Bible Catholic Church Catholic Faith News

CHINESE CULT NA NAG-AANYONG TUPA

‼️BEWARE KAPANALIG‼️ | Tandaan natin na bago tayo maniwala kahit gaano pa man kaganda ang sinasabi matuto tayong suriin ang tunay na Katoliko. Narito ang mga dapat niyong malaman tungkol sa kulto na ito.

🚫 Itinatag ito ng Chinese na babaeng nagngangalang Yang Xiangbin at ang napangasawa nitong si Zhao Weishan.

🚫 Nagsimula noong 1991 ang The Church of Almighty God o
Iglesia ng Makapangyarihang Diyos o kilala rin sila bilang “Eastern Lighting” refers to a passage in Matthew 24:27

🚫 Naniniwala sila na sumanib ang Panginoon nating si Hesukristo kay Yang Xiangbin dahil tapos na umano ang misyon ni Hesus sa mundo

PAANO SILA NANLOLOKO?

🚫 Una i-a-add ka sa dummy account na puro magagandang larawan ni Hesus at mga taong nagbabasa ng bibliya o nakikinig ng aral ng Diyos ang larawan

🚫 Nagpopost sila ng mga daily activities pero hindi sila kasama sa larawan. Halimbawa letrato ng kape tapos may caption na kunyari kakainom lang nila ng kape at ano yung narealize nila habang nagkakape na kinokonekta nila sa aral ng kulto nila

🚫 Pagkatapos i-a-add kasa Group chat nila at mag-f-flood ng usapan tungkol sa katapusan ng mundo. Kapag nagtanong ka kung ano ang relihiyon nila, walang tiyak na sasagot sa inyo.

🚫 Namimilit din sila ng audio call at lulunurin ka sa nakakahilong mga paliwanag hanggang sa mapa-oo ka na lang sa mga sinasabi dahil mapanlinlang ang aral

🚫 Pinaniniwala nila ang mga tao na ang mga delubyo na nangyayari ay dahil sumanib na ang Panginoong Hesukristo sa katawan ng babaeng Chinese na ito

🚫 May mga pelikula sila na Chinese ang bida ngunit tagalog ang salita sa mga video nila. May mga ginawa rin silang mobile application na iimbitahin kang i-install sa phone.

🚫 Ginagamit ang mga babaeng miyembro para makaakit ng mga lalaki. Kapag nagsend ng private information o maselang bagay ang biktima, gagamitin iyon ng miyembro nila upang makontrol sila o mablackmail na gawin ang kahit ano para sa kulto nila. Kaya ingat, sa umpisa mabait pero sa huli malalagay buhay natin sa kapahamakan.

KONTROBERSYA AT KATOTOHANAN

🚫 Kilala ang kulto na The Church of Almighty God o
Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa China at iniiwasan ito ng maraming tao at kinukutya

🚫 Ang founder nila na sila Yang Xiangbin ay bumagsak sa Gaokao Examination sa China at na-diagnose siya na may Mental Disorder at ang asawa nitong si Zhao Weishan naman ay leader ng Shouters, a former physics teacher, nag pe preach at kiniclaim niya na sya daw ay “Lord of Ability”

🚫 Nakilala ang kulto nila lalo nang patayin ng anim na miyembro nila sa loob ng Mcdonalds ang isang babae na tumangging ibigay ang numero sa kanila.

🚫 Taong 2000 nagpunta sa Amerika ang mag-asawa at nagpanggap na kailangan manirahan sa Asylum o ospital ng may problema sa pag-iisip upang maproteksyunan ang sarili

🚫 Ang ibang miyembro nila ay lumipad patungong South Korea upang makaligtas sa pagpapahirap sa China dahil nga ipinagbawal na sila roon. Isa ang Korea sa kanilang lungga at lugar kung saan sila nanlilinlang

‼️SURIIN NIYO MUNANG MABUTI ANG PINAPASUKAN NIYO‼️
Lampas isandaang libo na ang followers nila na walang kaalam-alam. Oo maganda ang pinopost at sinasabi nila minsan pero hindi sapat iyong dahilan upang mabitag tayo sa masama nilang intensyon. ERIT SANCTUS+

– Admin Yma

Read Full article here: https://www.facebook.com/dcfvanguardsoftruth

Defend The Catholic Faith
Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.