Daily Gospel on DCF

SUNDAY’S GOSPEL REFLECTIONS on DCF: “Ang Paghahangad ng Parangal ng Diyos at Hindi ng Tao

SUNDAY’S GOSPEL REFLECTIONS on DCF: “Ang Paghahangad

Setyembre 2, 2018. Ika-22 Linggo ng Karaniwang Panahon.

Salmo 15: Sino kayang tatanggapin sa templo ng Poon natin?

Unang Pagbasa: Deuteronomio 4:1-2, 6-8

“Ngayon, O Israel, pakinggan ninyong mabuti at sundin ang tuntuning itinuturo ko sa inyo upang mabuhay kayo nang matagal at mapasainyo ang lupaing ibinigay sa inyo ni Yahweh, na inyong Diyos. Huwag ninyo itong daragdagan ni babawasan. Sundin ninyo ang mga utos na ibinigay ko sa inyo mula kay Yahweh.

Unawain ninyo ito at sunding mabuti. Sa gayon makikita ng ibang bansa ang inyong karunungan at pang-unawa. Kaya’t masasabi nila: ‘Ang dakilang bansang ito’y matalino at may malawak na pagkaunawa.’

“Sinong diyos ng ibang bansa ang handang tumulong anumang oras liban kay Yahweh? Aling bansa ang may makatarungang tuntunin at kautusan tulad ng ibinigay ko sa inyo ngayon?

Ikalawang Pagbasa: Jaime 1:17-18, 21b-22, 27

Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagpapakita ng bahagya mang pagbabago. Niloob niyang tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang tayo’y maging pangunahin higit kaysa lahat ng kanyang mga nilalang.
Kaya’t talikuran na ninyo ang inyong maruruming gawa at alisin ang masasamang asal. Mapagpakumbabang tanggapin ninyong taimtim sa inyong puso ang salita ng Diyos sapagkat ang salitang ito ang makakapagligtas sa inyo.

Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito’y pinapakinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili.

Ang pagiging relihiyoso na dalisay at walang dungis sa harap ng ating Diyos at Ama ay ang pagtulong sa mga ulila at sa mga biyuda sa kanilang kahirapan, at pag-iingat sa sarili upang huwag mahawa sa kasamaan ng mundong ito.

Ebanghelyo: Marcos 7:1-8, 14-15, 21-23

Lumapit kay Jesus ang mga Pariseo kasama ang ilang tagapagturo ng Kautusan na galing pa sa Jerusalem. Nakita nila ang ilan sa mga alagad niya na kumakain nang hindi muna naghuhugas ng kamay ayon sa kinaugalian.

(Sapagkat ang mga Judio, lalo na ang mga Pariseo, ay hindi kumakain hangga’t hindi muna sila nakapaghuhugas ng kamay ayon sa kaugaliang minana nila mula sa kanilang mga ninuno. Hindi rin sila kumakain ng anumang galing sa palengke nang hindi muna ito hinuhugasan.

Marami pa silang sinusunod na katuruang minana, tulad ng paghuhugas ng mga tasa, pitsel, sisidlang tanso, at mga higaan. Tinanong si Jesus ng mga Pariseo at ng mga tagapagturo ng Kautusan, “Bakit hindi sumusunod ang mga alagad mo sa mga turo ng ating mga ninuno? Kumakain sila nang hindi muna naghuhugas ng kamay ayon sa kaugalian.”

Sinagot sila ni Jesus, “Mga mapagkunwari! Tama nga ang sinabi ni Isaias tungkol sa inyo, nang kanyang isulat,

‘Ang paggalang sa akin ng bayang ito ay pakunwari lamang,
sapagkat ito’y sa bibig at hindi sa puso bumubukal. Walang kabuluhan ang kanilang pagsamba,
sapagkat itinuturo nilang galing sa Diyos ang kanilang mga utos.’

Winawalang-kabuluhan ninyo ang utos ng Diyos, at ang sinusunod ninyo’y mga katuruan ng tao.”

Muling pinalapit ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila, “Makinig kayong lahat at unawain ang aking sasabihin! Walang pagkain na pumapasok sa bibig ang nagpaparumi sa tao, kundi ang lumalabas dito.”

Sapagkat sa loob, sa puso ng tao, nagmumula ang masasamang isipang nag-uudyok sa kanya upang makiapid, magnakaw, pumatay, mangalunya, mag-imbot, gumawa ng kasamaan tulad ng pandaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang-puri, pagmamayabang, at kahangalan. Ang lahat ng ito ay nanggagaling sa puso at ang mga ito ang siyang nagpaparumi sa kanya.”

