Catholic Church News

[Viral] Mga pasaway na vendors, sinampolan ng Pari


Viral ngayon sa social media ang video na di umanoy isang Pari ay galit na galit habang pinapaalis ang mga vendor na humaharang sa mga magsisimba.

Ayon sa kumuha ng Video galit na galit ang Pari sa mga vendor at pinagtatapon ang mga paninda nila sa daan at pinagmumura sila nito ayon sa nag post ng nasabing viral video.

Nagkataon naman ang isang Admin dito sa DCF ay taga Guibang si Admin Peter ay sumagot sa paratang ng nag post ng video sa social media.

“ALAM NG LAHAT NG TAONG NAGAGAWI SA OUR LADY OF THE VISITATION PARISH – GUIBANG NA LAHAT NG PAPASOK SA PALANG SA SIMBAHAN AY HINAHARANG NINYO KAAGAD PARA MAKAPAGBENTA NG KUNG ANO MANG BINEBENTA NINYO AT MADALAS SUSUNDAN NINYO HANGGANG MAKAPASOK SA LOOB NG SIMBAHAN. Alam ko dahil TAGA DITO AKO!”

Ayon kay Admin Peter hinaharang na ng vendors ang mga papasok palang ng simbahan at sinusundan pa nila ito hanggang pag pasok sa loob ng simbahan.

Pangalawa, matagal na kayong nasasabihan na wag nang mag pwesto sa TAPAT ng SIMBAHAN dahil tuwing pista ay NAPUPUNO NG TAO HANGGANG SA TAPAT NG SIMABAHAN na halos umabot na sa daanan (taon taon nga diba?). Ngunit anong natutunan ninyo?

Ayon narin kay Admin Peter taon taon na silang sinasabihan na huwag haharangan ang tapat ng simbahan dahil lagi ito napupnuno ng mga deboto at tuwing may pista. Kaya galit na galit ang Pari at pinag sabihan sila nito. Basahin pa ang huling statement ni Admin Peter.

Pangatlo, alam mo bang ang nasasaklaw ng selebrasyon ng banal na misa ay hanggang sa kahuli-hulihang taong nakikibahagi nito? Hindi porke nasa labas ng Simbahan ay hindi na kabahagi ng MISA. Kaya naman ang pinupwestuhan ninyong tapat ng SIMBAHAN ay PARTE PARIN ng idinadaos na MISA! At hindi ka pwedeng magbenta sa Misa. Alam niyo dapat yan. BAWAL YUN!

Wag nating gawing dahilan ang KAHIRAPAN para gumawa ng BAWAL. Ang MASAMA ay mananatiling masama ano man ang karangyaan ng gumagawa nito.

Walang respeto? Sino? Kayo!
BASA!

Mateo 21:12-13
“Pumasok si Jesus sa templo, at itinaboy niya ang lahat ng nagtitinda at namimili sa templo, at ibinaligtad niya ang mga mesa ng mga mamamalit ng salapi, at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati.

Sinabi niya sa kanila, “Nasusulat, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan,’ ngunit ginagawa ninyo itong yungib ng mga magnanakaw.”

READ THE OFFICIAL STATEMENT OF FR. GREG UANAN REGARDING THE INCIDENT:

 

Defend the Catholic Faith
Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.