Apologetics Bible Catholic Church Catholic Faith

LAHAT BA AY PROTEKTADO NG SOGIE BILL?

 

 

By: Admin Chris

May isang tweet si Risa Hontiveros na nais kong ibabahagi sa inyo, at titignan nga ba natin kung tama ang sinabi niya. Ayon sa senador na si Risa Hontiveros,

“SOGIE equality ensures EVERYONE is protected. (Even those who tweet #NoToSOGIEBill 🙁) [1]”

Lahat nga ba tayo ay protektado ng SOGIE bill? Sa aking palagay, ang sagot rito ay, “hindi.” Naniniwala ako na maraming problema ang bill na ito, ngunit magbabanggit ako ng tatlong grupo ng mga tao na maaapektuhan kapag naging batas na ito.

—————————————
Group 1: Schools
Isa sa mga unang matatamaan ng pagiging ligal ng SOGIE bill ay ang mga paaralan at unibersidad. Isa sa mga discriminatory practices na nakasaad sa bill ni Senator Risa Hontiveros ay,

“c. Refuse admission or expel a person from any education or training institution on the basis of SOGIE [2].”

Ngunit, hindi ba natin maitatanggi na dahil dito, maaaring madamay ang mga private schools, lalo na ang mga religious universities? Sabihin natin na may isang all-girls Catholic university, kung may mag apply na isang transwoman at sinabi ng paaralan na hindi sila naniniwala na ang transwoman ay babae, isa na ba tong krimen? Isa sa mga taga-suporta ng SOGIE bill ay si Sister Mary John, ngunit hindi siya nakasagot sa tanong ni Nancy Binay tungkol dito. Tinanong ni Senator Nancy Binay,

“One of the discussions is a scenario, because, in the previous hearing, the definition of a transwoman, for them they are women already. So technically, they can enter all-girls schools like St. Scholastica’s College…If we accept that kind of definition, can, for example, schools like St. Scholastica’s College, or Assumption, be compelled to accept them as students [3]?”

Bukod pa rito, nagkaroon ng isang viral na news na para sa ilan ay halimbawa ng “diskriminasyon” na nakita sa Assumption Iloilo [4]. Para sa ilan, ang ginawa ng Assumption Iloilo kung saan nilagay ng paaralan na ito ang “homosexual acts” sa “immorality” na dahilan para madrop-out ang isang estudyante sa paaralan ay paghahamak sa karapatan ng mga myembro ng LGBTQQIAAP+. Naipakita ko noong nakaraan na walang basehan ang kanilang pagtutol sa ginawa ng paaralan na ito [5]. Gayunpaman, kung maipasa ang SOGIE bill, mas maraming kaso ang maaaring matanggap ng mga paaralan na umaaasang maipalaganap ang mabuting balita ng Diyos, lalo na sa usapin ng sekswalidad, sa pamamagitan ng kanilang institusyon.
—————————————
Group 2: Public Speakers
Ang ikalawang grupo na aking babanggitin ay ang mga public speakers o ang mga tao na nagsasalita sa harap ng publiko. Para maipakita ang aking punto rito, nais kong banggitin ang nakasaad sa House Bill 4982 o “SOGIE Equality Act.” Isa sa mga nakasaad na diskriminasyon rito ay:

“(l) Engaging in public speech meant to shame, insult, vilify, or which tends to incite or normalize the commission of discriminatory practices against LGBTs, and which ACTS or PRACTICES in turn, intimidate them or result in the LOSS OF SELF-ESTEEM [6] [emphasis added].”

Naniniwala ako na may mga pananalita na halimbawa ng diskriminasyon kung saan may insultong nagaganap sa mga miyembro ng LGBTQQIAAP+. Ngunit, may mga “public speech” na hindi naman nag-sasabi ng masasakit na salita at maaari pa rin itong tawagin na “hate speech.” Babanggitin ko ang sinabi ng isang transwoman na kinausap ng Rappler sa usapin ng SOGIE bill. Sabi ng isang transwoman:

“The violence we experience as transwomen start with people denying who we are. To deny a woman her identity is a form of violence. To say that I am NOT a WOMAN is a form of violence [7] [emphasis added].”

Kung makikita niyo, ayon sa isang transwoman mismo, kapag may nagsabi na ang transwoman ay isang lalaki, isa na itong “violence” katulad ng binanggit sa SOGIE Equality Act na nilatag ko sa taas. Kung iisipin natin, isa itong atake sa ating kalayaan maghayag ng ating saluobin o “free speech” sa isang kontrobersyal na isyu. Tandaan natin na ang pananaw na ang transwoman ay isang lalaki ay isang intelektuwal na posisyon na pinaniniwalaan ng mga grupo ng theologians [8], apologists [9], philosophers [10], at medical community [11]. Kung ang mga grupo na binanggit ko ay magkakaroon ng isang seminar kung saan ang kanilang intelektuwal na posisyon ay taliwas sa paniniwala ng LGBTQQIAAP+ community, at may na-offend sa mga masa, nakagawa na ba sila ng mga krimen?
—————————————
Group 3: Children
Ang ikatlong grupo na aking babanggitin ay ang mga bata. Nakakalungkot lamang dahil hindi nila naiisip ang magiging epekto nito sa mga bata. Ang babanggitin ko ngayon ay ang nakikita natin sa U.S.A dahil sa mayroon silang batas na katulad ng sa SOGIE sa ibang estado. Si Andrea Jones ay isang research assistant sa DeVos Center for Religion and Civil Society at The Heritage Foundation. Naniniwala siya na naaapektuhan ang mga bata dahil sa curriculum nila sa kanilang mga paaralan. Sabi niya:

“A number of states already use similar curriculum, including graphic and age-inappropriate sex education for children as young as kindergarten and requiring the inclusion of LGBT history [12].”

Bukod pa rito, naniniwala siya na hindi maganda ang epekto nito sa mga bata patungkol sa kanilang mga privacy at sports. Sinabi rin niya:

“It would mandate that schools across the country allow students who identify as transgender to access the opposite sex’s restrooms, locker rooms, and showers. It would also require them to allow biological males to compete on girls sports teams, where they have a clear physical advantage [12].”
—————————————
Kung aalamin lamang mga taga suporta ng SOGIE bill, hindi tayo tumatanggi dito dahil sa may galit tayo sa myembro ng LGBTQQIAAP +. Ito ay sa kadahilanan na may mga nakikita tayo, tungkol sa bill mismo, na may problema at sa pananaw natin, pati na rin ang ibang eksperto, na makakaapekto ito sa ating karapatan tulad ng kalayaan at relihiyon kung saan ang tatlong grupo na makakaranas nito ay ang mga nasa paaralan, mga public speakers, at mga bata.

Ating ipagdasal ang ating gobyerno na makinig sa ating hinaing, at atin ring ipagdasal ang ating kapwa na maging bukas sa ating ipinapahayag. Tatapusin ko lamang ito sa isang pahayag ni Jake Zyrus na nagbigay ng kanyang opinyon, ukol sa SOGIE bill, noong magkaroon ng balita tungkol sa paggamit ng women’s CR para sa mga transwoman. Sabi ni Jake Zyrus:

“This is not about the CR anymore — this is about how we are going to treat each other and how we are going to understand each other. This is not just about understanding me, understanding the LGBT community –this is both ways.

I am just following the law because it’s what they said, right? Biologically, I am a woman so I follow it [13].”

DON’T FORGET TO “SHARE”

Reference: https://www.facebook.com/dcfvanguardsoftruth

Defend The Catholic Faith
Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.