Apologetics Bible Catholic Church Catholic Faith Uncategorized

Hindi pag-aasawa ng mga Pari, dahilan nga ba kung bakit sila nagkakasala?

 

Hindi pag-aasawa ng mga Pari, dahilan nga ba kung bakit sila nagkakasala?

Ang common na issue ng mga Anti-Katoliko, ay “KAYA DAW MARAMING PARING MANYAKIS, NANGRERAPE ETC. AY DAHIL DAW HINDI SILA PINAPAYAGAN MAG ASAWA”.

Unang-una, linawin po natin na hindi totoo na hindi pinapayagan mag asawa ang mga Pari, ang hindi po pag aasawa ng mga Pari ay dahil ito ay kanilang pinili at hindi sapilitan.

Now, pumunta tayo sa kanyang issue regarding sa mga manyak na Pari, totoo naman talaga na mayroon talagang mga Paring gumagawa nito, at sila ay mga makasalanan hindi natin ipinagkakaila yan.

Kaya nga kung kinakailangan silang ikulong ginagawa ito ng Simbahan, hindi ito tinotolorate ng simbahan.

Ngayon, magpunta tayo sa kanilang dahilan na “Hindi kasi pinapayagan mag asawa ang mga Pari ninyo kaya nangrerape e”.

Kung totoo ito edi dapat sana hindi nangyayari ito?

A pastor was charged with child abuse after he was accused of sexually abusing a 15-year old girl in Zamboanga City.

Please See the full article here: https://news.abs-cbn.com

Ito naman mula sa Sekta ng Jehovah’s Witnesses:

Jehovah’s Witness rape victims claim abuse was covered up because it would bring shame on the religion

Please See the full article here: https://www.thesun.co.uk

Victims ‘told not to report’ Jehovah’s Witness child abuse

Please See the full article here: https://www.bbc.com

At marami pang iba na mula sa iba’t ibang sekta.

Oh paano ngayon yan? Partida yan, nag aasawa sila pero nagkakasala pa din nangrerape pa din?

Kaya malinaw na hindi dahil sa hindi nag aasawa ang mga Pari kaya sila nagkakasala, dahil ito sa hindi nila piniling sundin ang mga turo ng Simbahang Katolika, ang pagkakasala nila ay dahil mas pinili nila na sundin si Satanas kaisa ang Simbahan at si Kristo.

Palagi po nating ipagdasal ang lahat para maiwasan natin ang mga pagkakasala. 

~ Admin Coco, Apologist

Defend The Catholic Faith
Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.