Bible Catholic Church Catholic Faith Christian Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Malakas na Pananalig”

Mayo 29, 2021. Sabado ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon.

Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel.

Saturday of the Eighth Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Paul VI, Pope (White)
or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White).

UNANG PAGBASA
Sirak 51, 17-27
Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Pinasasalamatan kita at pinupuri,
O Panginoon, pinupuri kita!
Nang ako’y bata pa, bago pa ako naglakbay,
ang lagi ko nang dalangin ay pagkalooban ako ng Karunungan.
Nagpunta ako sa templo at siya ang aking hiniling,
at siya kong hahanapin magpahanggang wakas.
Mula sa aking kabataan hanggang sa aking pagtanda,
ang Karunungan lamang ang kagalakan ng aking puso.

Mula pa sa aking pagkabata, sinikap ko nang mamuhay nang matuwid,
masundan ko lamang ang landas ng Karunungan.
Nagsisimula pa lamang akong makinig
ay nakamtan ko na ang Karunungan;
sa gayun ay nakatuklas ako ng maraming aral.
Lagi kong sinikap na matuto,
at nagpapasalamat ako sa lahat ng nagturo sa akin.
Ang aking panata’y mamuhay ako
ayon sa tuntunin ng Karunungan,
at sinikap kong laging gumawa ng mabuti,
at ito’y hindi ko pagsisisihan magpakailanman.
Sinikap kong mabuti na mag-angkin ng Karunungan,
at naging maingat ako sa aking pag-uugali.

Lagi kong kinikilala ang aking kakapusan sa bagay na ito,
kaya’t sa Diyos ako humihingi ng tulong.
Siya ang laging nilulunggati ng aking puso,
at nagtagpuan ko siya sa pamamagitan ng malinis na pamumuhay.
Umunlad ako sa Karunungan mula pa nang siya’y aking natagpuan
at hindi ko na siya hihiwalayan kailanman.
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 18, 8. 9. 10. 11
Ating kabutiha’t lugod
ay nasa loobin ng D’yos.

MABUTING BALITA
Marcos 11, 27-33
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, pumunta na naman si Hesus at ang mga alagad sa Jerusalem. Samantalang si Hesus ay naglalakad sa templo, nilapitan siya ng mga punong saserdote, ng mga eskriba, at ng matatanda ng bayan. Tinanong siya, “Ano ang karapatan mong gumawa ng mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang ito?” Sumagot si Hesus, “Tatanungin ko rin kayo. Pag sinagot ninyo ako, saka ko naman sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga bagay na ito. Kanino nagmula ang karapatan ni Juan upang magbinyag – sa Diyos ba o sa mga tao?”

At sila’y nag-usap-usap: “Kung sabihin nating mula sa Diyos, itatanong naman niya sa atin, ‘Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?’ Ngunit kung sabihin nating mula sa tao,” natatakot naman sila at baka kung ano ang gawin sa kanila ng mga tao, sapagkat kinikilala ng lahat na si Juan ay isang propeta. Kaya’t sumagot sila kay Hesus, “Hindi namin alam!” Sinabi ni Hesus sa kanila, “Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga ginawa ko.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Sabado po sa ating lahat! Ang kapangyarihan ng Diyos ay payak. Kung maniniwala lamang tayo dito, makikita natin ang himala. Hindi naman tayo magtatagumpay sa laban ng buhay mag-isa. Baka kaya tayo paulit-ulit nanghihina, nawawasak at tila nasasadlak sa dusa nang walang katuturan ay dahil sa pinipili nating kayanin nang wala si Cristo. Hindi natin kaya mag-isa. Wala sa atin ang kapangyarihan, kung hindi nasa Diyos. Maging makapagkumbaba tayong umasa sa Kanyang may awtoridad at tagumpay sa lahat ng bagay. Kung si Cristo ang kasama, lahat ay ating makakaya. Manalangin tayo sa lahat ng oras at para sa lahat ng bagay nang may buong pananalig. Kung mahina man ito, hilingin natin sa Diyos na palakasin din. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: F.M.M.J.

Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?