Bible Catholic Church Catholic Faith Christian Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Pusong Masunurin”

Hulyo 14, 2021. Miyerkules ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon.

o kaya Paggunita kay San Camilo ng Lellis, pari.

Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel.

Wednesday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Camillus de Lellis, Priest (White).

UNANG PAGBASA
Exodo 3, 1-6. 9-12
Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Noong mga araw na iyon, si Moises ay nag-aalaga sa kawan ng biyenan niyang si Jetro. Minsan, itinaboy niya ang kawan pabagtas ng disyerto at nakarating siya sa Horeb, sa Bundok ng Diyos. Doon, ang anghel ng Panginoon ay napakita sa kanya, parang ningas sa gitna ng isang mababang punongkahoy. Kitang-kita ni Moises na nagliliyab ito ngunit hindi nasusunog. Kaya’t nasabi niya sa kanyang sarili, “Kataka-taka ito! Tingnan ko ngang mabuti kung bakit di nasusunog gayong nagliliyab.”

Nang lalapit na si Moises, tinawag siya ng Panginoon buhat sa nagliliyab na punongkahoy, “Moises, Moises.”
“Ano po iyon?” sagot niya.
Sinabi ng Diyos, “Huwag kang lumapit. Hubarin mo ang iyong sandalyas sapagkat banal na dako ang kinatatayuan mo. Ako ang Diyos ng iyong mga magulang – nina Abraham, Isaac at Jacob.” Tinakpan ni Moises ang kanyang mukha pagkat natatakot siyang tumingin sa Diyos.
“Naririnig ko ang daing ng aking bayan at alam ko ang pang-aaping ginagawa sa kanila ng mga Egipcio. Kaya, papupuntahin kita sa Faraon upang ilabas mo sa Egipto ang aking bayan.”

Sumagot si Moises, “Sino po akong haharap sa Faraon at maglalabas ng bayang Israel mula sa Egipto?”
“Huwag kang mag-alaala, hindi kita pababayaan. At ito ang magiging katibayan na ako ang nagsugo sa iyo: sa bundok ding ito sasambahin ninyo ako kapag nailabas mo na sa Egipto ang aking bayan,” sabi ng Panginoon.
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 102, 1-2. 3-4. 6-7
Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

MABUTING BALITA
Mateo 11, 25-27
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino at inihayag sa mga may kaloobang tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat gayun ang ikinalulugod mo.
Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Maligayang Kapistahan po ni San Camilo ng Lellis! Ang pagiging isang bata ay katangian ng mga santo o mga banal. Sapagkat sa pagiging isang bata sa harapan ng Diyos ay hindi tayo bilib sa ating sariling isipan lamang subalit sa Diyos. Ang isipan ng isang matanda ay siya nang mag-isa ang may kaya ng lahat. Subalit hindi ganito ang mga santo. Alam ng mga banal ang kanilang kahinaan at kasalanan at ito ang nagiging dahilan kung bakit sila nagiging malakas. Sapagkat sa pag-amin nila nito sa Panginoon, ay Diyos ang nagbibigay sa kanila ng lakas.

Ang lakas nila ay nagiging sa Diyos. Hindi ito nauubos o lumilipas sa paggawa ng mabuti. Sana sikapin din nating maging isang parang bata ang ating puso. Hindi umaasa sa sariling lakas at isipan kung hindi nakadepende lagi sa Diyos Ama sa langit. Laging handang makinig at sumunod sa Kanya sa lahat ng oras bilang Kanyang mga anak. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: F.M.M.J.
Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?