Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Pagkabuhay sa Krus”

 

 

 

 

 

Abril 13, 2021. Martes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.

Tuesday of the Second Week of Easter (White)
or Optional Memorial of St. Martin I, Pope and Martyr (Red).

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 4, 32-37
Pagbasa mula sa Mga Gawa ng mga Apostol

Nagkaisa ang damdami’t isipan ng lahat ng sumasampalataya at di itinuring ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat. Ang mga apostol ay patuloy na gumagawa ng kababalaghan at nagpapatotoo sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus. At ibinuhos ng Diyos ang kanyang pagpapala sa kanilang lahat. Walang nagdarahop sa kanila, sapagkat ipinagbibili nila ang kanilang lupa o bahay, at ang pinagbilhan ay ibinibigay sa mga apostol. Ipinamamahagi naman ito ayon sa pangangailangan ng bawat isa.
Gayun ang ginawa ni Jose, isang Levitang taga-Chipre, kaya’t Bernabe ang itinaguri sa kanya ng mga apostol, ibig sabihi’y “Matulungin.” Ipinagbili niya ang kanyang bukid at ibinigay sa mga apostol ang pinagbilhan.
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 92, 1ab. 1k2. 5
Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y maharlika.
o kaya: Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 3, 7b-15
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Huwag kayong magtaka sa sinabi ko sa inyo, ‘Lahat ay kailangang ipanganak na muli.’ Umiihip ang hangin kung saan ibig at naririnig ninyo ang ugong nito, ngunit hindi ninyo alam kung saan nanggagaling at kung saan naparoroon. Gayun din ang bawat ipinanganak sa Espiritu.” “Paano pong mangyayari ito?” tanong ni Nicodemo. Sumagot si Hesus, “Guro pa naman kayo sa Israel ay hindi ninyo nauunawaan ang mga bagay na ito? Tandaan ninyo: ang aming nalalaman ang sinasabi namin, at ang aming nasaksihan ang pinatototohanan namin, ngunit hindi ninyo tinatanggap ang aming patotoo. Kung hindi ninyo pinaniniwalaan ang sinasabi ko tungkol sa mga bagay sa sanlibutang ito, paano ninyo paniniwalaan kung ang sabihin ko’y tungkol sa mga bagay sa langit? Walang umakyat sa langit kundi ang bumaba mula sa langit – ang Anak ng Tao.

“At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, gayun din namin kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpapang Martes po sa ating lahat! Hindi natin maaring makalimutan ang Krus kahit sa panahon ngayon ng “Easter”. Kung paanong hindi rin natatanggal ang marka ng pagpapasakit ng Panginoon, gayon din ang ating pagtingin sa Krus na nananatiling tanda ng ating kaligtasan, bunga ng pagpapakasakit ni Jesus. Itinaas si Jesus sa Krus upang tayo ay itaas kasama Niya. Mula sa kasalanan, iniaangat Niya tayo sa estado ng grasya na hindi natin magagawa nang tayo lamang. Kaya nga dahil sa Krus ni Jesus, ang paghihirap ng tao ay naiaangat din ng estado. Ibig sabihin ay ang paghihirap natin ay hindi na balewala kung iaalay kay Jesus at dadaanan kasama Niya. Maari nating ialay ang ating ating paghihirap sa ikapagpapatawad ng ating kasalanan at mundo. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: F.M.M.J.

Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?