Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Pagsuri sa Sarili”

 

 

 

 

 

 

 

 

Setyembre 4, 2021. Sabado ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon

o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

UNANG PAGBASA
Colosas 1, 21-23
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas

Mga kapatid, dati, kayo’y malayo sa Diyos at naging kaaway niya dahil sa inyong kasamaan. Ngunit dahil sa kamatayan ni Kristo, ginawa niya kayong mga kaibigan upang makaharap sa kanya nang walang kapintasan, banal, at walang batik. Subalit kailangan kayong manatiling tapat at matatag sa inyong pananampalataya at huwag bayaang mawala ang pag-asang dulot ng Mabuting Balita na inyong narinig. Niloob ng Diyos na akong si Pablo ay maging tagapangaral ng Mabuting Balitang ito na ipinahayag sa lahat ng tao.
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 53, 3-4. 6 at 8
Ang D’yos ang s’yang
tumutulong at sa aki’y nagtatangol.

MABUTING BALITA
Lucas 6, 1-5
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Isang Araw ng Pamamahinga, naparaan sina Hesus sa triguhan. Ang kanyang mga alagad ay nangitil ng uhay, at kanilang kinain ang mga butil matapos ligisin sa kanilang mga kamay. “Bakit ninyo ginagawa sa Araw ng Pamamahinga ang ipinagbabawal ng Kautusan?” tanong ng ilang Pariseo. Sinagot sila ni Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang magutom siya at kanyang mga kasama? Pumasok siya sa bahay ng Panginoon, kumuha ng tinapay na handog sa Diyos at kumain nito. Binigyan pa niya ang kanyang mga kasama, bagamat ayon sa Kautusan, ang mga saserdote lamang ang may karapatang kumain niyon.” At sinabi pa niya sa kanila, “Ang Araw ng Pamamahinga ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Anak ng Tao.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Sabado po sa ating lahat! Ang Panginoon natin ay hinahanapan na naman ng mali ng mga Pariseo. Sila ay nakatuon sa mali ng iba, habang hindi nila napapansin ang kamalian ng kanilang sarili. Minsan ba ganito rin tayo maghusga o madalas? Hindi mahalaga kung ano ang ginagawa lamang natin. Kung hindi mas importante ang intensyon sa lahat ng ating ginagawang mabuti. Kung ang intensyon sa paggawa ng mga mabuti ay para lamang may maisumbat sa iba o maipamukha sa kanilang angat tayo, ay baka may mali na dito. Ang paggawa ng mabuti ay dapat iniisip ang kapwa hindi ang sarili. Ito ang tunay at purong pagbibigay na kinalulugdan ng Diyos.

Matuto tayong magsuri ng sarili. Tumingin tayo sa ating sariling isip at kalooban. Nang sa gayon mas maging malaki ang pakikinabang natin sa pag-iisip kung ang ating bawat salita, kilos o isip ay kaaya-aya ba sa Diyos. Isipin sa pananalangin natin kung ang mga ito nga ba ay talagang mabuti bago tayo maghusga ng kapwa. Tingnan muna natin ang ating sariling kamalian, gumawa ng paraan para itama ito at humingi ng grasya at lakas sa Diyos upang magawa ito. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?