Apologetics Bible Catholic Church Catholic Faith

WHY I AM NO LONGER A CATHOLIC TODAY

Photo Credit: nytimes.com

 

By: Pastor Manny
———————————————————
Note: Kindly read the whole post, thanks.
———————————————————
I would apologize sa lahat ng mga followers ng page. Alam ko na meron sa inyo na matagal ng nakasubaybay sa page namin at nakakakita ng posts ko pero ito na ang magiging huling post ko as an admin kasi I believe in truth, and I realized na I was wrong for a long time na naging admin ako.
.
It started nung may nakausap akong born-again Christian at sinabi ko sa kanya na he’s welcome to change my mind, and then, suddenly, parang it’s a miracle na ngayon ko lang nalaman na mali ang Catholic Church sa buong buhay ko na naging Catholic. Sinabi niya na if I believe sa mga Catholic teachings, then I’m wrong because by definition, CATHOLIC CHURCH IS THE FALSE CHURCH. So, if a doctrine sounds too Catholic, by definition, IT IS FALSE. And I was like, oo nga no, that is a consistent argument. Rather than tignan ko ang defense ng Catholic Church, I will assume the Catholic Church is false and everything that she teaches is FALSE. This is not circular reasoning, believe me, and if you don’t believe me, YOU’RE WRONG at magtatayo ako ng sarili kong denomimnation kasi mali ang born-again na kausap ko, mali kayo at ako lang ang tama at gusto ko kayo mapunta sa heaven by leaving the Catholic Church. Iniisip ko pa ang name ng bagong sect na itatayo ko, maghahanap muna siguro ako ng name sa Bible and claim na since ang name ng bagong denomination ko ay nasa Bible, by my CONSISTENT definition, tama ako at mali ang Catholic Church. Anyway, baka naman isipin niyo na yun lang ang reason kung bakit ako aalis sa Catholic Church. Meron pa akong at least 3 reasons na babanggitin below.
———————————————————
Reason #1: The Gates of Hell Prevailed
There was a lie na pinaniwalaan ko for the longest time as a Catholic. Yun yung belief na the Catholic Church ay existing for 2,000 years. I mean, think about it. JESUS CAN’T DO THAT. Jesus cannot guide His own Church. Kakatayo Niya lang ng Church and OBVIOUSLY, hahayaan Niya lang yun mafall away. In fact, wala naman sinabi sa Bible na the gates of hell shall not prevail against His Church. Wala yun sa Bible. Imbento lang yun ng Catholic Church para mapaniwala kayo na sila ang totoo kasi yun lang ang positive sa Catholic Church na nag-exist sila at least since AD 100 pa other than the Orthodox Church na almost same sa Catholic Church sa doctrines at tulad ng sinabi ko sa taas, BY DEFINITION, they are both wrong rather than both right kasi they interpret things different from I do. Ang bottom line ay, tinayo ni Jesus Christ ang Church kahit na alam niya mag fafall away ang buong Church kasi alam Niya na yun ang interpretation ko at alam Niya na ako lang ang makakapag-balik ng tunay na Church na tinayo ni Jesus Christ salamat kay Luther even though na against din ako kay Luther dahil marami rin siyang mali at ako lang ang tama and hopefully, maging tama rin kayo dahil ayokong ako lang ang nasa heaven. The fact is that the gate of hell prevailed. It’s a HISTORICAL AND BIBLICAL FACT.
.
Matthew 16:18
18 And I tell you, you are Peter, and on this rock I will build my church, and the gates of hell shall not prevail against it.
———————————————————
Reason #2: I Hate Mary
Let’s be clear guys. Nung Catholic pa ako, sobra ang emphasis kay Mary. Like, nanay LANG naman siya ni Jesus Christ. If mahal mo si Jesus Christ, hindi mo dapat mahalin si Mary. I mean, think about it in this way. If may mahal kang tao, mahalin mo lang yung taong yun. Sa mga may-asawa, makakarelate dito pati na rin sa mga in a relationship tulad ko. Mahalin niyo lang yung girlfriend or boyfriend or asawa niyo, huwag na yung pamilya niya kasi syempre, magseselos yung minamahal niyo kung pati pamilya nila, mahal mo rin. Para maemphasize ang pagmamahal niyo sa kanya, dapat HATE mo na ang ibang tao, maappreciate niya pa yun in fact. Kapag may pictures kayo ng nanay nila, sirain niyo yun. Kapag may pictures ng parents ang sinisinta niyo, itapon niyo yun, tiwala lang, maappreciate nila yun kasi yun ang TRUE LOVE. Ang problema kasi sa Catholic Church, sinasabi nila na dapat, mahalin mo si Mary at mas mahalin mo si Jesus. That’s nonsense. Jesus is God, and you should love God ALONE. Walang sinabi sa Bible na you should love your neighbors, love God lang ang nakalagay. As far as I know, after ko basahin yung passages at verses na pinabasa sa akin ng born-again na friend ko (even though mali siya at ako lang ang tama sa buong mundo), at even though hindi ko pa nababasa ang buong Bible pero naniniwala ako na biblical ako, mali yung idea na yun. Sa analogy ko pa lang, obvious na mali na ang Catholic Church. Ang problem sa Catholic Church ay ang history nila. Binanggit ko na sa unang reason ko na mali ang idea na the gates of hell did not prevail. Ang sa case ng Catholic Church, sa buong history nila (including ng early Church history), they loved Mary, and they honored her. Meron pa silang veneration na hidni ko alam ang meaning pero iaassume ko na ang ibig sabihin ay idolatry even though sinasabi niyo na hindi yun idolatry, I don’t really care, idolatry pa rin yun. Walang generation na magbibigay ng honor kay Mary. Take note, nasa Bible ang sinasabi ko.
