Daily Gospel on DCF

TODAY’S GOSPEL REFLECTIONS on DCF: “Ang Walang Hanggang Pagpapala ng Diyos”

Hulyo 17, 2018. Martes. Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon.

Salmo 48: Ang D’yos ang s’yang nagtatanod sa kanyang banal
na lungsod.

Unang Pagbasa: Isaias 7:1-9

Nang ang hari ng Juda ay si Ahaz, anak ni Jotam na anak ni Uzias, ang Jerusalem ay sinalakay ni Haring Rezin ng Siria, at ng hari ng Israel na si Peka, anak ni Remalias, ngunit hindi sila nagtagumpay. Nang mabalitaan ng sambahayan ni David na nagkasundo na ang Siria at ang Efraim, ang hari at ang buong bayan ay nanginig sa takot na parang mga puno sa kakahuyan na hinahampas ng hangin.

Sinabi ni Yahweh kay Isaias: “Isama mo ang iyong anak na si Sear-Yasub at salubungin ninyo si Ahaz. Matatagpuan ninyo siya sa may dulo ng padaluyan ng tubig mula sa tipunan ng tubig sa itaas, sa daang patungo sa dakong Bilaran ng Tela. Ganito ang sabihin mo sa kanya: ‘Humanda ka! Huwag matakot at mabagabag. Huwag kang masisiraan ng loob dahil sa nag-aalab na poot ni Rezin ng Siria at ni Peka na anak ni Remalias; ang dalawang iyon ay parang dalawang putol ng kahoy na umuusok ngunit walang apoy.’ Nagbalak ng masama laban sa iyo ang Siria, ang Israel at ang anak ni Remalias, at kanilang sinabi:

‘Lusubin natin ang Juda, at sakupin ang Jerusalem. Gagawin nating hari doon ang anak ni Tabeel.’ Ngunit sinabi ng Panginoong Yahweh, “Hindi ito mangyayari. Sapagkat ang Siria’y mas mahina kaysa Damasco na punong-lunsod niya, at ang Damasco’y mas mahina kaysa kay Haring Rezin. Ang Israel naman ay mawawasak sa loob ng animnapu’t limang taon, at hindi na ito ibibilang na isang bayan.

Malakas pa kaysa Israel ang lunsod ng Samaria na punong-lunsod nito, at ang Samaria ay mas mahina kaysa kay Haring Peka. Ikaw ay mabubuwal kapag hindi naging matatag ang iyong pananalig sa Diyos.”

Ebanghelyo: Mateo 11:20-24

Pagkatapos, sinumbatan ni Jesus ang mga bayang nakasaksi sa maraming himalang ginawa niya roon sapagkat hindi sila nagsisi’t tumalikod sa kanilang mga kasalanan. Sinabi niya, “Kawawa kayo, mga taga-Corazin! Kawawa kayo, mga taga-Bethsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga himalang ginawa sa inyo, matagal na sanang nagdamit ng sako at naupo sa abo ang mga tagaroon bilang tanda ng kanilang pagsisisi. Ngunit sinasabi ko sa inyo, sa Araw ng Paghuhukom ay mas mabigat na parusa ang sasapitin ninyo kaysa sa mga taga-Tiro at taga-Sidon. At kayong mga taga-Capernaum, maaaring itaas ninyo ang inyong sarili hanggang langit ngunit ibabagsak kayo hanggang sa daigdig ng mga patay!

Sapagkat kung sa Sodoma ginawa ang mga himalang ginawa sa inyo, sana’y nananatili pa ang bayang iyon magpahanggang ngayon. Ngunit sinasabi ko sa inyo, sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang parusang daranasin ninyo kaysa sa mga taga-Sodoma.”

Pagninilay:

Ang Diyos ay sadyang mapagpala at mahabagin. Araw-araw ay napakarami nating tinatamasang biyaya na hindi napapansin ng karamihan. Bakit? Sapagkat madalas tayong mga tao ay binibilang kung ano ang wala tayo hindi kung ano ang mayroon tayo. Nasubukan na ba nating magpasalamat, sa bawat bagay na mayroon tayo? Mula sa ating kinakain sa araw-araw, may agahan, tanghalian, meryenda at hapunan, atin bang pinasasalamatan ang Panginoon? Samantalang ang iba ay walang makain o kaya naman ay namumulot sa basurahan ng kanilang makakain, napagtanto na ba natin ang maraming paraan ng pagpapala sa atin ng Panginoon? Ang ating bahay na masisilungan sa araw man o sa tag-ulan, nakapagpasalamat na ba tayo dito? Ngunit madalas hindi natin nakikita ang mga ito dahil laging gusto natin mas at mas pa. Sadyang hindi nakukuntento ang tao sa kanilang buhay.

