Catholic Church News Religion

Cardinal Tagle,pinabubuksan ang mga Simbahan sa mga binahang residente


POSTED 

 

Nananawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa lahat ng parokya sa Archdiocese of Manila na buksan ang mga simbahan at tulungan ang mga residenteng apektado ng baha bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa Metro Manila at karatig na lalawigan.

Hinimok ni Cardinal Tagle ang nasalanta ng baha na pumunta sa mga parokya, diocesan Caritas, social action centers at mga Barangay centers na nakahandang tumulong at kumalinga.

Inaanyayahan din ni Cardinal Tagle ang mga Good Samaritan na huwag mag-atubiling tulungan at damayan ang mga nangangailangan.

Tiniyak din ni Cardinal Tagle ang mga spektado ng baha at pag-ulan na kasama sila sa mga panalangin at mga misa ngayong linggo na iligtas sa kapahamakan.

Hinikayat din ng Kardinal ang lahat na ipanalangin ang kaligtasan ng mga apektado ng masamang panalangin.

“Una po sa lahat para sa mga naapektuhan ng ulan, ng baha kayo po ay kasama sa ating mga panalangin ngayon araw ng Linggo, mula pa ho kahapon, kagabi. Ang mga misa at ang mga panalangin ay may kasama na pakiusap sa Panginoon na alagaan ang mga apektado ng masamang panahon at inaanyayahan po ang lahat na patuloy na manalangin para po sa ating mga kapatid na napipinsala at lumapit po sa parokya o kaya po sa mga Diocesan Caritas at Social action Centers kung kayo po ay nangangailangan ng tulong. At para po naman sa mga handang tumulong at tayo po ay tinatawagan na sa iba’t ibang pamamaraan ay maging handa na tumulong ay maki-contact po sa parokya, sa barangay, sa Caritas at sa mga iba’t ibang Social Action Centers.” panawagan ni Cardinal Tagle sa panayam sa Radio Veritas

Read full article here: www.veritas846.ph

Defend The Catholic Faith
Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.