Pagninilay:

Ano ang kahalagahan ng ating puso? Ang ating saloobin ay hindi madaling makita o mapagtanto ng tao. Minsan pa, kahit tayo ay magsalita, hindi ibig sabihin na ito ay tunay na sumasalamin sa laman ng ating puso. Ang mga Pariseo at Escriba noong panahon ni Jesus ay magagaling sa pangangaral ngunit pagdating sa paggawa, sila ay mga makasarili at mapagpa-imbabaw. Gusto ng parangal at papuri ng tao at hindi ng Diyos.

Ngayong ebanghelyo ay binigyang importansya ni Jesus kung ano ang mahalaga sa Diyos at sa ating buhay pananampalataya. Hindi lamang ang mga bagay na madaling makita para lamang may masabing maganda ang ibang tao tungkol sa atin. Higit na mas mahalaga rito, ay ang nilalaman ng puso natin na makikita sa gawa. Paano mo malalaman kung ano ang tunay na nilalaman ng puso ng isang tao kung hindi pareho ang salita at gawa? Paano natin maipararamdam sa isang tao na minamahal natin sila kung sasabihan lang ng “Mahal Kita” ngunit tatalikod ka sa panahon na kailangan ka? Ganito rin tayo sa Diyos at sa pagmamahal natin sa Kanya. Hindi sasapat ang mga sinasabi lamang natin at pakitang tao, ngunit sa ating bawat kilos at galaw. Dito tayo tunay na masusukat.

Maipapadama natin sa Panginoon ang ating pag-ibig sa Kanya kung paano natin mahalin ang ating kapwa sa pamamagitan ng paggawa. Sinabi sa ikalawang pagbasa, ayon kay Santiago, na ito ay ang pagmamalasakit sa kapwa, tulad ng mga ulila at mga biyuda. Tanungin ang mga sarili, kung ang puso ba natin, ay may ginagawa at naawa sa mga taong naapi tulad nito? O baka naman nakuntento na tayo sa ating kasiguraduhang tama na ang ating ginagawa? Hindi kautusan ng Diyos ngunit dikta lamang ng ating sarili?
Tayong mga Katoliko ay sanay sa maraming tradisyon na nakaugalian na. Ang mga silbi nito ay upang pagyamanin lamang ang ating pananampalataya: nobena, prusisyon, pista ng mga santo, mga pagtitipon at kung anu-ano pa. Ngunit hindi dito nagtatapos ang lahat. Hindi ibig sabihin na maggawa natin itong lahat, pati ang pagsisimba, ay tapos na ang ating misyon.

Ang mga ito ay simula pa lamang: pagkain ng buhay na dapat baunin upang tayo ay makapagsilbi. Ang mga ito ay dapat nakakapagpabago sa ating mga puso.
Sasabihin ng mga iba na wala nang nangyayari sa kanilang buhay kung magsimba man o hindi. Paano ba namang hindi ganito ang nangyayari kung hindi natin pagninilayan at papasukin sa ating isip, puso at diwa ang Salita ng Diyos na na ibinabahagi sa misa? Papasok ng simbahan sa isang oras ay nakatuon pa ang puso sa ibang bagay sa at hindi sa nangyayari sa misa. Kung talagang hindi natin ninanamnam ang Salita ng Diyos ay para lamang tayong kumakain na matapos nguyain ay iniluluwa na lamang. Kaya nga hindi tayo mabubusog-busog. Wala sa Panginoon ang problema ngunit sa ating mga kalooban na hati pa rin hanggang sa ngayon.

Hindi sapat ang panglabas. Ang masabing makapagsimba lamang. Ito ay ating damhin, intindihin. Ibigay natin ang ating buong puso sa pag-aalay ng Diyos ng Kanyang sarili sa atin sa Banal na Misa.Ano ang siyang tunay na mahalaga sa ating Panginoon? Naitatanong ba natin ito o ang mahalaga lamang ay ang importante sa atin?

May tanyag na linya mula sa mga sikat na palabas na kaugnay dito, “Mahal kita dahil kailangan kita” o “Kailangan kita dahil mahal kita”. Ano sa tingin Ninyo ang tunay na pag-ibig sa Diyos? Mahal lang ba natin ang Panginoon dahil may gusto tayong makuha mula sa kanya? O kaya natin siya hinahabol at inaalagaan natin ang ating pananampalataya ay dahil tunay na mahal natin Siya? Napakalaking pagkakaiba nito. Kung ang inaakala natin ay hindi maaring ilapat sa ating pag-ibig sa Diyos kung paano natin ibigin ang ating mga minamahal sa buhay sa ay doon tayo nagkakamali. Kung paano natin minamahal ang ating kapwa, kamag-anak man, kaibigan o hindi, ay ganito rin natin minamahal ang Diyos.

