Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Pagpapalang Walang Hanggan”

 

Ika-23 ng Disyembre
(Simbang Gabi)

MABUTING BALITA
Lucas 1, 57-66
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Dumating ang oras ng panganganak ni Elisabet, at nagluwal siya ng isang sanggol na lalaki. Nabalitaan ng kanyang mga kapitbahay at mga kamag-anak na siya’y pinagpala ng Panginoon, at nakigalak sila sa kanya.

Nang ikawalong araw, dumalo sila sa pagtutuli ng sanggol. Zacarias sana ang ipangangalan sa kanya – gaya ng kanyang ama – ngunit sinabi ng kanyang ina, “Hindi! Juan ang ipangangalan sa kanya.” “Subalit wala isa man sa iyong mga kamag-anak ang may ganyang pangalan,” wika nila. Kaya’t hinudyatan nila ang kanyang ama at itinanong kung ano ang ibig niyang itawag sa sanggol. Humingi siya ng masusulatan at sumulat ng ganito: “Juan ang kanyang pangalan.”

At namangha silang lahat. Pagdaka’y nakapagsalita siya at nagpuri sa Diyos. Natakot ang lahat ng kanilang kapit-bahay, anupat naging usap-usapan sa buong kaburulan ng Judea ang mga bagay na ito. Pinakaisip-isip ito ng lahat ng nakaalam at ang kanilang tanong: “Magiging ano nga kaya ang batang ito?” Sapagkat maliwanag na sumasakanya ang Panginoon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Sabado po sa ating lahat! Lahat po tayo’y may biyaya ng Diyos lalo na noong tayo’y nabinyagan. Ano ba ang humaharang sa mga grasya sa ating buhay? Ang kasalanan, ang kasamaan at pagsuway sa Diyos. Sa tuwing sinusunod natin ang pagkamakasarili, pagmamataas sa desisyon at pagiging tamad o ano pang masama sa buhay, hinaharangan natin ang grasya ng Diyos. Halimbawa, maraming mga taong pinipiling manloko o manlamang kahit sa maliliit na bagay para lamang mas kumita.

Sa ganitong paraan ng pagpili sa masama, maaring unti-unti silang mawala sa pabor ng Diyos hangga’t hindi nagbabago. Maaring makuha nila ang gusto nila na pera subalit ang kaluluwa nila’y unti-unting napapahamak kaya hindi dapat tayo pasisilaw sa mga ibang taong gumagawa ng mali at tila nagtatagumpay sa panlabas. Mayroon silang paghuhusgahang kakaharapin.

Ang isa’y sa pagkamatay at pagbabayaran nila roon anumang kasalanang ginawa kapag hindi sila nagbago. Ang ikalawa’y sa wakas ng panahon. Ito ang ating inaaalala ngayon sa pagdiriwang ng unang pagdating ni Hesus, na darating Siya muli sa wakas.

Kailangan tayo’y maging tulad ni Juan na ang ngalan ay nangangahulugang “Diyos ay Mapagpala”. Sa ebanghelyo siya’y pinapaboran ng Diyos mula umpisa at hanggang sa huli. Siya’y naging matapat at tunay na puno ng pagpapala dahil ginawa niya ang kanyang misyon nang may kabanalan kahit pa ang kapalit ay kanyang buhay. Tayo ba, ano na ang nagawa natin at naibigay para matupad ang misyong bigay sa atin ng Diyos?

Nawa’y tulad ni Juan, magampanan natin ito hanggang sa huli anuman ang maging kahinatnan. Nawa’y sa dulo, maging tunay tayong kapiling ng Diyos sa Langit.

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?