Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Pagpapakasakit ni Jesus”

 

 

 

 

 

 

Marso 23, 2021. Martes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda.

UNANG PAGBASA
Bilang 21, 4-9
Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang

Noong mga araw na iyon, mula sa Bundok ng Hor, nagpatuloy ang mga Israelita patungong Dagat ng mga Tambo upang lihisan ang Edom. Dahil dito, nainip ang mga tao sa pasikut-sikot na paglalakbay na yaon. Nagreklamo sila kay Moises, “Inialis mo ba kami sa Egipto para patayin sa ilang na ito? Wala kaming makain ni mainom! Sawa na kami sa walang kuwentang pagkaing ito.” Dahil dito, sila’y pinadalhan ng Panginoon ng makamandag na ahas at sinumang matuka nito ay namamatay. Kaya, lumapit sila kay Moises. Sinabi nila “Nagkasala kami sa Panginoon at sa iyo. Idalangin mo sa kanyang paalisin ang mga ahas na ito.” Dumalangin nga si Moises at ganito ang sagot sa kanya ng Panginoon, “Gumawa ka ng isang ahas na tanso. Ilagay mo iyon sa dulo ng isang tikin at sinumang natuklaw ng ahas na tumingin doon ay hindi mamamatay.” Gayun nga ang ginawa ni Moises. Mula noon, lahat ng matuklaw ng ahas ngunit tumingin sa ahas na tanso ay hindi namamatay.
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 101, 2-3. 16-18. 19-21
Dinggin mo ang aking dasal, pagsamo ko’y paunlakan.

MABUTING BALITA
Juan 8, 21-30
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Pariseo: “Ako’y yayaon; hahanapin ninyo ako, ngunit mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan. Hindi kayo makapupunta sa paroroonan ko.” Sinabi ng mga Judio, “Magpapakamatay kaya siya kaya niya sinasabing, ‘Hindi kayo makapupunta sa paroroonan ko?’” Sumagot si Hesus, “Kayo’y taga-ibaba, ako’y taga-itaas. Kayo’y taga-sanlibutang ito, ako’y hindi. Kaya sinabi ko sa inyo na mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan. Mamamatay nga kayo sa inyong mga kasalanan kung hindi kayo maniniwalang ‘Ako’y si Ako Nga’. “Sino ka ba?” tanong nila. Sumagot si Hesus, “Ako’y yaong sinabi ko na sa inyo mula pa noong una. Marami akong masasabi at maihahatol laban sa inyo. Ngunit totoo ang sinasabi ng nagsugo sa akin, at ang narinig ko sa kanya ang ipinapahayag ko sa sanlibutan.”

Hindi nila naunawaan na siya’y nagsasalita tungkol sa Ama. Kaya’t sinabi ni Hesus, “Kapag naitaas na ninyo ang Anak ng Tao, malalaman ninyong ‘Ako’y si Ako Nga.’ Wala akong ginagawa sa ganang sarili ko lamang; nagsasalita ako ayon sa itinuturo sa akin ng Ama. At kasama ko ang nagsugo sa akin; hindi niya ako iniiwan, sapagkat lagi kong ginagawa ang nakalulugod sa kanya.” Marami sa nakarinig nito ang naniwala sa kanya.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon

Pagninilay:

Isang mapagpalang Martes po sa ating lahat! Hindi maintindihan ng mga kaaway ni Jesus ang ating Panginoon. Ang mga makamundo ay hindi makakaintindi ng pang-espiritwal. Ang taong puro materyal na bagay ang iniisip ay mahirap makaisip ng tungkol sa Diyos. Kaya nga ang panahon ngayon na Kuwaresma ay isang paglilinis. Iniaalis natin ang mga bagay na sobra na. Sobrang panonood ng tv, social media, sobrang pagkain, atbp. para ibigay sa mahihirap, at para magbigay ng oras para sa panalangin. Kumusta ba ang ating Kuwaresma lalo ngayong malapit na mag-“holy week”? Nakapagbigay ba tayo ng oras sa panalangin? Hindi pa huli ang lahat. Tara at samahan natin si Jesus sa Kanyang hinagpis at pagpapakasakit dahil lahat ng iyan ay Kanyang pinagdaanan para sa atin. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: F.M.M.J.

Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?