Apologetics Bible Catholic Church Catholic Faith Christ Christian Faith God Religion

The True Enemies of the Church


Isang pagninilay ni Admin Coco, Apologist

Huwag nating kalimutang I LIKE at I SHARE ito!

For 2,000 years marami ng pinagdaanan ang Simbahang Katolika sa kamay ng iba’t-ibang mga sekta, relihiyon pati na rin sa mga kilala at matataas na Tao (Emperor, Presidente etc).

At hanggang ngayon the Catholic Church experience persecution, a non-stop persecution.

Pero sa aking pagninilay nilay, ang mga Anti-Katoliko kagaya ng mga Muslim, Protestante at marami pang sekta, relihiyon at iba pang Grupo. Ay masasabi kong sila ay “HINDI sila pinaka matinding kalaban ng Simbahan” alam ninyo kung ano o kung sino? Ang pinakamatinding kalaban ng Simbahan ay “ANG MGA NASA LOOB MISMO NG SIMBAHAN”.

Yes, totoo ito, ang mga nasa loob ng Simbahang Katolika ang tunay na kalaban ng simbahan.

Sila ay iba’t – ibang tao ng Simbahan. Sila ay nasa anyo ng isang Leader, Mangagaral ng Simbahan at mga miyembro.

Mga Leader ng Simbahan na tila bagang hindi umaaktong leader ng Simbahan, mga mangangaral na ang ipinangangaral ay “HINDI” mismo ang turo ng Simbahan ang itinuturo, kundi ang sa kung ano lamang ang kanilang gusto. Kahit labag na ito sa Doktrina ng Simbahan!

Ang miyembro ng Simbahan, mga miyembrong wala ng ibang sinasabi kundi “Katoliko ako proud na proud”, “Pero naniniwala ako sa mga Pamahiin at kung ano ano pa”.

Kaya itong mga Protestante na ang batikos ay tungkol sa Rebulto, Sign of the Cross, Binyag sa Baby ay mga lumang issue na matagal ng nasagot ng Simbahan. Kaya hindi na sila ang pinakamatinding kalaban ng Simbahan.

Ang pinaka matinding kalaban ng Simbahan ay ang mga nasa loob ng Simbahan.

Mga Leader na hindi nagiging leader, mga Mangangaral na hindi ipinangangaral ang turo ni Kristo, mga Ordinaryong Miyembro ng Simbahan na hindi totoo sa pagiging Katoliko nila.

Sila ang mga tunay na kalaban ng Simbahan.

Ang mga Protestante, at ibang sekta na Anti – Katoliko ay masasabi ko isa nalamang maliit na kalaban ng Simbahan.

Kaya lalo nating dapat na ipagdasal ang ating Simbahan, ang mga leader, mangangaral, at ang ating mga sarili.

Upang sa gayon ay “Hindi Tayo” mismo ang maging kalaban ng Simbahan.

Defend The Catholic Faith
Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

Leave a Reply