Nakatuon tayo sa masasarap na pagkain, sa uso at sa mamahaling mga bagay. May ilan na kung hindi makakain sa sosyal na kainan ay naiinggit sa ibang tao. Ang totoo niyan wala sa pagkain, sa materyal na bagay o sa yaman ng mundo ngunit sa kasimplehan at kaligayahan ng ating puso. Kung ang ating mga puso ay nakatuon sa mundo at sa mga idinudulot nito, kahit kailan ay hindi tayo makukuntento. Laging may bago. Laging mayroong bagong hinahangad. Ang mga gadgets kahit gaano ka-“high tech” ito ay maluluma din, ang mga damit kahit gaano kagara ay maluluma din, ang mga pagkain kahit anong uri at sarap nito ay matutunaw din at parehong kabusugan lamang ang maidudulot sa atin. Laging mauuhaw, magugutom at bibili muli. Ngunit kung ang ating mga puso ay itutuon sa Diyos, damhin natin ang kanyang pagmamahla t pagpapala sa atin sa kasimplehan ng ating buhay. Ano nga ba ang tunay na mahalaga sa aking buhay? Kung magpapahalaga tayo sa mga bagay na hindi nakikita, tulad ng pagmamahal, pagbibigayan at pagmamalasakit sa kapwa kahit gaano ito kaliit ay napakasarap sa pakiramdam at ang memorya ng puso ay nagtatagal habang buhay.

Tayo’y magnilay ng sumandali sa ating buhay at isa-isahin ang lahat ng mayroon tayo, at pasalamatan natin ang Diyos sa bawat isang bagay na iyon. Alam kong hindi tayo mauubusan ng kakabilang. Mula sa mabuting kalusugan, damit na masusuot, magulang, kaibigan, trabaho, matinong pag-iisip lahat ng ito ay biyaya ng Diyos.

Ang himala ay nasa araw-araw nating pamumuhay, bakit kaya sa lahat ng maaring pagkakataon ay nagkataong diyan ka nilagay ng Panginoon kung nasaan ka man ngayon? May pakay ang lahat ng bagay. Maging ang ating pagkatao ay isang himala. Ang katawan ng tao ay isang misteryosong bahagi ng siyensang hindi pa lubusang natutukoy ng tao. Maraming tanong na walang pang sagot. Diyos lamang ang pinagmumulan ng lahat. Ngunit kung makita natin ang kabutihan ng Diyos sa lahat ng bagay. Mapupuno tayo ng pagsisisi sa ating mga pagkakamaling ginawa dahil mas ginugusto natin ang mga yamang nauubos at ang mga bagay na pangsariling kapakanan lamang.
Samantalang lubhang napakabuti ng Diyos higit sa lahat na kahit hindi natin siya mahalin tulad ng pagmamahal Nya sa atin ay patuloy pa rin Niya tayong binibigyan nang biyaya sa ating buhay.

Panalangin: Panginoon, kaawaan mo ako at patawarin sa aking kahinaan. Lubos kitang pinasasalamatan sa lahat ng bagay na iyong ibinigay sa akin. Ang aking pagkatao, ang aking buhay at mga mahal sa buhay. Lahat ng ako at lahat ng sa akin ay sa iyo. Gawin mo ang iyong kalooban sa min. Buksan mo ang aming puso upang lalo ka naming ibigin at pasalamatan magpasawalang hanggan. Hinihiling namin ito sa iyong Matamis na Ngalan sa tulong ni Maria Ina ng Awa. Amen. +

Pagpalain nawa tayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen +

Maraming Salamat sa Inyong Pagsubaybay!

Tulungan ninyo kaming ipamahagi ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pag-CLICK at SHARE nito. I-TAG na rin ang inyong mga kaibigan sa post na ito!

Copyright Reflections Written By: Admin. FMM Francesca Maria Margarita

Defend the Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Daily Gospel on DCF

SUNDAY’S GOSPEL REFLECTIONS: “Ang Pagpapakasakit ng Panginoon”

Marso 25, 2018. Linggo ng Palaspas (Palm Sunday). Salmo 22: “D’yos ko! D’yos ko! Bakit naman ako’y yong pinabayaan. Ebanghelyo:
Bible Catholic Church Catholic Faith Christ Christian Daily Gospel on DCF God Religion

TODAY’S GOSPEL REFLECTIONS on DCF: “Ang Pagtanggap Kay Jesus sa Bethania”

Marso 26, 2018. Lunes Santo. Salmo 27: Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan.  Ebanghelyo: Juan 12:1-11. Binuhusan ng Pabango ang