Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Diyos ang Tagapaghusga”

Hulyo 24, 2021. Sabado ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon

o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, pari.

Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Saturday of the Sixteenth Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Sharbel Makhluf, Priest (White)
or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
Exodo 24, 3-8
Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Noong mga araw na iyon, dumating si Moises at sinabi niya sa mga Israelita ang lahat ng iniutos ng Panginoon. Ang mga ito nama’y parang iisang taong sumagot, “Lahat ng iniuutos ng Panginoon ay susundin namin.” Isinulat ni Moises ang lahat ng utos ng Panginoon. Kinabukasan, maagang-maaga siyang nagtayo ng altar sa paanan ng bundok. Nagtayo rin siya ng labindalawang bato, na kumakatawan sa labindalawang lipi ni Israel. Pagkatapos, inutusan niya ang ilang kabataang lalaki na magdala sa altar ng mga handog na susunugin. Sila rin ang inutusan niyang pumatay ng mga hayop na gagamiting handog sa pakikipagtipan sa Panginoon. Ang kalahati ng dugo ng pinatay na hayop ay inilagay niya sa malalaking mangkok at ang kalahati’y ibinuhos niya sa altar. Kinuha niya ang aklat ng tipan at binasa nang malakas. Sabay-sabay namang tumugon ang mga Israelita, “Susundin namin ang lahat ng utos ng Panginoon.”

Pagkatapos, kinuha ni Moises ang mga mangkok ng dugo at winisikan ang mga tao. Sinabi niya, “Ang dugong ito ang siyang katibayan ng pakikipagtipang ginawa sa inyo ng Panginoon sa pagbibigay sa inyo ng kautusang ito.”
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 49, 1-2. 5-6. 14-15
Sa D’yos tayo ay maghandog
pasalamat na malugod.

MABUTING BALITA
Mateo 13, 24-30
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, inilahad ni Hesus ang talinghagang ito sa mga tao, “Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. Isang gabi, samantalang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway at naghasik ng masasamang damo sa triguhan. Nang tumubo ang trigo at magkauhay, lumitaw rin ang masasamang damo. Kaya’t lumapit ang mga alipin sa puno ng sambahayan at sinabi rito, ‘Hindi po ba mabuting binhi ang inihasik ninyo sa inyong bukid?

Bakit po may damo ngayon?’ Sumagot siya, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’ Tinanong siya ng mga utusan, ‘Bubunutin po ba namin ang mga iyon?’ ‘Huwag,’ sagot niya. ‘Baka mabunot pati trigo. Hayaan na ninyong lumago kapwa hanggang sa anihan. Pag-aani’y sasabihin ko sa mga tagapag-ani: Tipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin upang sunugin, at ang trigo’y inyong tipunin sa aking kamalig.’”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Sabado po sa ating lahat! Hindi gawa ng Diyos ang masama. Ito ay dulot ng diablo na naging mapagmataas at nagrebelde sa Diyos. Lahat tayo ay may sariling kalooban at kusang loob. Ang pag-ibig ay hindi magiging totoo kung walang kalayaan – kalayaan na mamili at mag-desisyon sa buhay. Kalayaan din na magbigay, magsilbi bilang mga pagpapakita ng pagmamahal. Sapagkat ang pag-ibig ay malaya at mapagpalaya. Kung gayon, sa mundo naghahalo ang mga mabubuti at masasama. Sapagkat ang bawat tao ay may kanya-kanyang pinipili sa buhay. May mga pumipili ng kasalanan, kasamaan at pansariling interes. Sila ang mga ligaw na damo. May mga taong sumusunod pa rin sa Diyos at gumagawa ng mabuti.

Kahit sa ating sarili, bagamat ginawa tayong mabuti ng Diyos, pinanganak tayong makasalanan dahil sa orihinal na pagkakasala. Hanggang sa loob natin ay naglalaban lagi ang kaloobang gumawa ng mabuti at ang pagiging makasarili. Kaya huwag tayong mag-aalala sapagkat ang Diyos ang naghuhusga sa lahat ng bagay. Sa bandang huli ang Kanyang hustisya ang mananaig. Ang mahalaga ay maging mabuti tayo, gumawa ng mabuti, mag-isip ng mabuti at magsalita ng mabuti. Kahit pa ano ang trato sa atin ng mundo, kahit ano ang gawin ng mundo. Sapagkat sa huli, sa wakas ng buhay ng bawat tao at sa wakas ng mundo ay may paghuhusga na magaganap. Sa bandang huli, ang mahalaga ay kung ano ang nagawa mong mabuti sa pamamagitan mo at ng Diyos na nakakakita ng lahat maging ang pinakanatatago sa kaibuturan ng ating mga puso at isipan. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: F.M.M.J.
Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?