Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Pagpapatawad ng Kapwa”

 

 

 

 

 

 

 

Hunyo 14, 2021. Lunes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon.

Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel.

Monday of the Eleventh Week in Ordinary Time (Green).

UNANG PAGBASA
2 Corinto 6, 1-10
Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, yamang kami’y mga katulong sa gawain ng Diyos, ipinamamanhik namin sa inyo na huwag ninyong sayangin ang pagkakataong ibinibigay sa atin ng Diyos. Sapagkat sinasabi niya:
“Sa kaukulang panahon ay pinakinggan kita,
Sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita.” Tingnan ninyo! Ngayon na ang panahong nararapat! Ngayon ang araw ng pagliligtas!
Iniwasan kong makagawa ng anumang ipagdaramdam ninuman upang hindi mapulaan ang aking paglilingkod. Sa halip, ipinakikilala ko sa lahat ng paaraan na ako’y lingkod ng Diyos: sa pagtitiis ng kahirapan, kapighatian, at mga kagipitan.

Ako’y hinagupit, ibinilanggo at binugbog. Naranasan ko ang magtrabaho nang labis, ang di matulog magdamag, ang di kumain ng ilang araw. Ipinakilala kong ako’y lingkod ng Diyos sa pamamagitan ng malinis na pamumuhay, kaalaman, pagpapahinuhod, kabutihang-loob, ganoon din sa pamamagitan ng Espiritu Santo, tapat na pag-ibig, tapat na pananalita at kapangyarihan ng Diyos. Ang katuwiran ang siya kong sandatang panlaban at pananggalang. Naranasan kong parangalan at siraang-puri, laitin at papurihan. Ako’y itinuring na sinungaling, gayong katotohanan ang aking sinasabi. Ako’y itinuring na di kilala kahit kilalang-kilala; halos mamamatay na, ngunit malakas na malakas. Kahit ako’y pinarurusahan, hindi ako namamatay; inaring hapis na hapis, gayunma’y laging nagagalak; mukhang mahirap, ngunit nagpapayaman sa marami; waring walang-wala, ngunit akin ang lahat ng bagay.
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4
Ang D’yos na rin ang naghayag
ng handog n’yang pagliligtas.

MABUTING BALITA
Mateo 5, 38-42
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Narinig ninyo na sinabi: ‘Mata sa mata at ngipin sa ngipin.’ Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo: huwag ninyong labanan ang masamang tao. Kung may sumampal sa iyo sa kanang pisngi, iharap mo pa sa kanya ang kabila. Kung ipagsakdal ka ninuman upang makuha ang iyong baro, ibigay mo sa kanya pati ang iyong balabal. Kung sapilitang ipapasan sa iyo ng manlulupig ang kanyang dala nang isang kilometro, pasanin mo ito nang dalawang kilometro. Magbigay ka sa nanghihingi sa iyo, at huwag mong pahindian ang nanghihiram sa iyo.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Lunes po sa ating lahat! Masakit ang masaktan. Kapag nangyayari ito sa atin, madalas iniibig gumanti at makasakit din. Sapagkat mahirap naman talaga. Subalit upang maging kagaya tayo ni Jesus, sinasabihan Niya tayo na maging mapagpasensiya at magpagpatawad. Kahit mahirap ito, ito ang makapagbibigay sa atin ng kapayapaan. Kung hahayaan natin ang iba habang ipinaglalaban pa rin ang tama. Subalit sa pagtanggap natin ng bawat sitwasyon ay mas lalakas tayo sapagkat handa tayo sa anumang mangyari.

Sapagkat hindi natin makokontrol ang mga tao. May mga tao na talagang sasaktan tayo kahit wala tayong ginagawang masama. Kaya ang pagpapapatawad ay sandata ng mga taong malalakas. Ito ay hindi natin magagawa kung walang tulong ng Diyos. Maging bukas lamang tayo at hingiin ang tulong Niya sa pamamagitan ng dasal. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: F.M.M.J.
Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?