Apologetics Bible Catholic Church Catholic Faith

DEATH PENALTY AND TORTURE ANALOGY

 

 

 

 

By: Admin Chris

Kanina ay nabalitaan lamang natin ang isa nanamang halimbawa ng “police brutality.” Ayon sa balita, may isang pulis na nagngangalang “Jonel Nuezca” ang bumaril sa isang ginang na si “Sonya Gregorio” at ang kanyang anak na si “Frank [1].” Dahil dito, marami ag nagsabi na sana ay gawin nang ligal ang “death penalty.” Marami akong respeto sa mga pro-death penalty advocates. Gayunpaman, naniniwala ako na hindi ito dapat gawing ligal, at gagawin kong halimbawa ay ang torture.

Alam naman natin na ang pagpatay sa kapwa ay mas malala pa kumpara sa pananakit ng kapwa. Kung may isang tao na pumatay at may isang tao naman na nag torture ng tao, natural laman na mas malala ang parusa sa murderer kaysa torturer. Ngunit, kung nararapat lamang na mamatay ang isang murderer, nararapat nga ba na bigyan ng torture ang isang torturer?

Naniniwala ako na ang sasabihin ng pro-death penalty advocates ay mali na bigyan ng torture ang isang torturer. Naniniwala sila na ang pagpapakulong sa kanila ay sapat na. Ngunit, kung ayon sa retributive justice ay dapat bigyan ng “worst punishment” ang “worst crime”, at ang pagpatay ng tao ay mas malala pa kumpara sa pagtorture ng isang tao, marahil ay ang “life imprisonment” ang parusa na nararapat sa murder dahil mas malala ito sa pagpapakulong na hindi panghabambuhay.

Kung tatanungin natin ang isang pro-death penalty advocate kung bakit hindi dapat bigyan ng torture punishment ang torturer, may posibleng dalawang rason silang maibigay. Una, sasabihin nila na ito ay “violation” ng dignidad ng isang tao. Ngunit, kung taliwas ito sa dignidad ng tao, at ang pagpatay ay mas malala kaysa sa torture, magmumukhang ang death penalty ay taliwasa rin sa dignidad ng isang tao.

Pangalawa, may mga naniniwala rin na hindi bigyan ng torture ang isang torturer dahil sa kawawa naman ang mga pulis na gagawa ng torture. Maaaring ma “demoralize” sila. Maaaring mawalan sila ng “moral compass” dahil sila na mismo ang gumagawa ng pagpatay. Hindi natin alam kung paanong maapektuhan ang pananaw ng isang “executioner” dahil sa pinapagawa sa kanya ng batas. Ayon sa isang Catholic philosopher na si Dr. Alexander Pruss:

“Criminals being executed are helpless, and killing helpless people—even justly—causes a harm to the killer’s soul that is a defeater for the reasons for the death penalty [2].”

Kung napapansin niyo, maaaring sumang -ayon ako sa retributive justice ng hindi sumasang-ayon sa death penalty. Ito ay dahil may mga “defeaters” o rason na sapat upang sabihin natin kung bakit hindi ito dapat gawing ligal. Ito rin ay nangangahulugan na maaari kong sabihin na walang mali sa death penalty “theoretically speaking”, ngunit may mga problema dito “practically speaking.” Kung ikukumpara natin ang death penalty at life imprisonment, kung ang parehas na kaparusahan ay magdudulot ng kamatayan ng isang kriminal, at may mga “defeaters” sa death penalty at may advantages ang life imprisonment, dapat ay piliin natin ang life imprisonment. Sabi muli ni Dr. Alexander Pruss:

“Retribution gives us a good reason to kill criminals. But the value of the criminal’s life and the dangers to the character of the executioner give good reason not to kill criminals, indeed reasons that if they were all there is would override the retributive reason. But the value of deterrence then overrides these last considerations [3].”

Marami pang rason para hindi gawing ligal ang death penalty na hindi ko na nilatag dito. Sana ay naging klaro dito na hindi lang sapat banggitin ang “retributive justice”, lalo na’t may posibilidad na hindi hustisya ang nais natin kundi paghihinganti. Sana ay ipagdasal natin ang kaluluwa ng mga namayapa, at pati na rin ang kanilang naiwang pamilya. Ipagdasal na rin natin na magkaroon ng hustisya sa ating bansa at maiwasan na rin ang mga pang aabuso ng mga mapang-abusong pulis upang hindi rin madumihan ang karangalan ng mga tunay na naglilingkod sa ating bansa.

Defend The Catholic Faith
Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.