Bible Catholic Church Catholic Faith Christian Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Nilalaman ng Puso”

Agosto 23, 2022. Paggunita kay Santa Rosa de Lima, dalaga.

Subscribe to Awit at Papuri Communications Channel.

Memorial of St. Rose of Lima, Virgin (White).

Secondary Patroness of the Philippines
Mga Pagbasa mula sa
Martes ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon.

UNANG PAGBASA
2 Tesalonica 2, 1-3a. 14-17
Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica

Tungkol naman sa pagparito ng ating Panginoong Hesukristo at sa pagtitipon niya sa atin, ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, na huwag kayong magugulat agad o mababahala sa balitang dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong maniniwala kahit sabihin nilang ito’y hula o pahayag, o kaya’y sulat na galing sa amin o sa anumang paraan, huwag kayong padadaya kaninuman.

Tinawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahayag namin sa inyo upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Hesukristo. Kaya nga, mga kapatid, manatili kayong matatag sa mga katotohanang itinuro namin sa inyo, maging sa salita o sa sulat.
Aliwin nawa kayo ng ating Panginoong Hesukristo at ng ating Diyos at Ama na umibig sa atin at sa kanyang habag ay nagbigay sa atin ng walang pagbabagong lakas ng loob at matibay na pag-asa. Bigyan nawa kayo ng matatag na kalooban upang inyong maipahayag at maisagawa ang lahat ng mabuti.
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 95, 10. 11-12a. 12b-13
Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

MABUTING BALITA
Mateo 23, 23-26
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ibinibigay ninyo ang ikapu ng gulaying walang halaga ngunit kinaliligtaan ninyong isagawa ang lalong mahahalagang araw sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan. Tamang gawin ninyo ang mga ito, ngunit huwag naman ninyo kaliligtaang gawin ang iba. Mga bulag na taga-akay! Sinasala ninyo ang niknik sa inyong inumin, ngunit nilulunok ninyo ang kamelyo!

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Nililinis ninyo ang labas ng tasa at ng pinggan ngunit ang loob nito’y puno ng mga nahuthot ninyo dahil sa kasakiman at pagsasamantala. Bulag na Pariseo! Linisin mo muna ang mga nasa loob ng tasa at ng pinggan, at magiging malinis din ang labas nito!”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Maligayang Paggunita po kay Santa Rosa de Lima! Ang tungkol sa kanyang buhay po ay mababasa sa link pagkatapos ng pagninilay na ito. Ang kahalagahan ng kalooban ay mas mahalaga kaysa sa panlabas. Subalit malimit ang tao tumingin sa panlabas kaysa sa kalooban. Palibhasa’y mas madaling makita ang panlabas. Kapag tumingin tayo sa tao, ito ang una nating nakikita. Ang kalooban ay kailangan pa ng oras at panahon para tuluyang makita at malaman. Ang Diyos naman ay baliktad. Siya ay tumitingin sa ating kalooban. Kung ano ang ating tinatago sa iba, alam ito ng Diyos.

Alam Niya ang kaibuturan ng ating mga puso at isipan. Wala tayong maitatago sa Kanya. Kaya para sa Kanya, mas mahalaga na malaman natin kung gaano kahalaga na pagandahin natin ang ating kalooban. Paano ito? Sisimulan natin sa mabubuting iniisip, sa mabubuting sinasabi at sa mabubuting ginagawa. Kung ganito ay maisasapuso natin ang sinasabi Niyang “katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan.” Ang kaloobang tunay na mabuti at maganda ay nasa puso lagi ang pagtulong sa kapwa dahil siya’y nahahabag.

At hindi lamang siya basta nahahabag subalit ang habag na ito ay tumutulak sa kanya upang kumilos. Mukhang mahirap man ito ngunit gustuhin lamang natin at tutulungan tayo ng Diyos sapagkat walang imposible sa Kanya. Amen. +

Buhay ni Santa Rose de Lima: https://tl.traasgpu.com/talambuhay-ni-saint-rose-ng-lima/

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?