Apologetics / Reflections Bible Catholic Church Catholic Faith

“PILIPINAS: ANG LUPANG HINIRANG, PERO DI BANSANG NAKASAAD SA BIBLIA”

 

 

 

By: Pastor Manny
.
Nung isang araw lang ay mag nag message sa page naming kung saan tinanong niya kami kung makakapagbigay ba kami ng defense or ng rebuttal sa isang post ng INC na nagsasabi na ang Philippines ay ang Ophir [1]. Sa mga taong hindi nakakaalam kung ano ang Ophir, ito ay ang isa sa mga anak ni Joktan (Gen 10:29) at isang region or lugar na kilala sa kanyang ginto (1 Kings 9:28; 10:11; 22:48; Job 22:24; 28:16; Isa. 13:12) ayon sa Easton’s Bible Dictionary [2]. Ang argument ng INC na nagpost ay since nabanggit na ang bansang Pilipinas bilang Ophir, therefore macoconnect na nila na itatayo ang INC sa Pilipinas dahil sa kahalagahan ng bansa natin ayon raw sa kasaysayan at Bibliya. Ang gagawin natin ngayon ay titignan natin whether may basis ba sila kung titignan natin ang kasaysayan at ang Bibliya.
.
KASAYSAYAN:
.
Ito ang sinabi niya patungkol sa kasaysayan kung saan nag cite siya ng isang historical source ng taong 1500s na nagpapakita na ang Pilipinas ay tinawag na Ophir.
.
“Ayon sa dokumento ng mga Espanyol sa “Collecion General de Documentos Relativos a las Islas Filipinas” Mayroon silang mapa na kinaroroonan ng Ophir, at ayon sa kanila ang Ophir day ay “COMPOSE OF MANY ISLANDS””
.
Totoo ang sinabi dito kung saan ang “Collecion General de Documentos Relativos a las Islas Filipinas” ay tungkol sa travel guide papunta sa Africa to India, to Burma, to Sumatra, to Moluccas, to Borneo, to Sulu, to China at sa Ophir na tinuring nila na Pilipinas [3]. Ang problema lang sa reasoning nila ay inassume nila na kung ano ang tinuring na Ophir nung panahon ni King Solomon. For example, alam natin na ang Spain ang naging most powerful country sa Europe at sa buong mundo nung panahong 1500s [4], pero just because na sila yun nung panahong yun, it doesn’t mean na sila pa rin ang pinakamakapangyarihang bansa sa panahon ngayon.
.
Bukod pa dito, may isa pang mistake sa part niya sa “research” niya at yun yung hindi pagcite ng mga arguments ng kabilang side. How come na puro sources na nagpoprove lang ng pinaniniwalaan niya yung cinite niya? Sa article ko dito, cinite ko siya at yung position niya na Philippines ang Ophir pero yun ay dahil sa open-minded ako sa position niya. Pero nung binasa ko yung post niya, unfortunately, hindi siya nag cite ng articles na nagsasabing ibang bansa ang Ophir at for some reason, Philippine history lang ang ginamit niya. Bakit yun lang ang cinite niya? Bakit siya nag cite ng isang historical source na sinulat nung 1500s at hindi historical sources nung panahon ng 1st Century or bago pa nun? Ang Philippines lang ba ang nag-iisang Ophir based on history?
.
In fact, nung nag research ako, maraming bansa ang tinuturing na Ophir at hindi lang ang Philippines. Isang bansa ay ang India kung saan ayon kay Josephus na 1ST CENTURY historian (hindi 16TH CENTURY historian), ito ang Ophir nung panahon niya. Ito ang sinabi ni Josephus.
.
Josephus:
“For he sent a sufficient number of men thither for pilots, and such as were skillful in navigation: to whom Solomon gave this command, that they should go along with his own stewards to the land that was of old called Ophir, but now the Aurea Chersonesus: which belongs to INDIA: to fetch him gold. And when they had gathered four hundred talents together, they returned to the King again [5].”
.
Bukod kay Josephus na nagbanggit ng India, kaya ko pa mag cite ng isang historian na si Eusebius na nag record ng tradition nung panahon ni Eupolemus (150 BC) na ang Ophir ay makikita sa Arabia.
.
Eusebius:
“’And on bearing this David built ships in Aelan a city of ARABIA, and sent miners to the island Drphe which lies in the Red Sea, and contains gold mines. And thence the miners transported the gold into Judaea [6].”
.
So, kahit sa historical basis, hindi lang Philippines ang tinawag na Ophir kung saan ang source ay kinuha nung 16th Century, pero marami pang ibang options na mas malapit sa time ni Solomon tulad ng India at ng Arabia.
.
BIBLIYA:
.
Ito naman ang sinabi niya tungkol sa Biblical evidence na ang Pilipinas at ang Ophir.
.
“Ang Ophir ay hindi talaga isang salita kundi isang PANGALAN NG TAO. Ang pangalang “Ophir” ay unang binanggit sa Genesis 10 na naglalaman ng mga DESCENDANTS or mga apo ni Noah (taong pinli ng Diyos na magtayo ng arka dahil sa gugunawin ng ang mundo ng malaking baha) SI OPHIR ay ika-6th generation ni Noah.”
.
Tama ang sinabi niya diyan na nabanggit na si Ophir sa Genesis 10 at nabanggit ko na yun sa umpisa pa lang ng article ko at mahalaga yun kasi malalaman natin kung ano ang lugar na Ophir kung alam natin kung saan pumunta si Ophir. Maraming examples sa Bible kung saan ang lugar ay pinangalanan sa isang tao, at isang sikat na halimbawa ay ang bansang Israel na pinangalanan kay Israel (or Jacob bago siya naging Israel) at nakikita to sa Genesis 32:28. In the same way, since sa Bible, ang Ophir ay isang tao at isang lugar, malalaman natin kung nasaan ang lugar na Ophir kung alam natin kung saan pumunta si Ophir. Dahil dito, tignan natin kung saan pumunta si Ophir at ang qinuote ng INC ay ang Genesis 10:30.

