit na siya sa bahay, ipinasalubong siya ng kapitan sa kanyang mga kaibigan at ipinasabi ang ganito:

“Ginoo, huwag na po kayong magpakapagod. Hindi ako karapat-dapat na puntahan ninyo sa aking tahanan. Ni hindi rin po ako karapat-dapat na humarap sa inyo. Ngunit magsalita po lamang kayo at gagaling na ang aking alipin. Sapagkat ako’y isang taong nasa ilalim ng mga nakatataas na pinuno, at may nasasakupan din po akong mga kawal. Kung sabihin ko sa isa, ‘Humayo ka!’ siya’y humahayo; at sa iba, ‘Halika! siya’y lumalapit; at sa aking alipin, ‘Gawin mo ito!’ ito’y ginagawa niya.” Namangha si Hesus nang marinig ito, at humarap sa makapal na taong sumusunod sa kanya. Sinabi niya, “Kahit sa Israel ay hindi ako nakakita ng ganito kalaking pananalig.” Pagbabalik sa bahay, naratnan ng mga sinugo na magaling na ang alipin.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Maligayang Kapistahan po ni San Juan Crisostomo! Kahanga-hanga ang ipinakita ng Romano na pananampalataya. Kahit hindi siya kabilang sa lipi ni Jesus, naniwala siya sa kadakilaan ng ating Panginoon. Bagay na kahit tayo ay nahihirapang gawin minsan. Mahirap na ipagpaubaya ang sariling isipan upang makinig sa plano ng Diyos na madalas hindi natin naiintindihan. Mas madali ang makinig lagi sa sinasabi ng ating isipan. Ang pananalangin ang makakatulong sa atin sa ganitong mahinang pananampalataya. Nawa palakasin at patatagin ng Diyos ang ating kalooban sapagkat kailangan natin ito lalo sa panahon ngayon. Marami tayong bagay na hindi agad mauunawaan.

Marami tayong bagay na mararanasan. Subalit ang mahalaga ay ang ating koneksyon sa Diyos na hindi napuputol. Hayaan natin Siyang tulungan tayo sa mga Krus na binubuhat. Kung mabigat, sabihin natin sa Kanya. Kung ano ang ating pakiramdam – maganda o hindi, sabihin natin sa Kanya at maniwala sa Kanya nang buong buo na gagawa Siya ng paraan para hilumin tayo, upang tayo ay saklolohan sa ating kinakaharap. Ang Panginoon ang ating Tagapagligtas at Tagapaghilom. Paniwalaan natin Siya kahit mahirap at makikita natin ang Kanyang sagot sa ating panalangin. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?