Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Gabay ng Diyos”

 

 

 

 

 

 

Hunyo 7, 2021. Lunes ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon.

Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel.

Monday of the Tenth Week in Ordinary Time (Green).

UNANG PAGBASA
2 Corinto 1, 1-7
Ang simula ng ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mula kay Pablo na hinirang ng Diyos upang maging apostol ni Kristo Hesus at mula sa ating kapatid na Timoteo –
Sa simbahan sa Corinto at sa mga hinirang ng Diyos, na nasa buong Acaya:

Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesukristo.
Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesukristo, ang mahabaging Ama at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. Inaaliw niya tayo sa ating mga kapighatian upang makatulong naman tayo sa mga namimighati, sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya. Kung gaano karami ang tiising dinaranas namin sa pakikipag-isa kay Kristo, gayun din ang kaaliwang tinatamo namin mula sa kanya. Kung namimighati man kami, ito’y sa ikaaaliw at ikaliligtas ninyo. Kapag inaaliw kami, kayo ma’y naaaliw rin at lumalakas upang mabata ang mga kapighatiang dinaranas ninyo, tulad namin. Kaya’t matibay ang aming pag-asa para sa inyo sapagkat alam naming kahati kayo sa aming kaaliwan, kung paanong kayo’y kahati namin sa pagtitiis.
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9
Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

MABUTING BALITA
Mateo 5, 1-12
Ang Mabuting Balita ng Panginoong ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang makita ni Hesus ang napakakapal na tao, umahon siya sa bundok. Pagkaupo niya’y lumapit ang kanyang mga alagad, at sila’y tinuruan niya ng ganito:
“Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos,
sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.
“Mapalad ang mga nahahapis, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.
“Mapalad ang mga mapagpakumbaba,
sapagkat tatamuhin nila ang ipinangako ng Diyos.
“Mapalad ang mga nagmimithing makatupad sa kalooban ng Diyos,
sapagkat ipagkakaloob sa kanila ang kanilang minimithi.

“Mapalad ang mga mahabagin,
sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.
“Mapalad ang mga may malinis na puso,
sapagkat makikita nila ang Diyos.
“Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo,
sapagkat sila’y ituturing ng Diyos na mga anak niya.
“Mapalad ang mga pinag-uusig dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos,
sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.
“Mapalad kayo kapag dahil sa aki’y inaalimura kayo ng mga tao, pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan. Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayun din ang ginawa ng mga tao sa mga propetang nauna sa inyo.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Lunes po sa ating lahat! Ang mapalad ay ang mga aba. Bakit? Sapagkat ang mayroon lamang sila ay ang Diyos at sapat na ito. Kahit na maranasan natin ang hirap sa mundo, kung kasama natin ang Diyos ay papalitan Niya ang lahat ng hirap na ito. Bibigyan Niya tayo ng lakas na mapagdaanan ang lahat ng ito. Sa huli ay gagawin Niyang maganda at maayos ang lahat. Kaya naman, sa lahat ng bagay magtiwala at umasa sa Diyos kahit hindi natin nakikita agad ang resulta. Ang Panginoon ay laging gumagabay sa lahat ng taong nakikinig sa Kanya. Kung Siya ay kasama, ang lahat ng hirap ay makakaya. Sapagkat Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng lakas. Humingi tayo sa Kanya nito at nang makatawid tayo sa lahat ng pagsubok kasama Niya at sa Kanya. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: F.M.M.J.

Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?