.
Luke 1:48
48 for he has looked on the humble estate of his servant. For behold, from now on all generations will call me blessed;
———————————————————
Reason #3: Jesus Taught Divorce
For some reason, napapansin niyo ba na lagi na lang against ang Catholic Church sa lahat ng ikagaganda ng Pilipinas? I mean, bakit ba na kahit sa divorce, against sila? Ok, alam ko, gumawa na ako ng articles about divorce back then. I’m sorry. I WAS WRONG. Yung dalawang articles ko na makikita niyo ang link sa baba, those were all wrong. Yung article ko kung saan sinabi ko na against sa law ang divorce, don’t believe it. Ang divorce ay hindi unconstitutional even though sinabi ng 1987 Constitution na ang marriage ay isang inviolable social institution [1]. The word “inviolable” means to not be broken. Yeah, I know, the constitution is against divorce, but do you know why I’m right? Because I SAID SO. I don’t make mistake by the way. I really don’t care kung ano ang sinasabi ng constitution, CHANGE THE CONSTITUTION THEN para hindi na yun unconstitutional, end of the story. Even ang Separation of Church and State that is “inviolable”, break the separation then because I’m consistent that I don’t care whether it’s inviolable or not. Sa lahat ng mga pro-divorce tulad ko, we should promote the idea of having the rights to vote by being part of “The Church of the Living God Pastor Manny” (that will be my new sect, biblical yun dahil nasa Bible ang The Church of the Living God, may unting credits lang sa akin syempre cause I want fame) because we don’t care about the separation of Church and State given that we don’t care whether something is “inviolable” or not. Pero, since I mentioned that Jesus taught divorce, yeah, believe it. Jesus wanted us to have true love to the extent that He wanted us to have freedom. Jesus wanted us to break the vow that married couple made in front of God. Jesus wanted people to learn how to destroy the value of following the vow because Jesus promoted the idea that “Vows are meant to be broken.” In fact, ang relationship ni Jesus sa Church ay parang marriage, nag-DIVORCE somewhere na hindi ko alam kung kailan because Jesus did not mean what He said and when He made a promise to the Church, tiwala lang, promises are meant to be broken. In fact, based sa pagbabasa ko ng bible for the first time, naalala ko na sinabi ni Jesus na “what God joined together, let man separate.” In fact, sinabi din NIya na, “whoever divorces his wife and married another does not commit adultery because it’s freedom and true love.”
.
Matthew 19:6
6 So they are no longer two but one flesh. What therefore God has joined together, let not man separate.”
.
Matthew 19:9
9 And I say to you: whoever divorces his wife, except for sexual immorality, and marries another, commits adultery.”
———————————————————
A lot of things happened within this week na made me realize to confess sa inyo na hindi na ako magiging Catholic. I think na kailangan natin sundin ang sinabi ng Bible rather than sa mga teachings na sinabi sa atin nung Catholic pa tayo dahil unbiblical ang mga yun as I proved in this post. I am hoping na if you think I am wrong, don’t argue with me kasi discrimination yun. Respect lang sa beliefs ko even though hindi ko kayo nirerespect. Don’t judge me even though I judge you na hindi kayo mapupunta sa heaven. Hindi pa huli ang lahat, sabay-sabay natin iwanan ang Catholic Church ngayon April Fool’s Day. God bless.
.
References:
[1] https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/the-1987-constitution-of-the-republic-of-the-philippines/the-1987-constitution-of-the-republic-of-the-philippines-article-xv/
Articles Mentioned:
IN GOOD TIMES AND IN BAD, TILL DEATH DO US PART https://www.facebook.com/dcfvanguardsoftruth/photos/a.1926587387565553/2833999200157696/?type=3&theater&hc_location=ufi
SHOULD FILIPINOS SUPPORT THE DIVORCE BILL IN THE PHILIPPINES?
https://www.facebook.com/dcfvanguardsoftruth/photos/a.1926587387565553/2810414242516192/?type=3&__tn__=-R
SHOULD CATHOLICS SUPPORT THE DIVORCE BILL IN THE PHILIPPINES?
https://www.facebook.com/1926549144236044/posts/2814919912065625/

P.S: Hindi pa ako in a relationship, lol.

Defend The Catholic Faith
Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.