Bible Catholic Church Catholic Faith Christian Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Pagpapagaling ni Jesus”

Hunyo 25, 2021. Biyernes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon.

Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel.

Friday of the Twelfth Week in Ordinary Time (Green).

UNANG PAGBASA
Genesis 17, 1. 9-10. 15-22
Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Nang siyamnapu’t siyam na taon na si Abram, napakita sa kanya ang Panginoon at sinabi: “Ako ang Makapangyarihang Diyos. Sumunod ka sa akin at ingatan mong walang dungis ang iyong sarili habang ikaw ay nabubuhay.
“Kayo naman ay dapat maging tapat sa ating tipan, ikaw at ang iyong lahi,” sabi pa ng Diyos kay Abraham. “Ganito ang inyong gagawin: lahat ng lalaki sa inyo ay tutuliin.”

Sinabi pa rin ng Diyos kay Abraham: “Hindi na Sarai ang itatawag mo sa iyong asawa kundi Sara sapagkat siya’y pagpapalain ko: magkakaanak siya at magiging ina ng maraming bansa; may magiging hari sa kanyang mga inapo.”
Nagpatirapang muli si Abraham, ngunit napatawa siya nang kanyang maisip na siya’y matanda na. Nasabi niya sa sarili, magkakaanak ako ngayong ako’y sandaang taon na? At si Sara! Maglilihi pa ba iyon gayong siyamnapung taon na?” At sinabi niya sa Diyos, “Mabuti pang si Ismael na ang inyong kalingain at pahabain ang buhay.”

“Nagkakamali ka Abraham; si Sara ay magkakaanak ng isang lalaki at tatawagin mong Isaac,” wika ng Diyos. “Makikipagtipan ako sa kanya at sa kanyang lahi magpakailanman. Tungkol naman kay Ismael, ipagkakaloob ko ang kahilingan mo: Pagpapalain ko siya at pararamihin ang kanyang lipi. Magkakaanak siya ng labindalawang prinsipe, at magiging bansang makapangyarihan ang kanyang angkan. Ngunit hindi sa kanya matutupad ang ating tipan. Matutupad iyon kay Isaac, ang magiging anak ni Sara na isisilang sa darating na taon, sa ganito ring panahon.” Pagkasabi nito, nilisan ng Diyos si Abraham.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 127, 1-2. 3. 4-5
S’ya’y laging pagpapalain
kung ang Poon ay susundin.

MABUTING BALITA
Mateo 8, 1-4
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Nang makababa si Hesus mula sa bundok, sinundan siya ng napakaraming tao. Lumapit sa kanya ang isang ketongin at lumuhod sa harapan niya. “Ginoo,” ang wika niya, “kung ibig po ninyo, ako’y inyong mapagagaling.” Hinipo siya ni Hesus at sinabi, “Ibig ko, gumaling ka.” At pagdaka’y nawala ang kanyang ketong. “Huwag mo itong sasabihin kaninuman,” bilin ni Hesus. “Pumunta ka’t pasuri sa saserdote. Pagkatapos, maghandog ka ng haing iniuutos ni Moises, bilang patotoo sa mga tao na magaling ka na.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Biyernes po sa ating lahat! Ang Panginoong Diyos ang nagpapagaling ng ating mga sakit. Hindi lamang ng pisikal ngunit ng kaluluwa. Sabay ito dapat. Hindi maaring isa lang. Kung ang ating katawan ay gumagaling, kasabay nito ang pagpupuri at pasasalamat sa Diyos. Kasabay ng pagkakasakit ang paghingi ng tawad sa Panginoon upang lalong mas pumasok ang grasya ng Diyos sa ating buhay. Kaya nga kahit noong panahon ni Jesus, ang mga Hudyo ay may kautusan na kailangan nila magpunta sa templo at magpakita sa pari ayon sa kautusan. Ito’y upang sila’y ideklarang “malinis” na. Hindi ba’t ganito rin tayo sa kumpisal?

Ang kasalanan ay ang sakit ng ating kaluluwa. Sa pamamagitan ng kumpisal, nililinis tayo ng Diyos sa ating mga sala at pinapatawad sa pamamagitan ng pari na pawang mga instrument ng Diyos. Kaya naman kung kailangan natin o ng ibang tao ng pagpapagaling ng katawan at kaluluwa, humiling tayo nito sa Diyos. Magbalik-tanaw sa buhay at magsisi rin sa nagawang kasalanan. Dito tayo magkakaroon ng karunungan at dito nalilinis ang ating puso upang mas mahalin natin ang Diyos kaysa sa ibang tao o bagay. Hilingin din natin kasabay nito na matanggap natin anuman ang kalooban Niya para sa atin.

Pagkatiwalaan natin siya. Siya ang magtatawid sa atin sa lahat ng bagay, anuman ang ating pagdaanan. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: F.M.M.J.
Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?