Apologetics / Reflections Catholic Church Catholic Faith

The Four Marks of the True Church. (One, Holy, Catholic and Apostolic Church)

Photo Credit: https://i.ytimg.com/

 

Basahin muna natin ang ebanghelyo ayon ky San Mateo:
Nang dumating nga si Jesus sa mga sakop ng Cesarea ni Filipo, ay itinanong niya sa kaniyang mga alagad, na sinasabi, Ano baga ang sabi ng mga tao kung sino ang Anak ng tao? At kanilang sinabi, Anang ilan, Si Juan Bautista; ang ilan, Si Elias; at ang mga iba, Si Jeremias, o isa sa mga propeta. Kaniyang sinabi sa kanila, Datapuwa’t, ano ang sabi ninyo kung sino ako? At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay. At sumagot si Jesus at sa kaniya’y sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagka’t hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit. – Mateo 16:13 – 19.
Ang Mabuting balita ayon ky San Mateo, Pinupuri kanamin panginoong Hesu Cristo.
ONE – Mga kapatid napakalinaw sa binasa nating ebanghelyo na ang nagtatag ng Iglesia ay Panginoong Hesu Cristo at ito ay nag iisa lang ano babasahin natin ulit.
At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig labanil sa kaniya. – Mateo 16:18
Ibig sabihin po nun nag iisa lang AKING IGLESIA I will build my church not churches, ano hindi yan tulad ng iba na sinasabi na natalikod daw tapos my susulpot na bago na tila kabute. dagdagan pa natin.
At wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanglibutan, at ako’y paririyan sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, upang sila’y maging isa, na gaya naman natin. – Juan 17:11AB
Kita niyo ISA nag iisa lang talaga ang simbahang tinatag ng Panginoong Hesus dagdag pa natin. May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo; Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo, Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat. – Efeso 4:4-6
Yun oh, one body, and one Spirit, One Lord, one faith, one baptism, One God. LAHAT ONE. ito pa dagdag pa natin.
Bagaman tayo’y marami, ay iisa lamang tinapay, iisang katawan: sapagka’t tayong lahat ay nakikibahagi sa isa lamang tinapay. – 1 Corinto 10:17 AB
Ayun IISA or ISA san ba ginagawa yang iisang tinapay, dito sa catholic church lamang. Dumako tayo sa susunod na marka.
Holy – Holy Banal bakit naging banal? dahil ang nagtatag ay banal walang iba kundi ang Panginoong Hesu Cristo, wala naman po sigurong tutol satin na banal ang Panginoong Hesus. Ngayon my pantira itong mga sektang sulpot satin bakit pano kayo naging banal e my mga katolikong loko loko. Well hindi naman sukatan ng mga miyembro kung madumi o malinis ang importante ay yung nagtagtag bakit. basahin natin.
Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya; pang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig na may salita, Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati, na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; kundi ito’y nararapat maging banal at walang kapintasan. – Efeso 5:25 – 27
Ayun napakalinaw ano very illogical namang sabihing hindi banal ang simbahan dahil lang sa miyembrong gumagawa ng mali e hindi na banal, yung mga katolikong loko loko sila yung mga katolikong hindi sumusunod hindi na namin kasalanan kung my ganon dahil hindi naman nagkulang ang simbahan sa paalala na maging mabuting nilalang. ito pa napakalinaw na banal ang santa iglesia.
Sa lahat ninyong nangasa Roma, mga iniibig ng Dios, tinawag na MANGAGBANAL: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at Panginoong Jesucristo. – Roma 1:7
See o banal daw ang nasa Roma e alam naman natin na ang simbahang katoliko ay nasa roma hindi sa punta sta ana manila o kaya jan sa diliman quezon city. Sundan pa natin ang isa pang marka.
Catholic(Universal) – Kaunaunahan, ay nagpapasalamat ako sa aking Dios sa pamamagitan ni Jesucristo tungkol sa inyong lahat, na ang inyong pananampalataya ay bantog sa buong sanglibutan. – Roma 1:8
Kitams bantog sa buong sanglibutan, Universal e talaga naman kahit sa lugar ng muslim meron tayo e e sila ba meron? wala hanggang pilipinas lang yang mga sulpot na tila kabute jan. dagdag pa natin, Datapuwa’t kayo’y isang lahing hirang, isang makaharing pagkasaserdote, bansang banal, bayang pag-aaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan: – 1 Pedro 2:9
See nasa kaliwanagan na e e yung iglesia ni manalo nasa kadiliman pa din kaya nga nakapuwesto sila sa diliman quezon city. ? ito pa ang utos sa universal church ay ito. Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan. – Mateo 28:19-20
3 Types of Catholic or being Universal
Gawin ninyong alagad at lahat ng bansa “Catholic in Geography”.
Ganapin ang lahat ng inutos ko sa inyo, “Catholic in Doctrine” lahat po ng utos ng Panginoong Hesus kagaya ng pagtutol sa divorce dapat tinuturo ng kanyang simbahan e sa ibang relihiyon sila pa nagpapatupad ng divorce.
Sumasainyo means “Catholic in Time and Eternity”. dagdag pa ano ang pagiging universal niya ito ang sabi.
Pagkatapos nito’y nakita ko ang napakaraming tao na di kayang bilangin ninuman! Sila’y mula sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas. – Pahayag 7:9 MBB (Universal Mula sa ibat ibang bansa, lahi, wika,my hawak na palaspas).
Very Catholic Very Universal tayo lang namang mga Katoliko ang my ganyan kasi universal tayo sila aalog alog. ?. At ang pinakahuling marka,
Apostolic. Ang pader ng lunsod ay may labindalawang pundasyon at nakasulat dito ang pangalan ng labindalawang apostol ng Kordero. – Pahayag 21:14 Dahil pinili ng Panginoong Hesus ang mga Apostol kaya apostolic church at hindi sorianic, manalistic at wala ng ibang sugo pa darating dahil na sinasabi Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba’t ibang panahon at sa iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya’y ginawa ang sanglibutan; – Hebreo 1:1 – 2
Kaya yung mga leader ng mga nagsusulputang sekta nagsasabing sila daw ay sugo ay kumakalaban sa Diyos at Hindi sugo ng Diyos kundi sila’y sugo ng Demonyo.

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Homo Sexuality Marriage Samesex marriage

Same-sex Marriage and Homosexuality.

  By Coco Apologist What is Homosexuality? According to the (Catechism of the Catholic Church 2357), “Homosexuality refers to relations