Apologetics Bible Catholic Church Catholic Faith

YES, MARY WAS IMMACULATE pt4: A RESPONSE TO INC MINISTER

 

 

By: Pastor Manny
.
Ito na ang huling parte ng series ko kung saan nagbigay ako ng sagot sa ministro ng INC na hindi naniniwala sa Immaculate Conception. Kung ating maalala, sa unang post ko, nagbigay ako ng bible verse kung saan makikita ang dogma natin sa Genesis 3:15 [1]. Sa pangalawang post ko naman, makikita natin ang Immaculate Conception sa Sacred Tradition kung saan may ganap na development sa understanding ng holiness ni Mary [2]. Sa huling post ko naman, pinakita ko kung paano tayo pwede maniwala sa Immaculate Conception sa pamamagitan ng logical arguments [3]. Kahit na may mga proofs na tayong binigay para sa Immaculate Conception sa Bible, Tradition at Logic, hindi pa to sapat sa iba. Tulad ng ibang non-Catholics, nagbigay ng objections ang ministro ng INC. May dalawang objections na binanggit ang ministro, at tatalakayin natin iyon ngayon.
————————–————————–
Objection 1: Original Sin is Unbiblical
Ang paniniwala ng Immaculate Conception ay base sa paniniwala natin na hindi nagkaroon ng stain of original sin si Mary noong siya ay naconceive. Kaso, hindi naniniwala ang INC at ang ministro sa katuruan ng Simbahan tungkol sa original sin. Ito ang sabi niya:
.
“Therefore, sin cannot be inherited. The “ORIGINAL SIN” or the sin of Adam CANNOT BE INHERITED by anyone. That was his sin and such sin is not the sin of those who are innocent of his transgression. Or else, God will be unjust [4] [emphasis added].”
.
Nagbigay siya ng bible verse kung saan ginamit niya na evidence ng pinaniniwalaan niya ay ang Deuteronomy 24:16. Ito ang sinabi ng Deuteronomy.
.
Deuteronomy 24:16
16 “The fathers shall not be put to death for the children, nor shall the children be put to death for the fathers; every man shall be put to death for his own sin.
.
Tama ang sinabi nila kung ang kanilang ibig sabihin ay ang kasalanan ng aking magulang ay hindi ang aking kasalanan. Halimbawa, kung ang isang tao ay nagkasala ng murder, hindi ibig sabihin na kapag nagkaroon siya ng anak ay mamamatay tao na ang anak kahit na sanggol pa lang ito. Naniniwala tayo na ang actual personal sin ng isang tao ay hindi napapasa. Kaso, iba ang actual personal sin sa original sin. Ito ang paliwanag ng Catholic Church. The Catechism of the Catholic Church said:
.
404 How did the sin of Adam become the sin of all his descendants? The whole human race is in Adam “as one body of one man”… By yielding to the tempter, Adam and Eve committed a personal sin, but this sin affected the human nature that they would then transmit in a fallen state.294 It is a sin which will be transmitted by propagation to all mankind, that is, by the transmission of a human nature deprived of original holiness and justice. And that is why original sin is called “sin” only in an analogical sense: it is a sin “CONTRACTED” and NOT “COMMITTED” – a STATE and NOT AN ACT [5] [emphasis added].
.
Hindi lang guilty ng misrepresentation ang ministro dahil mali ang pagkakaunawa niya ng original sin. Klaro din sa Bible na tama ang paniniwala sa original sin. Alam natin na sinless si Adam and Eve nung sila ay ginawa ng Diyos kaya ang ibig sabihin ay meron silang grace ng Diyos. Alam natin na pagkatapos nila magkasala, nag iba ang “state” ng kanilang human nature kung saan nakaranas na sila ng suffering, kamatayan at iba pa (Genesis 3:16-20). Dahil iba na ang state ng human nature ni Adam and Eve, alam din natin na wala na sa kanila ang grace ng Diyos, lalo na dahil sa kanilang pagkakasala (Genesis 3:6). Alam din natin na lahat tayo ay may fallen human nature dahil ang ating flesh ay mahina (Matthew 26:41). Kung lahat tayo ay naconceive at pinanganak na may fallen human nature, at ang pagkakaroon ng fallen human nature kay Adam and Eve ay representation na wala silang grace, ibig sabihin, tayo ay naconceive ng walang grace ng Diyos.
————————–————————–
Objection 2: All Men Sinned
Bukod sa objection niya sa original sin, naniniwala siya na lahat ng tao ay nagkakasala at hindi exception si Mary. Ito ang sabi ng ministro:
.
“Even the Apostle Paul and Peter, from whom the Catholic Church claims to have received authority in the pronouncement of the Immaculate Conception contradict this Catholic teaching. In the very words of Apostle Paul, MARY, the mother of the Lord Jesus Christ, was NOT EXEMPTED [4] [emphasis added].”
.
Ang ginamit niyang bible verse ay makikita sa Romans 3.Ito ang makikita natin.
.
Romans 3:23
23 since ALL HAVE SINNED and fall short of the glory of God [emphasis added].
.
Marami ang hindi naniniwala sa Immaculate Conception dahil naniniwala sila na lahat ng tao ay nagkakasala. Kaso, hindi lahat ng tao ay nagkakasala. John Stute, a Catholic philosopher, said:
.
“Even if this did speak to the sinfulness of individuals it does not follow that all individuals have sinned for there are many examples of people who have not sinned. Our Lord is the most obvious example but there are also examples of the UNBORN, people with SEVERE MENTAL HANDICAPS, the VERY YOUNG, and ANYONE who is altogether HINDERED IN THEIR REASONING or voluntary faculties which reduces their culpability for sin to nothing. Given these clear exceptions, it is NOT IMPOSSIBLE that Mary be excluded from the number of sinners– even given the faulty interpretation assumed in the objection [6] [emphasis added].”
.
Klaro na may mga hindi lahat ay nagkakasala tulad ng mga unborn, mentally challenged at iba pa. Dahil dun, mali ang paniniwala niya na si Hesus lang ang hindi pa nagkasala sa lahat ng mga tao. Ang tanong ay, paano natin malalaman na exemption din si Mary? Dito na papasok ang mga argumento natin galing sa Bible, Sacred Tradition at sa Logic [1] [2] [3].
————————–————————–
Alam natin na maraming mga maling turo ang INC, at alam din natin na may mga naniniwala pa rin sa kanila, kahit na mga Katoliko. Sana, nakatulong ang series na to sa mga Katoliko na may issues pagdating sa pag-unawa sa dogma ng Immaculate Conception. At, huwag natin kalimutan na ipagdasal ang Katoliko na nag convert sa INC at kahit mga taga INC mismo. Hopefully, they will join us proclaiming the holiness of our Mother.
.
References:
[1] https://www.facebook.com/dcfvanguardsoftruth/posts/3227246717499607?__tn__=K-R
[2]https://www.facebook.com/dcfvanguardsoftruth/photos/a.1926587387565553/3228318010725811/?type=3
[3]https://www.facebook.com/dcfvanguardsoftruth/photos/a.1926587387565553/3233716036852675/?type=3
[4]https://www.facebook.com/photo.php?fbid=2978445878887468&set=a.720889691309776&type=3
[5] https://www.vatican.va/archive/ccc_css/archive/catechism/p1s2c1p7.htm
[6] https://scottmsullivan.com/disputing-marys-immaculate-conception/

Defend The Catholic Faith
Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.