Apologetics Bible

May Diyos ba?

 

 

 

Ngayong panahon natin. Kung saan ang teknolohiya ay laganap. Ang komunikasyon ay mabilis at ang buhay ng Tao ay maunlad. Ngunit marami pa rin ang di naniniwala na may Diyos o hindi alam kung may Diyos. Ayon sa statistik, limang daang milyon ang atista o walang kinikilalang Diyos sa buong Mundo kaya ngayon, hayaan niyo akong patunayan na may Diyos. 


Ayon sa Unang konsilyo ng Vatican mayroon lamang iisang Diyos na buhay, gumawa ng langit at ng mundo, walang katapusan, kapintupintuho, at talagang perpekto. Ang mga pruweba na may Diyos ay. Una, nakikita natin ang kaayusan ng lahat. Pagikot ng mga planeta na hindi nagkakabanggaan, pangalawa, ang buwan na hindi bumabagsak saatin. Pangatlo, di maubos ubos na hangin at iba pa. Alam nating may gumawa na mas higit na mas matalino pa saaatin. Halimbawa nalamang sa mga events. Pagpasok mo, nasa ayos ang lahat. Ang mga upuan nakaayos, ang sound system ay gumagana, ang mga pagkain nakahain sa hapag. Alam mong may nagayos nun na isang nilalang na may alam kasi nakaayos at nasa tama ang lahat. Di naman yan biglang nanjaan nalamang at nakaayos na diba? Pangalawa ay lahat ng bagay ay may dahilan. Halimbawa na lamang ay kalendaryo. Hindi pwedeng bigla na lamang lumitaw ang kalendaryo sa kawalan diba? May gumawa niyan syempre. Ang kalendaryo ay gawa ng mga manggagawa ng kalendaryo kaya may nabuong kalendaryo. Ngunit, ang mangagawa din naman ay may pinanggalingan at may gumawa. Etong gumawa na ito na siyang dahilan kung kaya’t may manggagawa ay ang Diyos.

Ito ay simpleng lohika lamang. Di pwedeng ang lahat ng nandito sa kalawakan, ang pagiral ng mga tao at ang kaayusan ng lahat ay dulot lamang ng ‘chance’ at natural process’.

Ang sabi ng Panginoong Jesus ay, “Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakikita” Juan 20:29.
Maniwala at sumampalataya.

-Boi Taytay

The picture used in this post is not mine. Credits to the owner.

Facebook: https://www.facebook.com/dcfvanguardsoftruth/posts/3238055283085417

Defend The Catholic Faith
Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.