Apologetics Bible Catholic Church Catholic Faith Christian

BATO BATO SA LANGIT ANG TAMAAN MAGBAGO NA!


 

Sa mga galit na galit sa simbahan dahil sa collection sa misa…

Hiyang hiya naman ang simbahan sa limang piso na binibigay mo..

Isang oras ka nakiki electric fan🆓 o nakiki aircon🆓 sa loob ng simbahan gamit ang kuryenteng🆓 binabayaran ng simbahan.

Isang oras kang nakikinig sa organ🆓 mic at speakers🆓 na ginagamitan ng kuryente at sa homiliya ng paring napapagod at kailangang pakainin sa kumbento ng simbahan.

Isang oras mong ineenjoy mo ang pag upo sa pagkukuyakoy sa malinis na simbahang nilinis gamit ang floor wax, sabon at tubig at tagalinis na binabayaran ng simbahan..

Dasal na dasal ka sa liwanag ng ilaw, sa amoy ng insenso, sa ganda ng mga bulaklak at mga kandilang nakasindi sa altar na binili ng simbahan…

Sunod ka sa presidente mo,
Magtayo ka ng chapel sa bahay mo at dun ka magdasal.
Maglinis ka ng altar, maglagay ng kandila, magbukas ng ilaw at electric fan…
Tingnan natin hanggang saan aabot ang limang piso mo.
LOL

~Bill Kevin Del Rosario

Defend The Catholic Faith
Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.