Apologetics Bible Catholic Church Catholic Faith Christian

EXPOSING ELI: Mistaken on Magi pt.2


 

Note: Hindi ko position na tatlo ang wise men at hari ang mga wise men na pumunta kay Jesus with 100% certainty. Ang main point ng article ay ipakita na hindi contradiction ang idea na tatlo ang wise men at hari ang wise men.
.
Sa part 1 ng article ko [1], binanggit ko ang mga problema sa dalawang punto ni Soriano na makikita sa video [2] kung saan sinabi niya na mali ang paniniwala sa tatlong hari. Ngayon, titignan natin kung tama ba ang mga sinabi niya sa huling dalawang punto na binanggit niya.
.
PANGATLONG PUNTO: KUNG HARI SILA, HINDI SILA MAGLALAKBAY MAG-ISA.
.
Alam natin na sa depiction natin ng wise men sa belen, walang kasama ang tatlong hari kundi sila lamang. Pero, mapapaisip din tayo, kung hari ba sila, bakit wala silang kasama? In fact, sa video, makikita niyo na tinanong ni Soriano ang babae, “Kung ikaw ay hari ng isang kaharian, lalabas ka bang mag-isa?…yung pinaghaharian mo, papayag ba na ikaw lang mag-isa ay lalakbay ng malayo”?
.
Dito, makikita natin na nagbigay ng isang tanong si Soriano na kung siya ba (yung kausap niyang babae) ay isang hari ng isang kaharian, lalabas ba siya ng mag-isa at ang sinabi ng babae ay hindi dahil mapupunta sa panganib ang kanyang buhay. At first sight, mukhang may punto si Soriano dahil bakit ba naman maglalakbay ang mga hari kung mag-isa lang sila. In fact, nagbigay din siya ng isang bible verse kung saan si Haring David ay naglakbay na may mga dalang 600 na men. Ito ang sinabi ni Soriano,
.
Soriano:
David, being a king that he is, travels with six hundred men with him. It is a pitiful sight to behold “three kings” travelling all by themselves (1 Samuel 23:13) [3].
.
Unfortunately, hindi nakita ni Soriano ang context ng 1 Samuel 23 na malayo sa context ng wise men sa Matthew 2. Una, hindi umalis si David dahil may hinahanap siya. Rather, naglakbay si David kasama ang 600 na men dahil sila ay nasa gyera. Malamang, kailangan niya ng sobrang daming kasama o sundalo dahil yun ay gyera pero, wala sa gyera ang mga wise men. Pangalawa, ang hindi napansin ni Soriano ay two chapters before, naglakbay si David na hari na nung panahon nay un mag-isa. Ito yung makikita natin sa 1 Samuel 21:1.
.
1 Samuel 21:1
21 Then David came to Nob, to Ahimelech the priest. And Ahimelech came to meet David, trembling, and said to him, “Why are you alone, and no one with you?”
.
Kahit si Ahimelech ay nagulat kung bakit umalis si Haring David ng mag-isa, pero ang punto ay, hindi imposible sa isang hari o sa isang ruler na lumakbay ng mag-isa. Kung sasabihin ni Soriano na imposible lumakbay mag-isa ang mga pantas kung sila ay hari, then kinocontradict niya lang ang Bible dahil kabaligtaran ang binanggit sa 1 Samuel 21.
.
PANG-APAT NA PUNTO: ANG BELEN AY ISANG “KATANGAHAN”
.
To be honest, nagulat ako sa sinabi niya nung narinig ko yan hindi dahil sa salitang sinabi niya na “katangahan” (at alam natin na common na sa kanya ang ganyang pananalita) pero sa reasoning na ginamit niya para sabihin na “katangahan” ang belen. Ayon sa kanya, “So yung dinedepict ng belen, katangahan yun. Dapat kasi, kung tatlo silang hari, eh meron silang tig sasampung body guard, ang makikita mo sa belen, aba,..dapat 36 at least ang mga nakapaligid dun at sumasamba kay Jesus. Eh, hindi eh.”
.
Kung mapapansin niyo, ang reasoning kung bakit niya sinabi na “katangahan” ang belen ay dahil sa dapat, accurate ang bilang ng mga tao na nasa belen at kung may tag-sasampung body guard sila, dapat, 36 ang makikita sa belen kasi kung hindi, yun ay isang “katangahan.” Maraming problema sa sinabi niya at isa dun ay inaassume niya na kapag hindi complete ang description sa isang event (tulad ng pagbisita ng mga wise men kay Jesus), isa na yung “katangahan” given na kahit sa Bible, may mga pagkakataon na may facts na inoommit ang mga authors at hindi lahat ng nasa event ay binabanggit nila. Makikita natin to sa iba’t ibang pangyayari sa Bibliya tulad ng panahon kung kailan may mga babae na nakatayo at pinagmamasdan si Jesus na nakapako sa cross. Tignan natin ang dalawang accounts sa Matthew and John.
.
Matthew 27:56
56 among whom were Mary Mag′dalene, and Mary the mother of James and Joseph, and the mother of the sons of Zeb′edee.
.
John 19:25
25 So the soldiers did this. But standing by the cross of Jesus were his mother, and his mother’s sister, Mary the wife of Clopas, and Mary Mag′dalene.
.
Kung makikita niyo, may similarities at differences sa account ni Matthew at ni John. Sa kanilang similarities, makikita natin na parehas nilang binanggit si Mary Magdalene at si Mary na asawa ni Clopas. Siya ang binanggit na Mary sa Matthew 27:56 na mother ni James at Joseph. Binanggit ko na rin sa article ko before kung paanong si Mary na asawa ni Clopas ang nanay ni James at Joseph at kung bakit siya ang kapatid ni Mary [4]. Ang pinag-kaiba nila ay hindi binanggit ni Matthew si Mary. Para ba kay Soriano, isang “katangahan” ba ng ginawa ni Matthew kasi hindi niya binanggit ang lahat ng detalye? Hindi rin binanggit ni John ang asawa ni Zebedee, para ba sa kanya, isang “katangahan” ba ng ginawa ni John?
.
Since napakita ko na ang pagkakamali sa reasoning ni Soriano, gusto ko lang sabihin sa lahat na, “MERRY CHRISTMAS AND HAPPY EPIPHANY!”
.
References:
[1] https://www.facebook.com/1926549144236044/posts/2774063562817927/
[2] https://www.youtube.com/watch?v=_yngynlHzSk
[3] https://www.elisoriano.com/ignorance-is-pardonable/
[4] https://www.facebook.com/dcfvanguardsoftruth/photos/a.1926587387565553/2750735218484095/?type=3&__tn__=H-R

Defend The Catholic Faith
Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.