Genesis 10:30
[verse 30] At ang naging tahanan nila ay mula sa Mesa, kung patungo sa Sephar, na siyang BUNDOK SA SILANGAN. [emphasis ng INC]
.
Bukod pa rito, ito ang kanyang conclusion.
.
“At karagdagan dito ay ang bansang OPHIR na naka-locate sa SILANGAN.
Hindi ba’t ang tawag sa Pilipinas ay PERLAS NG SILANGAN? Bakit? Dahil noon pa man, dahil sa mga LIKAS nitong yaman (precious stones, wild animals, native trees etc) namumukod tangi eto sa mga karatig-bansa niya.”
.
Sa parting to eh di ko alam kung matatawa ako o malulungkot kasi tutuklawin na sila dahil nasa harapan na nila ang sagot. So, walang mali sa cinite niyang bible verse, ang mali ay ang kanyang interpretation. Dahil lang sa nakita niya ang salitang SILANGAN (as if laging Pilipinas ang tinutukoy ng salitang yun), inassume na niya na ito ay tungkol sa Pilipinas dahil ito raw ay tinawag na PERLAS NG SILANGAN, so therefore, pumunta si Ophir sa Philippines. Ang problem dito ay ang emphasis niya sa SILANGAN sa verse 30 at kung papansinin ang verse na yun, walang indication na sa Pilipinas pumunta si Ophir dahil sinabi na sa Genesis kung saan pumunta si Ophir at namiss nila to sa verse 30 mismo. Kung babasahin ulit nila, ang sinabi ay “patungo sa SEPHAR”, hindi patungo sa Pilipinas. So, pumunta si Ophir sa SEPHAR, at ang Sephar ay isang lugar na makikita sa South Arabia ayon sa International Standard Bible.
.
International Standard Bible:
“From the similarity between the names of most of Yoktan’s sons and the names of SOUTH ARABIAN towns or districts, it can hardly be doubted that Sephar is represented by the Arabic Qafar…The other ZAFAR stands on the coast in the district of Shichr, East of Chadramaut. The latter is probably to be accepted as the Biblical site [7].”
.
So, based sa Bible, si Ophir ay pumunta sa South Arabia at isa tong evidence na nagdadagdag sa probability na ang Ophir ay isang region sa Arabia. Hindi ko na kailangan iquote yung iba pa niyang sinabi since ang foundation ng argument niya ay ang Pilipinas lang ang tinawag na Ophir historically speaking (at mali yun) at as Pilipinas pumunta si Ophir (at mali rin yun) pero gusto ko lang ihighlight yung sinabi niya na mali.
.
“Ang GOLD, SILVER, IVORY (pangil ng Elepante), ALGUM (Narra Tree), APES (Tarsier sa Bohol), AT PEACOCKS (Pabo sa tagalog) ay halos dito mas marami kumpara sa ibang bansa. [1 Kings 10:11, 1 Kings 9:26, 28]”
.
Una, mali siya dahil ang TARSIER ay hindi APES and unfortunately, hindi to naging part ng “research” niya [8]. Pangalawa, just because may nakikitang ganyan sa Pilipinas, it doesn’t mean na sa Pilipinas lang nakikita ang mga nabanggit. In fact, dagdag evidence lang to sa majority ng position ng mga scholars at ng theologians sa South Arabia at ito ang sinabi ng Jewish Encyclopedia.
.
Jewish Encyclopedia:
“This theory gains in probability if the author of I Kings x. 22 meant to imply that the exports were native to Ophir itself; for apes, ivory, and ebony are among the commercial products of Somaliland [9].”

Source: facebook.com/dcfvanguardsoftruth

Defend The Catholic Faith
Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.