Higit pa dapat ang Diyos sa lahat ay dahil Siya ang pinagmumulan ng lahat ng tunay na pag-ibig sa bawat tao.
Ang tunay na malinis na puso ay hindi yung walang sala o mukhang walang sala sa iba. Lahat tayo ay makasalanan at madalas nagkakamali kahit sino pa iyan. Ibig sabihin ng malinis na puso paghahangad ng walang iba kung hindi ang Diyos. Sa lahat ng bagay na ating ginagawa, Siya ang mahalaga at kung ano ang kaaya-aya sa Kanya. Magkamali at magkasala man tayo ay babalik pa rin at susubuking gumawa ng mabuti at baguhin ang mali. May takot sa Diyos. Kung magkukunwari na walang sala at napakabuti, ay walang ganito. Aminin natin ang kababaan natin sa kanya.

Mahalagang ibaba natin ang sarili sa Diyos at aminin natin sa kanya ang ating kahinaan. Kung gaano natin siya kailangan. Hindi maaring husgahan natin ang ating sarili base sa ating sariling kapalaluan, na ni hindi man lamang natin ninanamnam ang Salita ng Diyos at sinusubukang tuparin sa ating sariling paraan ang mga sinasabi ng Diyos sa atin. Hindi ang tao ang tunay na taga-husga kung hindi Diyos lamang. Siya lamang ang ating dapat pagtuunan ng pansin kung ano ang ibig sabihin ng tunay na Katarungan hindi ng mundo na mapanghusga.

Pagnilayan natin ito at hingin ang tulong ng Espiritu Santo upang suriin natin ang ating mga sarili. Tulungan nawa tayo na maialis sa atin unti-unti ang natitirang bakas ng Pariseo sa bawat isa sa atin. Nang sa gayon ay maging ganap ang ating ligaya sa Diyos. Huwag natin sanang sayangin ang ating mahalagang oras sa mga walang kabuluhang bagay tulad ng paghahangad ng papuri ng tao lamang. Hindi tayo nilikha ng Diyos para lamang habulin ang papuri ng iba.

Tayo ay nilikha ng Diyos hindi upang maging alipin ng ibang tao o ng ating pagkamakasarili. Tayo ay nilikha Niya upang magmahal at magsilbi sa iba nang may malinis na hangarin. Nang sa ganitong paraan, gaya ng Diyos na lumikha sa atin, ay magiging ilaw din tayo sa buhay ng iba.

Sikapin nating hindi ang parangal ng tao ang ating makamit kung hindi ang parangal ng Diyos. Makinig tayo sa Kanyang Salita at sumunod. Buksan ang ating puso sa Panginoon at hayaan natin Siyang linisin ito at punuin tayo ng Kanyang lakas. Hayaan nating baguhin tayo ng pag-ibig ng Diyos. Sa Kanya lamang natin makikita ang tunay na kahulugan ng ating buhay. Pupunuin pa Niya tayo ng buhay na walang hanggan. Isang ligayang hindi lumilipas at hindi maagaw ng kahit sinuman sa mundo. Amen. +

Panalangin: Diyos na Mahabagin, alam kong nagkakamali ako sa maraming bagay. Sa halip na ikaw ay ang aking sundin, mas nasusunod ko pa ang aking sarili at ang ibang tao, at ikaw ay aking nalilimutan. Patawarin mo ako at kaawaan. Turuan mo ako ng iyong karunungan. Inaamin ko ang kahinaan ko at binubuksan ko ang aking puso upang baguhin moa ko ayon sa gusto mo. Iniaalay ko sayo lahat ng ako at lahat ng mahal ko sa buhay. Hinihiling namin ang iyong patnubay.
Sa Matamis na Ngalan ni Jesus at sa tulong ng panalangin ni Maria, aming Ina ng Awa. Amen. +

Pagpalain nawa tayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen +

Maraming Salamat sa Inyong Pagsubaybay!

Tulungan ninyo kaming ipamahagi ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pag-CLICK at SHARE nito. I-TAG na rin ang inyong mga kaibigan sa post na ito!

Copyright Reflections Written By: Admin. FMM Francesca Maria Margarita

ng Parangal ng Diyos at Hindi ng Tao”

Defend the Catholic Faith
Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.