Daily Gospel on DCF Uncategorized

TODAY’S GOSPEL REFLECTIONS on DCF: “Ang Isang Pamilya ng Diyos”

Hulyo 24, 2018. Martes. Ika-16 Linggo ng Karaniwang Panahon.

Salmo 85: Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.

Unang Pagbasa: Mikas 7:14-15, 18-20

Yahweh, patnubayan mong gaya ng isang pastol ang iyong bayan, ang bayan na iyong pinili. Bagama’t sila’y nag-iisa sa ilang, napapalibutan naman sila ng masasaganang lupain. Hayaan mo silang manirahan at manginain sa sariwang pastulan ng Bashan at Gilead gaya noong unang panahon.

Magpakita ka sa amin ng mga kamangha-manghang bagay tulad noong ilabas mo sa Egipto ang iyong bayan.

Wala nang ibang diyos na tulad mo, O Yahweh. Pinapatawad mo ang mga kasalanan ng mga nakaligtas sa bayan mong pinili. Hindi nananatili ang iyong galit magpakailanman. Sa halip ay ipinadarama mo sa kanila ang tapat mong pag-ibig. Muli mo kaming kaaawaan. Tatapakan mo ang aming mga kasalanan at ihahagis sa kalaliman ng dagat. Patunayan mo ang iyong katapatan sa bayan ni Jacob at ang iyong pag-ibig sa angkan ni Abraham, gaya ng iyong ipinangako sa aming mga ninuno mula pa noong unang panahon.

Ebanghelyo: Mateo 12:46-50

Habang si Jesus ay nangangaral, dumating ang kanyang ina at mga kapatid. Naghihintay sila sa labas ng sinagoga dahil nais nila siyang makausap. May nagsabi kay Jesus, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid. Ibig nila kayong makausap.”

Ngunit sinabi niya, “Sino ang aking ina at sinu-sino ang aking mga kapatid?” Itinuro niya ang kanyang mga alagad at sinabi, “Sila ang aking ina at mga kapatid. Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit, iyon ang aking ina at mga kapatid.”

Pagninilay:

Tayo ay kabilang sa isang mas malawak na pamilya ng Diyos. Tayo ay Kanyang mga Anak sa pamamagitan ni Jesus at ang Diyos naman ang ating Ama. Ito nga kayang katotohanan na ito ay ating naiitindihan at tinatanggap sa ating puso? Marahil lagi tayong nakakalimot dahil sa madalas na pagmamataas natin at pag-iisip na kaya natin ang lahat nang tayo lang. Nakakalimutan nating hindi nga pala tayo nag-iisa at lahat tayo ay konektado sa isa’t isa, sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos na nagbubuklod sa ating lahat at ginagawa tayong isang pamilya ng Diyos.

Sa pamilyang ito ng Panginoon, ay walang hidwaan at pagkakaiba sa dugo, pangalan, edukasyon, yaman, at ano pa mang estado sa buhay. Ang lahat ay nagkakaisa sa iisang bagay – ang kalooban ng Panginoon. Ano nga ba ang kalooban ng Panginoon? Madalas tayong mga tao ay abala ang mga puso sa pagsunod ng ating sariling kagustuhan. Mga tanong sa isip tulad ng “Paano matutupad ang mga pangarap?” “Paano magkakaroon ng ganitong bagay, o ari-arian?”. Naitanong na nga kaya natin kung ano ang kagustuhan ng Panginoon para sa atin? Naniniwala ba tayong ang Kanyang plano, Siyang pinakamakapangyarihan at pinakamapagmahal na Diyos Ama sa lahat, ay ang may pinakamainam na plano sa ating lahat?

Ang kalooban ng Panginoon ay laging tungo sa pag-ibig. Ang tunay na pag-ibig ay hindi makasarili. Kaya naman, kung tayo ay nakakakilala ng mga tao na kapareho ng ating layunin ng kabutihan ng puso, ang magbigay, tumulong sa nangangailangan, bumisita sa may-sakit – kahit sinong tao pa, kahit sinong mahirap o may-sakit, ay nagiging malapit sa ating puso. Nakikita natin ang Panginoong Jesus sa kanila na siyang unang nagdurusa para sa ating lahat at nakikita rin naman nila si Jesus sa atin. Sa kaibuturan ng ating mga puso, alam nating iisang pamilya tayo kung tayo ay gumagawa ng kalooban ng Diyos.

Hindi man sa ganitong paraan, ay sa paglilingkod ng mabuti, sa pamilya. Ang tungkulin bilang isang mabuting ama at ina ng tahanan ay hindi madali. Araw-araw kahit pagod na sa trabaho, sa opisina o sa negosyo ay kailangan pang gampanan ang tungkulin bilang haligi at ilaw ng tahanan. Itong lahat ay magagawa lamang ng pag-ibig. Isang pag-ibig na hindi makasarili dahil dito nanunuot ang pag-ibig ng Panginoon. Ang Kanyang kalooban para sa atin sa kanya-kanyang piniling katayuan sa buhay.

Kung mas iisipin natin ang iba muna bago ang sarili, ang kapayapaan, pag-uunawaan at pagmamahal ay tinatanggap at ginagampanan natin ang ating kanya-kanyang tungkulin bilang Anak ng Diyos na kabilang sa kanyang pamilya. Hindi man tayo magkaroon ng mga magarbong gantimpala dito sa lupa. Ngunit alam natin na ang ating gantimpala ay hindi nakikita ngunit nagtatagal. Ang kayamanan at walang hanggang kaligayahan na galing sa ating Panginoon.

Panalangin: Panginoon, tulungan mo akong gumanap sa aking tungkulin na maging kalugud-lugod sa iyong paningin. Buksan mo ang aking puso at isip sa iyong kalooban at gabayan mo ako na ito’y aking maggawa at maisabuhay. Hinihiling ko ito sa iyong Matamis na Ngalan. Amen. +

Pagpalain nawa tayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen +

Maraming Salamat sa Inyong Pagsubaybay!

Tulungan ninyo kaming ipamahagi ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pag-CLICK at SHARE nito. I-TAG na rin ang inyong mga kaibigan sa post na ito!

Copyright Reflections Written By: Admin. FMM Francesca Maria Margarita

Defend the Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Uncategorized

Vanguards of Truth

To explain and defend against the malicious accusations from the enemies of the Church and to help nominal Catholics and
Uncategorized

Charity is being Christ to Man and Self

By: Luke Haskell Can you be saved without living in the transformational grace of charity? The only logical answer is NO.