Bible Catholic Church Catholic Faith Christian Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Wagas na Pag-ibig ng Diyos”

 

 

 

 

 

 

Setyembre 14, 2021. Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal.

Feast of the Exaltation of the Cross (Red).

UNANG PAGBASA
Mga Bilang 21, 4b-9
Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang

Noong mga araw na iyon, nainip ang mga tao sa pasikut-sikot na paglalakbay. Nagreklamo sila kay Moises, “Inialis mo ba kami sa Egipto para patayin sa ilang na ito? Wala kaming makain ni mainom! Sawa na kami sa walang kuwentang pagkaing ito.” Dahil dito, sila’y pinadalhan ng Panginoon ng makamandag na ahas at sinumang matuka nito ay namamatay. Kaya lumapit sila kay Moises. Sinabi nila “Nagkasala kami sa Panginoon at sa iyo. Idalangin mo sa kanyang paalisin ang mga ahas na ito.” Dumalangin nga si Moises at ganito ang sagot sa kanya ng Panginoon, “Gumawa ka ng isang ahas na tanso. Ilagay mo iyon sa dulo ng isang tikin at sinumang natuklaw ng ahas na tumingin doon ay hindi mamamatay.” Gayun nga ang ginawa ni Moises. Mula noon, lahat ng matuklaw ng ahas ngunit tumingin sa ahas na tanso ay hindi namamatay.
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38
Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

IKALAWANG PAGBASA
Filipos 2, 6-11
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo
sa mga taga-Filipos

Si Kristo Hesus, bagamat siya’y Diyos ay hindi nagpilit na mantiling kapantay ng Diyos.
Bagkus hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos, nagkatawang-tao at namuhay na isang alipin.
Nang maging tao, siya’y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan. Oo, hanggang kamatayan sa krus.
Kaya naman, siya’y itinampok ng diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.
Anupa’t ang lahat ng nilalang na nasa langit, nasa lupa, nasa ilalim ng lupa ay maninikluhod at sasamba sa kanya.
At ipapahayag ng lahat na si Hesukristo ang Panginoon, sa ikararangal ng Diyos Ama.
Ang Salita ng Diyos.

MABUTING BALITA
Juan 3, 13-17
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus kay Nicodemo, “Walang umakyat sa langit kundi ang bumaba mula sa langit — ang Anak ng Tao.”
At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, gayun din naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Maligayang Kapistahan po ng Pagtatampok sa Krus na Banal! Happy Feast of the Exaltation of the Holy Cross! Talaga nga namang napakabanal ng araw na ito sapagkat ipinagdiriwang natin ang Krus na naging instrumento rin ng ating kaligtasan. Ito ay ang kalis na naglalaman ng mga sakripisyo ng ating Panginoong Jesu Cristo. Subalit bago ulit matuon ang ating pansin sa mga paghihirap at pasakit sa tuwing naiisip at nababanggit natin ang Krus, pagtuunan natin ng pansin ang pag-ibig ng Diyos. Ang pag-ibig Niya para sa atin ang naging dahilan kung bakit Niya pinili na magpakasakit at mamatay sa Krus. Ang pag-ibig din na ito ang magbibigay sa atin ng lakas upang mabuhat ang Krus natin sa buhay. Gawin natin ang lahat ng may kasamang pagmamahal. Una sa Diyos, matapos ay sa kapwa. Sapagkat dahil dito kaya tayo nabuhay. Mahal tayo ng Diyos at kung tatanggapin natin ang pagmamahal na ito ay maibabahagi rin natin ito sa iba kahit sa mga hindi natin kakilala o kaanak. Iyon nga lamang, habang nabubuhay dito sa mundo ay hindi tayo makakapagmahal nang walang paghihirap. Masakit magmahal, sapagkat ito ay nagbibigay ng sarili. Hindi sa sakit na alam ng mundo subalit ang sakit na kasama ng Diyos ay nagdudulot ng buhay kahit pa may pighati.

Ang sakit na dulot ng mundo ay puro pasakit lamang buhat ng pagkakamali. Subalit ang paghihirap na dahil sa pagmamahal ay laging may buhay. Ito nawa ang ating tandaan at gawin sa araw-araw ng ating buhay. Tandan natin na ang Krus ay ang magpapaalala sa atin na pinagdaananan ni Jesus ang lahat ng paghihirap at pagdurusa sa mundo sa lahat ng panahon. Sa pamamagitan Niya, mapapagtagumpayan din natin ito. Kung hihingi tayo ng gabay, tulong at susunod sa Kanya. Ang huli, ang Krus ay magpapaalala sa atin ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Mula dito ay ang pagmamahal natin sa kapwa. Gawin natin ang bawat ginagawa natin nang dahil sa pag-ibig. Bigyan nawa tayo ng pag-ibig na ito ng lakas para mabuhat ang ating Krus araw-araw. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?