Apologetics Bible Catholic Church Catholic Faith

EXPOSING ELI: Mistaken on Magi pt.1


Photo Credit: https://www.livetradingnews.com

 

By: Pastor Manny

.

Note: Hindi ko position na tatlo ang wise men at hari ang mga wise men na pumunta kay Jesus with 100% certainty. Ang main point ng article ay ipakita na hindi contradiction ang idea na tatlo ang wise men at hari ang wise men.

.

“Happy Three Kings!”, yan ang common greeting natin sa ibang tao tuwing cinecelebrate natin ang Feast of the Epiphany. Pero, may mga ibang tao na hindi magsasabi ng ganun given na nirereject nila na tatlo ang mga wise men o hari ang mga wise men. Isa dito ay si Eli Soriano at ayon sa kanya, ang ideyang ito ay unbiblical [1]. Sa video na yan, may apat siyang punto tungkol sa “Three Kings” at makikita natin kung tama ba o mali ang mga sinasabi niya.

.

UNANG PUNTO: HINDI TATLO ANG WISE MEN.

.

Kung papanoorin niyo ang video, sinabi niya na, “Yung three kings, wala namang three kings sa Bibliya eh. Wala nun…Unang-una, wala sa Bibliya yung salitang “tatlong hari” pero pinaniwala kayo na tatlo yung hari.”

.

Magiging klaro lang ako tungkol sa sinabi niya na pinaniwala tayo na tatlo lang ang Katoliko dahil sa katotohanan, hindi doctrine ng simbahan na tatlo lang ang pumunta. In fact, hindi ito nabanggit tulad sa sinabi ng Catechism about as Epiphany kung saan walang binanggit na tatlo ang mga wise men or magi.

.

528 The Epiphany is the manifestation of Jesus as Messiah of Israel, Son of God and Savior of the world. The great feast of Epiphany celebrates the adoration of Jesus by the wise men (magi) from the East, together with his baptism in the Jordan and the wedding feast at Cana in Galilee [2].212 

.

.

In fact, kung titignan natin ang archaeology and history, hindi lang three ang magi. Sa Roman Catacomb of Domitilla, merong four magi, sa catacomb of Peter and Marcellinus, merong two magi habang sa ibang Syrian documents, merong 12 magi [3]. So, kung sinasabi niya na pinipilit ng Catholic Church na tatlo ang magi, then I think he is wrong, hindi ali ng Catholic Church since walang sinasabi ang Church tungkol dun.

.

However, may good reasons kung bakit three ang common number na inaassign sa magi. One good reason is that this number symbolizes the three gifts in Matthew 2:11. Sa Matthew 2:11, may gold, frankincense and myrrh, at yung three gifts na to ay nagsysymbolize ng magi na nagbigay ng gift kay Jesus Christ.

.

Matthew 2:11
11 and going into the house they saw the child with Mary his mother, and they fell down and worshiped him. Then, opening their treasures, they offered him gifts, gold and frankincense and myrrh.

.

Isa pang rason para maniwala sa tatlong magi ay nasa Catholic Church ang kanilang mga buto, at sa “The Shrine of the Magi” makikita ang largest reliquary in the western world given na dito nakatago ang relics ng tatlong magi [4].

.

Para sa ibang tao, medieval forgery lang ang  mga skull na makikita sa simbahang yun pero ayon kay Dr. Robert Bier, isang American Eagyptologist, “Skulls meet the description of the young, middle-aged, and old people… That story that for century was going around, about the three kings, one being young, one being middle-aged, one being old, this (referring to skulls) confirms it. These bones really are of a young, middle-aged and old person [5].”

.

PANGALAWANG PUNTO: SILA AY “MAGI”, HINDI “KINGS”.

.

Kung papanoorin niyo ang video ni Soriano, tinanong niya, “at meron bang nakalagay na king?”.  

.

It’s true na hindi makikita sa Matthew 2:1 ang salitang “king” pero it can be translated as such tulad ng translation ni John Wycliffe who is against the Catholic Church. Below, makikita niyo ang translation niya [6].

.

Matthew 2:1
1 Therefore when Jesus was born in Bethlehem of Juda, in the days of king Herod, lo! astrologers [lo! kings, or wise men,] came from the east to Jerusalem,

.

So, trinanslate niya ang salitang “magoi” in Greek as astrologers at ang nirecommend niya rin ay “kings” and “wise men”. Other than this, merong indication sa ibang passages na kings went to Jesus. In fact, isa to sa readings tuwing Feast of the Epiphany.

.

Psalm 72:10 

10 May the kings of Tarshish and of the isles
    render him tribute,
may the kings of Sheba and Seba bring gifts!

.

Ayon sa Psalm 72:10, the kings from Tarshish, Sheba and Seba bring gifts to Him. In fact, sa Psalm 72:11, it says that the kings bow down to Him, at alam natin na ang “Him” ay reference kay Jesus given na “… at the name of Jesus every knee should bow, in heaven and on earth and under the earth, (Philippians 2:10). So, if nagbigay ng gifts ang kings based on Psalm 72, at kung nagbigay din ng gifts ang magi, then it follows na possible na ang magi ay kings.

.

Another objection ay, sasabihin nila na imposible maging kings ang magi kasi iba ang magi, iba ang king. Well, may problem yung objection nay yun. Magi can actually be rulers. Hindi ibig sabihin na kapag magi ang isang tao, imposible siya mag rule.  Merong two passages na nag poprove ng point ko.

.

Jeremiah 39:3
3 When Jerusalem was taken, all the princes of the king of Babylon came and sat in the middle gate: Ner′gal-share′zer, Sam′gar-ne′bo, Sar′sechim the Rab′saris, Ner′gal-share′zer the RABMAG, with all the rest of the officers of the king of Babylon [emphasis added].

.

Kung titignan natin ang salitang RABMAG, ito ay isang title kung saan ang salitang RABMAG ay nangangahulugan na “chief soothsayer” [7].

.

Daniel 2:48

48 Then the king gave Daniel high honors and many great gifts, and made him ruler over the whole province of Babylon, and chief prefect over all the wise men of Babylon.

.

Si Daniel ay hindi astrologer though before siya mapromote as ruler ng whole province ng Babylon, tinawag ni Nebuchadnezzar ang mga magicians or magi para iinterpret ang kanyang dream (Daniel 2:2). The fact na prinomote ni Nebuchadnezzar si Daniel at bago ni Daniel, nagtawag siya ng mga magi, it’s possible na maging ruler ang isang magi.

.

References:

[1] https://www.youtube.com/watch?v=_yngynlHzSk

[2] http://www.vatican.va/archive/ccc_css/archive/catechism/p122a3p3.htm

[3] https://www.biblicalarchaeology.org/daily/people-cultures-in-the-bible/people-in-the-bible/the-three-magi/

[4] http://www.penhook.org/Magi.htm

[5] https://www.youtube.com/watch?v=F62u39_L_3I&fbclid=IwAR20Oy4WnXTYkxgj2r_iDs_j3bAm5Ke38ghtbrGrrPvI_W5WwtOTm4s6MeI (55:36)

[6] https://www.biblestudytools.com/wyc/matthew/2.html

[7] https://biblehub.com/hebrew/7248.htm

Defend The Catholic Faith
Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.