Apologetics / Reflections Catholic Church Catholic Faith

Maundy Thursday 2021 Reflection

 

 

 

๐Š๐š๐ฒ๐š ๐ฆ๐จ ๐›๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ ๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ค๐š๐ ๐š๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฉ๐š๐ ๐ค๐ฎ๐ฆ๐›๐š๐›๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐ข ๐‡๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฌ? ๐’๐š ๐ฉ๐š๐š๐ง๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ซ๐š๐š๐ง ๐ฆ๐จ ๐ฆ๐š๐š๐š๐ซ๐ข ๐ฆ๐จ๐ง๐  ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง ๐š๐ญ ๐ข๐ญ๐š๐š๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐š๐›๐š?

Kung Diyos si Hesus at nagawa niyang hugasan ang paa ng mga apostol, marapat na tularan natin ito. Ang paghuhugas ng paang marumi ng iba ay nangangahulugang ang paghuhugas ng paa ng ating kapwa sa kung paano natin kayang tumulong sa ikalilinis ng iba. Hindi lamang ginagawa ang paglilinis sa katawan kundi maging sa kaluluwa. May mga taong wasak ang pananampalataya, buwag ang pag-asa at lito sa tunay na kahulugan ng pag-ibig.

Bilang kapwa, kung nakakakita tayo ng mga taong nagdurusa at may maitutulong tayo, dapat gamitin natin iyong pagkakataon upang maitaas ang nangangailangan upang matulungan sa kanilang kabanalan. Hindi ba mas masarap sa pakiramdam na habang nagpapakabuti tayo ay may kapwa tayong nagiging mabuti rin dahil sa ating pagtataas o pagtulong sa kanila?

Kung kaya’t harapin natin ang katanungan na ito, ๐Š๐š๐ฒ๐š ๐ฆ๐จ ๐›๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ ๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ค๐š๐ ๐š๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฉ๐š๐ ๐ค๐ฎ๐ฆ๐›๐š๐›๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐ข ๐‡๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฌ? ๐’๐š ๐ฉ๐š๐š๐ง๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ซ๐š๐š๐ง ๐ฆ๐จ ๐ฆ๐š๐š๐š๐ซ๐ข ๐ฆ๐จ๐ง๐  ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง ๐š๐ญ ๐ข๐ญ๐š๐š๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐š๐›๐š?

Pagpalain tayo ng Panginoon sa araw na ito kung kailan ipinagdiriwang ang pagtatag ni Kristo ng kaparian.

ERIT SANCTUS

– Admin Yma

Defend The Catholic Faith
Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.