Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Diyos na Mapagbigay”

 

 

 

 

 

Hulyo 25, 2021. Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon.

Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel.

Seventeenth Sunday in Ordinary Time (Green)
World Day for Grandparents and the Elderly.

UNANG PAGBASA
2 Hari 4, 42-44
Pagbasa mula sa ikalawang aklat ng mga Hari

Noong panahong iyon, isang lalaking taga-Baal-salisa ang lumapit kay Eliseo. May dala siyang bagong aning trigo at dalawampung tinapay na yari sa unang ani niya ng sebada. Sinabi ni Eliseo, “Ihain ninyo iyan sa mga tao.” Sumagot ang kanyang katulong, “Hindi ito magkakasya sa sandaang tao.” Iniutos niya uli, “Ihain ninyo iyan sa mga tao sapagkat sinabi ng Panginoon: Mabubusog sila at may matitira pa.” At inihain nga nila iyon. Kumain ang lahat at nabusog, ngunit marami pang natira, tulad ng sinabi ng Panginoon.
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 10-11. 15-16. 17-18
Pinakakain mong tunay
kaming lahat, O Maykapal.

IKALAWANG PAGBASA
Efeso 4, 1-6
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid, ako na isang bilanggo dahil sa Panginoon, ay namamanhik sa inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. Kayo’y maging mapagpakumbaba, mabait, at matiyaga. Magmahalan kayo at magpaumanhinan. Pagsumikatan ninyong mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng bukolod ng kapayapaan. Iisa lamang ang katawan at iisa rin ang Espiritu, gayun din naman, iisa lamang ang pag-asa ninyong lahat, dulot ng pagkatawag sa inyo ng Diyos. May isa lamang Panginoon, isang pananampalataya, at isang pagbibinyag, isang Diyos at Ama nating lahat. Siya’y higit sa lahat, gumagawa sa lahat, at sumasalahat.

Ang Salita ng Diyos.

MABUTING BALITA
Juan 6, 1-15
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, tumawid si Hesus sa ibayo ng Lawa ng Galilea, na tinatawag ding Lawa ng Tiberias. Sinundan siya ng napakaraming tao sapagkat nakita nila ang mga kababalaghang ginawa niya sa pagpapagaling sa mga maysakit. Umahon si Hesus sa burol kasama ang kanyang mga alagad at naupo roon. Malapit na noon ang Pista ng Paskuwa ng mga Judio. Tumanaw si Hesus, at nakita niyang dumarating ang napakaraming tao. Tinanong niya si Felipe, “Saan tayo bibili ng tinapay upang makakain ang mga taong ito?” Sinabi niya ito para subukin si Felipe, sapagkat alam ni Hesus ang kanyang gagawin. Sumagot si Felipe, “Kahit na po halagang dalawandaang denaryong tinapay ang bilhin ay di sasapat para makakain nang tigkakaunti ang mga tao.”

Sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, si Andres na kapatid ni Simon Pedro, “Mayroon po ritong isang batang lalaki na may dalang limang tinapay na sebada at dalawang isda. Ngunit gaano na ito sa ganyang karaming tao?” “Paupuin ninyo sila,” wika ni Hesus. Madamo sa lugar na yaon. Umupo ang lahat humigit kumulang sa limanlibo ang mga lalaki. Kinuha ni Hesus ang tinapay at matapos magpasalamat sa Diyos ay ipinamahagi sa mga tao; gayun din ang ginawa niya sa isda. Binigyan ang lahat hangga’t gusto nila.

At nang makakain na sila, sinabi niya sa mga alagad, “Tipunin ninyo ang lumabis para hindi masayang.” Gayun nga ang ginawa nila, at nakapuno sila ng labindalawang bakol.
Nang makita ng mga tao ang kababalaghang ginawa ni Hesus, sinabi nila, “Tunay na ito ang Propetang paririto sa sanlibutan!” Nahalata ni Hesus na lalapit ang mga tao at pilit siyang kukunin upang gawing hari, kaya muli siyang umalis na mag-isa patungo sa kaburolan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Linggo po sa ating lahat! Kaya ng Diyos gawin ang lahat ng bagay. Kahit hindi natin ito inaakala at inaasahan. Sa kapangyarihan ng Diyos, lahat ay posible. Ang nagkukulang ay ang ating pananampalataya sa Kanya. Gaya nina Felipe at Andres, may sariling pag-iisip ang mga tao. May sarili tayong pang-unawa na iba sa Diyos. Sapagkat ang isip ng Diyos ay mataas sa atin. Minsan napapako tayo sa ating sariling isipan na may limitasyon, kaya kung ganito madalas tayong nawawalan ng pag-asa. Mahalagang maituon natin ang ating pag-iisip mula sa ating sarili papunta sa Diyos na sadyang malawak at walang hanggan.

Ang mahalaga para sa ating mga tao ay magtiwala sa Diyos na magbibigay Siya ng lahat ng ating kailangan. Mahalaga rin para sa ating malaman at panghawakan ang Kanyang pag-ibig sa atin. Ang Kanyang pag-ibig na sadyang napakalaki na may pakialam Siya sa bawat maliliit na bagay sa ating sarili at sa ating buhay. Sa Kanyang habag at awa, hindi tayo magkukulang. Kailangan lamang natin maging gaya ng batang lalake na mag-alay ng anumang ating kaya. Diyos ang bahala magdagdag dito kahit kailangan ng himala.

Huwag tayong mag-isip na maliit lamang ang ating alay sa Diyos. Sa pagbibigay natin sa kapus-palad, hindi kailangang libu-libo o maraming magagandang bagay agad, kahit paisa-isa ay mahalaga sa mata ng Diyos. Ang mahalaga ay ang sinserong puso natin na nag-aalay sa Kanya. Diyos na ang bahala sa lahat. Manalig tayo sa Kanya kahit sa gitna ng kahirapan at walang kasiguraduhan. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: F.M.M.J.
Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?