Bible Catholic Church Catholic Faith Christian Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Landas ni Jesus”

Mayo 8, 2021. Sabado ng Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.

Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Saturday of the Fifth Week of Easter (White).

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 16, 1-10
Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, nagpunta si Pablo sa Derbe at Listra. At may isang alagad doon na ang pangala’y Timoteo, anak ng isang mananampalatayang Judia, at ng isang Griego. Pinatunayan ng mga kapatid sa Listra at sa Iconio na mabuting tao si Timoteo. Ibig isama ni Pablo si Timoteo, kaya’t tinuli niya ito sapagkat alam ng lahat ng Judio sa lungsod na iyon na Griego ang kanyang ama. Sa bawat lungsod na kanilang dinalaw ay ipinaalam nila sa mga kapatid ang pasiya ng mga apostol at matatanda sa Jerusalem, at iniutos na sundin iyon. Kaya’t tumibay sa pananampalataya ang mga kaanib ng bawat simbahan at dumarami ang bilang ng mga alagad araw-araw.

Naglakbay sina Pablo sa lupain ng Frigia at Galacia, sapagkat sinansala sila ng Espiritu Santo na mangaral sa Asia. Pagdating sa hangganan ng Misia, ibig sana nilang pumasok sa Bitinia, subalit hindi sila pinahintulutan ng Espiritu ni Hesus. Kaya’t bumagtas sila ng Misia at nagtungo sa Troas. Kinagabihan, nagkaroon si Pablo ng isang pangitain: may isang lalaking taga-Macedonia, nakatayo at namamanhik sa kanya, “Tumawid po kayo rito sa Macedonia at tulungan ninyo kami.” Pagkatapos ng pangitaing ito, gumayak kami agad sapagkat natanto naming kami’y tinatawag ng Diyos upang ipangaral sa Macedonia ang Mabuting Balita.
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 99, 2. 3. 5
Purihin ng lahat ang D’yos,
parangalan s’yang malugod.
o kaya: Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 15, 18-21
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung napopoot sa inyo ang sanlibutan, dapat ninyong malamang napoot na ito sa akin bago sa inyo. Kung kayo nga’y sa sanlibutan, iibigin kayo nito bilang kanya. Ngunit yamang hindi kayo sa sanlibutan, kundi pinili ko kayo mula rito, ito’y napopoot sa inyo. Alalahanin ninyo ang sinabi ko sa inyo: walang aliping higit kaysa kanyang panginoon. Kung ako’y inusig nila, uusigin din nila kayo; kung tinupad nila ang aking salita, tutuparin din nila ang salita ninyo. Ngunit ang lahat ng ito’y gagawin nila sa inyo dahil sa akin, sapagkat hindi nila nakikilala ang nagsugo sa akin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Sabado po sa ating lahat! Ang Panginoong Jesus ay kinapootan ng mundo. Kahit Siya ay napakabuti, puno ng pag-ibig at awa, ganito pa rin ang sinapit Niya, paano pa kaya tayo? Ganito ang sasapitin ng sinumang nagtatanggol sa pananampalataya. Habang dinaranas natin ang pag-uusig na ito ay lalo naman tayong napapalapit sa Panginoon. Kahit sobra na ang hirap, at habang tayo ay inaapi, lalo naman tayong napapalapit sa Kaharian ng Diyos. Sapagkat magkasalungat ang mundo at ang Espiritu ng Diyos. Sinasabi ng mundo na magtrabaho ka at maghirap para sa sarili mo. Bumili ka ng gusto mo dahil karapatan mo yan, sabi ng mundo.

Subalit sabi ng Diyos ay ibigay mo ang bahagi ng mayroon ka sa iba, mahalin natin ang kaaway, magsakripisyo tayo para sa iba. Lahat ng ito ay mahirap para sa makasariling sarili subalit para sa ikabubuti ng iba, ito ang bilin ng Diyos sa atin. Hanggang saan ba natin ipapakita ang pag-ibig sa Diyos? Sa salita na lamang ba? Kailan kaya natin mapapatunayan sa gawa? At sa hindi pagtigil sa pagtanggol sa tama, pagbibigay at pagtulong sa kapwa kahit pa kinapopootan ng mundo. Tandaan natin na gaya ni Jesus, ang Krus natin ang magiging daan natin patungong langit. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: F.M.M.J.

Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?