Apologetics Catholic Church Catholic Faith Religion

#RealTalkMoment: Linyahan ng mga “LBGT” Supporters

Photo Credit: http://mediad.publicbroadcasting.net
1. “Ang lakas-lakas ng loob niyong manghusga ng mga LGBT eh mga rapist at banal-banalan naman ang mga pari ninyo. Ginagawa lang ng mga LGBT ang tama. Pinapakita lang nila kung sino sila hindi katulad ng mga pari ninyo!”
 
Hindi kami nanghuhusga ng mga LGBT, nirerespeto namin sila dahil tao din sila na ginawa ng Diyos, tao din sila kagaya natin. Ang kinukondena lang natin ay yung isang klase ng pagmamahal nila (e.g. Same-sex Attraction) na kinukondena din ng Bibliya. (Leviticus 20:13)
Para naman sa mga kaparian na pilit ninyong kinukumpara sa mga kabaklaan. Tao lang din sila katulad ng mga LGBT na Sinusuportahan ninyo. Kung nagkakasala man sila sa kanila iyon hindi sa simbahan. Hindi porket pari sila ng Simbahang Katolika dapat maging perpekto sila. Hindi, mga kapatid. Walang taong perpekto.
 
2. “Stop the Discrimination and Respect the LGBT people. Let’s accept them for who they are.”
 
Paano namin sila matatanggap? Kung sila mismo hindi nila matanggap sa sarili nila na pinanganak silang babae at lalaki. Paano? Unahin muna nilang tanggapin sa sarili nila kung sino sila bago namin sila tanggappin. At isa pa hindi po namin sila dini-discriminate nasa isip lamang po nila iyon, nirerespeto din po namin sila dahil tao lang din naman sila.
 
3. “Wala silang tinatapakan tao kaya walang mali sa pagiging LBGT.”
 
Wala nga silang tinatapakang tao pero pilit nilang binabago ang kung ano ang ginawa ng Diyos. Sa tingin ninyo wala ba silang natatapakan? Eh si Lord kumusta naman siya? Hindi ba siya natatapakan dahil sa ipinipilit ng mga taong iyan? Sigurado kayo? Sa pagpipilt niyo pa lang sa “karapatan” ng mga taong iyan daig niyo pa ang nakatapak ng jackpot sa mga pinagsasasabi ninyo.
 
4. “Walang masama sa pagiging LGBT. Normal lang iyan.”
 
Well, ang masasabi ko about diyan is NO. masama iyan. Hindi iyan normal. Dalawang kasarian lang ang ginawa ng Diyos (Genesis 1:26-27) at iyon ay BABAE AT LALAKI LAMANG PO IYON. WALANG BAKLA, TOMBOY, BISEXUAL OR TRANSGENDER.
 
P.S. Hindi po ako galit sa mga kabaklaan. Nagpapaliwanag lamang po ako. Salamat po!
 
Dominus Vobiscum et Pax Vobis!
 
-Admin Sikolohistang Tagapagtanggol
Defend The Catholic Faith
Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.