Bible Catholic Church Catholic Faith Christian Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Diyos, Ating Galak”

Mayo 6, 2021. Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.

Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Thursday of the Fifth Week of Easter (White).

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 15, 7-21
Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, pagkatapos ng mahabang pagtatalo, tumindig si Pedro at sinabi sa mga apostol at sa matatanda: Mga kapatid, nalalaman ninyo na noong nakaraang mga araw, hinirang ako ng Diyos upang iparangal sa mga Hentil ang Mabuting Balita, at sila nama’y sumampalataya. At ang Diyos na nakasasaliksik ng puso ang nagpatotoo na, tulad natin, sila’y tinatanggap niya nang pagkalooban sila ng Espiritu Santo. Iisa ang tingin ng Diyos sa kanila’t sa atin; nilinis din niya ang kanilang puso sapagkat nanalig sila kay Hesukristo. Bakit ba marunong pa kayo sa Diyos? Ba’t ninyo ipinapapasan sa mga alagad ang isang dalahing mabigat na hindi natin napasan, ni ng ating mga magulang?

Sumampalataya tayo at naligtas sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Panginoong Hesus, gayun din naman sila.”

Tumahimik ang buong kapulungan. Nakinig sila kina Bernabe at Pablo habang isinasalaysay nila ang kababalaghang ginawa ng Diyos sa mga Hentil sa pamamagitan nila. Pagkatapos, si Santiago naman ang nagsalita, “Mga kapatid, pakinggan ninyo ako. Katatapos pa lamang isalaysay ni Simon ang unang pagkatawag ng Diyos sa mga Hentil upang sila rin ay maging bayan niya, ayon sa hula ng mga propeta:
‘Pagkatapos nito ay babalik ako,
at muli kong itatayo ang bumagsak na tahanan ni David.

Muli kong ibabangon mula sa kanyang pagkaguho,
upang ang Panginoo’y hanapin ang ibang tao,
ng lahat ng bansang tinawag ko upang maging akin.
Gayun ang sabi ng Panginoon na nagpahayag ng mga bagay na ito mula pa noong una.’
“Kaya’t ang pasiya ko’y huwag nating ligaligin ang mga Hentil na lumalapit sa Diyos. Sa halip, sulatan natin sila na huwag kakain ng anumang inihandog sa diyus-diyusan; huwag makikiapid; huwag kakain ng hayop na binigti, at ng dugo. Sapagkat mula pa nang unang panahon, ang Kautusan ni Moises ay binabasa sa mga sinagoga tuwing Araw ng Pamamahinga, at ipinangangaral ang kanyang salita sa bawat bayan.”
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 10
Sa lahat ay pinahayag
gawa ng Poong nagligtas.
o kaya: Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 15, 9-11
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayun din naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig. Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad ko, tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako’y nananatili sa kanyang pag-ibig.
“Sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang makahati kayo sa kagalakan ko at malubos ang inyong kagalakan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Huwebes po sa ating lahat! Ang ating tunay na kagalakan ay wala sa mundo. Kaya nga kung mapapansin natin, lahat ay lumilipas. Mga taong minahal, mga ari-arian o materyal na bagay, kahit trabaho o posisyon. Kahit ano at kahit sino sa mundo ay nawawala. Sapagkat, ang bawat pagdating at paglisan ay nagpapaalala sa atin na hindi dito sa mundo ang ating kaganapan, ang magpupuno ng anumang puwang sa ating puso. Kung hindi nasa Diyos. Nasa pag-ibig sa Diyos at sa kapwa na napapatunayan sa pagsisilbi ng walang bayad. Hindi rin dito ang atin permanenteng tahanan kung hindi sa langit.

Kaya mga kapatid, bagamat araw-araw marami tayong inaalala o iniisip, lagi nating ilagay sa ating puso higit sa lahat, ang buhay na naghihintay sa atin sa langit. Pagsikapan nating mahalin ang Diyos at kapwa at gumawa ng mabuti mula sa pagmamahal na ito kahit mahirap. Lahat ng dusa ay lilipas subalit ang gantimpala natin na makukuha sa langit bunga ng mabuting gawa at sakripisyo ay walang hanggan. Doon, hindi nabubulok ang kayamanan at hindi natatapos ang ligaya kasama ang Diyos na ating Tunay na Kaligayahan. Para sa Kanya tayo nilikha, para sa Pag-ibig, at sa Siya rin ang pupuno sa ating mga pagkatao at puso nang nag-uumapaw na kaligayan na hindi natatapos. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: F.M.M.J.

Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?