Apologetics Bible Catholic Church Catholic Faith Christian Religion

BETHLEHEM DURING WINTER: Two Truths and a Lie (No snow in Bethlehem).


BETHLEHEM, WEST-WALES (United Kingdom) not BETHLEHEM, ISRAEL

 

 

JERUSALEM

 

BETHLEHEM, ISRAEL (December 24, 2018)

 

By: Pastor Manny
.
a. Si Jesus ay pinanganak sa Bethlehem, Israel
b. Laging nag-ssnow sa Bethlehem, Israel
c. Rare lang ang snow sa Bethlehem, Israel
.
Sa mga di nakakaalam, ang Two Truths and a Lie ay isang laro kung saan may tatlong options na binibigay at ang challenge ay, alamin kung ano yung dalawang truths, at kung ano yung lie. So, sa tatlong options, ang common na sinasagot ng anti-holiday crowd tulad ng INC at MCGI ay ang truths ay ang letters a and b habang ang lie ay letter c, at gumagamit sila ng photos para patunayan yun. Unfortunately, ang sinasabi nila ay isang lie dahil ang truths diyan ay ang letters a and c habang ang lie ay ang letter b. Isa-isahin natin ang mga letra.
.
a. Si Jesus ay pinanganak sa Bethlehem, Israel (Truth)
.
Di na natin kailangan tong kwestyunin dahil klaro ang Bible sa lugar kung saan pinanganak si Jesus tulad ng Luke 2:4 at Luke 2:15.
.
Luke 2:4
4 And Joseph also went up from Galilee, from the city of Nazareth, to Judea, to the city of David, which is called Bethlehem, because he was of the house and lineage of David,
.
Luke 2:15
15 When the angels went away from them into heaven, the shepherds said to one another, “Let us go over to Bethlehem and see this thing that has happened, which the Lord has made known to us.”
.
b. Laging nag-ssnow sa Bethlehem, Israel (Lie)
.
Merong dalawang photos kayong makikita na laging claim ng INC at ni Soriano na laging nag-ssnow sa Bethlehem, Israel. Tignan natin ang unang photo.
.
Isa tong common na picture na pinapakita tulad ng INC para sabihin na laging nag ssnow sa Bethlehem, Israel, therefore, hindi pinanganak si Jesus sa December. May problem lang dito dahil isa tong fake news. Ang photo na nakikita niyo ay Bethlehem, pero hindi yan sa Israel dahil maraming Bethlehem sa iba’t ibang parte ng mundo [1]. Ang unang photo na nakikita niyo ay Bethlehem ay sa isang village kung saan magkakasama ang iba’t ibang musicians at ang pangalan ng kanilang banda ay “The Bethlehem Village Band [2].” At, ang The Bethlehem Village Band ay nakatira sa village ng Bethlehem, West-Wales [3]. At, ang Wales ay isang bansa sa state na United Kingdom [4]. Klaro na iba ang Bethlehem, Israel sa Bethlehem, West-Wales at iba ang Israel sa West-Wales o sa United Kingdom.
.
Ang pangalawang photo naman na nakikita niyo ay isang photo na ginamit ni Eli Soriano para ipakita sa isang Katoliko na laging nagyeyelo sa Bethlehem tuwing winter. Ang isang photo na ginamit niya ay sa “The Hebrew University of Jerusalem Mount Scopus Campus” na nasa Israel naman talaga tulad ng Bethlehem (though nagkamali siya ng sabi since binanggit niya ang Bethlehem kahit na Jerusalem yung lugar though honest mistake lang yun and let’s allow it to pass by for the mean time) [5]. May problema lang dito dahil isa to sa mga schools sa Jerusalem, at nung year 2008, nagkaroon din ng snow storm na naging dahilan pero isuspend ang mga klase pero sinabi ni Dr. Porat, direktor sa Climate Department at the Israel Meteorological Service, hindi ito kadalasan nangyayari tuwing December. Ayon sa isang report,
.
“Porat added that snow tended to hit the region in January and February, and then in March. It was less likely to come in December, he said, and only once has it snowed in early April, in 1990 [6].”
.
Kahit na nagssnow sa Israel, ito ay kadalasan nangyayari tuwing January at February, at minsan lang tuwing December. Mas magbibigay ako ng facts tungkol dito sa letter c.
.
c. Rare lang ang snow sa Bethlehem, Israel (Truth)
.
Bukod sa sinabi sa report na rare lang mag snow tuwing December, ang pangatlong photo na nakikita niyo ay ang Bethlehem, Israel noong December 24, 2018 [7]. Klaro na nung Eve nung Christmas, hindi nagyeyelo in comparison sa sinasabi ni Eli Soriano or ng INC. Though it’s true na it’s possible na mag snow sa month ng December, ang average lang sa month ng December ay for one day. Ito ang sinabi ng local weather forecast sa Bethlehem, Israel.
.
“The average monthly amount of precipitation has been recorded at around 59 mm, that’s 2 inches. Throughout the month you can expect to see rain or drizzle falling on 11 days of the month, with SNOW falling on 1 DAY [8] [emphasis added].”
.
In fact, nabanggit ko na to sa article ko last year kung saan pinakita ko na hindi kadalasan nagyeyelo sa Bethlehem at even if nag-ssnow, it’s possible na alagaan ang flock na para kay Soriano ay imposible [9].
.
Since nasa Christmas season pa rin tayo, Merry Christmas to everyone.
.
PS: HUWAG MAGPADALA SA FAKE NEWS
.
References:
[1] https://www.wikiwand.com/en/Bethlehem_(disambiguation)
[2] https://thebethlehemvillageband.bandcamp.com/?fbclid=IwAR22mnQJWH6P1nt_tjU4gKduTY1xWZOSW7Ee64XK3ojVWC-Ux4K462V1vJE
[3] http://bethlehemvillageband.weebly.com/?fbclid=IwAR2AdAtmw2uLzNUueilOrVqlpYjw0GARoX1JnNI3GtGR91dVDs7L2FCOUwA
[4] https://www.google.com/maps/place/Wales,+UK/@52.3841116,-6.4023773,7z/data=!3m1!4b1!4m5!3m4!1s0x486434b66c1c0fed:0x1ebb71bc8aa5e8a2!8m2!3d52.1306607!4d-3.7837117
[5] https://www.youtube.com/watch?v=_yngynlHzSk
[6] https://www.jpost.com/Israel/Snow-delays-Jerusalem-schools-university
[7] https://www.timesofisrael.com/thousands-celebrate-christmas-in-bethlehem-with-waning-christian-palestinians/
[8] http://www.myweather2.com/City-Town/Israel/Bethlehem/climate-profile.aspx
[9] https://www.facebook.com/dcfvanguardsoftruth/posts/2433711846853102
Defend The Catholic Faith
Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.