Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Pagbibigay Ngayon”

 

Disyembre 9, 2023. Sabado ng Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon
o kaya Paggunita kay San Juan Diego

MABUTING BALITA
Mateo 9, 35 – 10, 1. 6-8
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nilibot ni Hesus ang mga bayan at nayon at nagturo sa mga sinagoga. Ipinangaral niya ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos, at pinagaling ang mga may sakit, anuman ang kanilang karamdaman. Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila’y lito at lupaypay, parang mga tupang walang pastol.

Kaya’t sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Sagana ang anihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng anihin na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang anihin.”

Tinipon ni Hesus ang labindalawang alagad at binigyan ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman.

Sila’y pinagbilinan ni Hesus: “Hanapin ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel. Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga ketongin at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Sabado po sa ating lahat! Anu-ano ang mga natanggap nating biyaya mula sa Panginoon? Dapat ito ang binibilang natin, hindi ang mga kasawian sa buhay. Madalas dahil sa pagiging maglungkot, nakakalimutan na natin ang mga ginawang mabubuti ng Diyos sa atin. Ang mga alagad ay nakatanggap din ng malalaking biyaya mula sa Diyos. Ang natatanggap nila ang ipinamamahagi sa iba. Sana ngayong malapit na magpasko, alalahanin din natin ang mga mas naghihirap kaysa sa atin. Kung ano ang kaya natin mula sa mayroon tayo, bahaginan natin sila.

Walang hanggan ang magiging gantimpala natin sa Diyos mawalan man tayo ngayon dahil tayo ay nagmahal at nagbigay. Hindi man tayo nakakagawa ng himala gaya ng mga santo, ang pag-ibig at pagbibigay natin ang makakapagpabilis magpagaling ng maysakit, mabubuhayan ng loob ang mga nawawalan ng pag-asa sa buhay dahil sa hirap at mamamayani ang mabuti. Nagwawagi ito laban sa masama tuwing may sumusunod sa Diyos.

Ang mabuti’y magsisimula sa atin. Ang paghahari ng Diyos ay narito na. Kapag tayo’y gumagawa ng mabuti, ipinapahayag natin ito. Ito nawa ang isa sa maging gawain natin ngayon, hindi lamang ang pag-atupag sa sarili, handaan o materyal na bagay. Asikasuhin din natin at gampanan ang ating responsibilidad bilang mga anak ng Diyos. Ang siyang tunay na magdadala sa atin sa Langit.
Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?