Apologetics Bible Catholic Church Catholic Faith Christian

Naririndi daw ba ang Diyos sa pagdarasal ng paulit ulit gaya na lang ng Sto. Rosaryo?

 

By: Iae Adrianvs Valdez

The answer is No!

Because the Gospel for the day said that you need to appeal and to commit our needs to the Lord. Kahit hindi pa nakakamit ang iyong dasal o hinihiling sa Panginoon ay pwede din tayo mangulit pa rin at least alam ng Diyos kung ano ang ipagkakaloob nga sa atin bilang biyaya. Sabi nga keep on Praying diba?
Tulad ng babaeng balo naghahangad ng katarungan na hinihingi sa hukom pero nung una hindi pinagbigyan pero panay ang pangungulit nya, pinagbigyan na. Ganun din tayo, kapag nananalangin tayo nangungulit tayo pero may kahalo pang panglalambing upang maibigay ng Diyos ang ating mga hinihiling sa kanya.

May tatlong tugon ang Diyos kung paano nya sasagutin ang ating mga dasal na inilalapit natin sa kanya.
Oo
Hindi
Sandali lang

Pag usapan natin ang bawat tugon ng Panginoon.

1. Oo.
Bakit pumapayag ang Diyos na ibigay ang ating mga dasal at kanyang pagpapalain?
Dahil dyan tinitingnan ng Diyos ang paggawa ng mabuti, ugali, pagkatao at pagiging tapat sa kanya. Balikan natin ang dalawang ebanghelyo noong mga linggo na kung saan sinabi ng mga apostol na dagdagan pa ng Panginoon ang kanilang pananampalataya, pero marunong kang magpasalamat sa lahat NG biyayang ipinagkaloob sayo ng Diyos. Opps, magbahagi ka. Mas tinitingnan ng Diyos ang tunay nating hangarin depende sa hinihiling natin sa kanya, ipagkakaloob nya pa rin yun. Pero magpasalamat ka pa rin sa kanya dahil ang lahat NG biyayang binigay sayo ay sa kanya nanggaling at yan din ang muli mong iaalay sa kanyang harap. Kaya pumayag ang Diyos dahil nakikita nya na ikaw ay bukod na pinagpala.

2. Hindi.

Bakit hindi sinasagot ng Diyos ang Panalangin natin?
Ang katotohanan nyan ay hindi siguro para sa atin ang mga dasal natin or alam ng Diyos na pwede itong makasama o ikapahamak natin at ayaw din ng Diyos na Malagasy tayo sa masama. Syempre mahal nya tayo at ayaw nyang mahayaang mapariwara ang kanyang mga anak. Syempre gusto ng Diyos na tayo mapabuti. Pero minsan kaya hindi nya tinutugon dahil din sa pagiging mayabang, masama ang hangarin o intensyon, lalo na ang kasakiman at pagiging ganid. Kaya minsan binabawian din tayo ng mga biyaya para magtanda din tayo at handang magsisi at turuan tayong magbalik loob sa kanya. Ni hindi ka nga magpasalamat wala ka. Ni magpuri ka wala ka rin. Kaya hindi din tinutupad NG Diyos ang mga dasal dahil sa pagiging makasarili natin, mga kurap din tayo. At dahil dyan sunod sunod na consequences ang naaani natin dahil sa ating pagiging makasalawahan at manloloko. We are the charlatans to fool our faith in God in a worst scenario of our faith. Ang kapal naman ng mukha mo para humingi ng hinihiling mo sa kanya. Ni pagdalaw man lang sa simbahan kinatatamaran mo pa. Dahil din sa pagiging inggrato mo, talagang kukunin ng Diyos ang mga biyayang siguro Nakakasira din sa buhay natin. Gusto nya lang mapabuti tayo at ayaw nya mapahamak tayo. Alalahanin nyo, ang Diyos ay Makatarungan, pwede nyang kunin ang mga biyaya natin kahit anong oras o araw para matuto din tayo magbahagi sa iba.

3. Sandali lang.

Bakit ang tagal tagal naman ng acting mga hinihingi sa kanya eh baka hindi na nya tinutupad ang mga dasal natin?

Ganito kase yun. Napaka anxious natin kapag ang dasal ay hindi dinidinig.
Kaya ang dasal natin ay hindi siguro nadidinig at mukhang delay na delay pa dahil gusto nya ibigay yun sa tamang panahon. May tamang panahon para dinggin ng Diyos ang mga dasal natin Kaya minsan naaalintala lang at matagal talagang ibigay yun dahil gusto ng Diyos na tayo ay umayos at ayusin din ang buhay natin upang hindi tayo uuwing luhaan sa bandang huli. Parang Court order lang yan, maybe yes or no.
Kung ipagkakaloob ng Diyos na ibigay nya sa atin yan sa tamang panahon walang problem basta matupad lamang ang ating mga dasal sa kanya. Pero matuto ka ring magpasalamat sa kanya.
Kundi hindi naman, huwag maghihinanakit sa kanya dahil wala tayong magagawa, irespeto na lang natin ang pasya ng Diyos. Kagaya na lang nito, sa Vizconde Massacre, natalo sa kaso pero hindi sya kailanman naghinanakit sa Diyos kung bakit na dismiss ang kaso.
Yung iba sa atin ay namatayan at panay ang dasal natin na humaba pa ang buhay at gumaling pero namatay din, wala tayong magagawa dahil pinagpasyahan na ng Diyos na kunin nya ang buhay nila. Hindi din. Tayo nakapasa sa Board exam dahil may mga pagkukulang tayo. Kaya gusto ng Diyos na ayusin muna natin ang ating mga buhay at magbalik loob sa kanya, dahil sa tamang panahon pwede nya ibigay ang mga hinihiling natin sa kanya. Pero magpasalamat ka pa rin at kung hindi man ibigay, huwag magdadamdam dahil siguro hindi natin oras para ipagkaloob yan. But very unexpected talaga ang mga dasal natin Kaya maging matyaga tayo sa pananalangin at huwag sumukong tumawag palagi sa kanya. Katulad ng mahal na birheng Maria, nilabanan na nya ang lahat. G pagsubok na dumarating sa buhay nya sa oras na masaktan at mamatay si Hesus pero hindi sya naghinanakit Kundi ipinagkatiwala nya ang lahat sa kanya.

Ama, sa mga kamay mo habilin ko ang buhay ko.

Magnilay tayo.

#29thSundayinOrdinaryTime

Defend The Catholic Faith
Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.