Apologetics / Reflections Catholic Church Catholic Faith

Good Friday 2021 Reflection

 

 

๐†๐š๐š๐ง๐จ ๐š๐ง๐  ๐ข๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ฎ๐ก๐š๐ฐ ๐ฌ๐š ๐ƒ๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ? ๐‡๐ข๐ ๐ข๐ญ ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ฎ๐ก๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ƒ๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐›๐š๐›๐š๐ฅ๐ข๐ค-๐ฅ๐จ๐จ๐› ๐ฆ๐จ ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ง๐ฒ๐š. ๐ˆ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ฅ๐จ๐จ๐› ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ง๐ฒ๐š ๐š๐ง๐  ๐ข๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐ฅ๐ข ๐š๐ญ ๐ข๐ฒ๐จ๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐ข๐ ๐ฌ๐š ๐ข๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ฎ๐ก๐š๐ฐ.

Lahat tayo nakaranas na ng matuyot na lalamunan. Sa tuwing nangyayari ito namamayani ang ating pagnanasa na maibsan ito. Ngunit anong klaseng lunas ang ating kailangan upang mapawi ang panunuyot na ating nararanasan?

Nang sambitin ni Hesus ang katagang, “Nauuhaw ako,” dapat natin pagnilayan kung saan ito nagmumula. Sapagkat tiyak na may malalim itong pakahulugan. Ang salitang “Nauuhaw ako,” ay maaaring putol na pangungusap. Maaari itong buuhin kagaya ng, “Nauuhaw ako sa pag-ibig”, “Nauuhaw ako sa pagkalinga”, “Nauuhaw ako sa katapatan ng iba,” at marami pang iba.

Maaaring ding ibigsabihin nito ay nauuhaw ang Panginoon sa ating mga tao. Nauuhaw Siya sa ating pagbabalik-loob, nauuhaw ang Panginoon sa muli nating pakikipagkasundo sa Kanya. Kailan kaya natin mapapawi ang uhaw ng Diyos? Sa paanong paraan mo pinapawi ang pagkauhaw sa iyo ng ating Maykapal?

Maihahalintudad ba tayo sa nagpapainom ng tubig sa malinis na bukal o kagaya tayo ng mga kawal na nagpainom ng maasim na suka sa espongha habang ang ating Panginoon ay tatlong oras ng nakasabit sa pagkakapako? Sino tayo? Paano tayo tumugon sa pagkauhaw ng Panginoon at pagkauhaw ng mga aba?

Tumugon tayo at magnilay dito, ๐†๐š๐š๐ง๐จ ๐š๐ง๐  ๐ข๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ฎ๐ก๐š๐ฐ ๐ฌ๐š ๐ƒ๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ? ๐‡๐ข๐ ๐ข๐ญ ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ฎ๐ก๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ƒ๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐›๐š๐›๐š๐ฅ๐ข๐ค-๐ฅ๐จ๐จ๐› ๐ฆ๐จ ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ง๐ฒ๐š. ๐ˆ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ฅ๐จ๐จ๐› ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ง๐ฒ๐š ๐š๐ง๐  ๐ข๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐ฅ๐ข ๐š๐ญ ๐ข๐ฒ๐จ๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐ข๐ ๐ฌ๐š ๐ข๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ฎ๐ก๐š๐ฐ.

ERIT SANCTUS+

– Admin Yma

Defend The Catholic Faith
Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.