
Ang “Ama Namin” ay napakahalaga sa ating buhay pananampalataya sapagkat ito ang dasal na Diyos mismo ang nagturo sa atin. Nadadasal natin ito, lalo nat kung nagrorosaryo tayo at sa Misa. Kung minsan nga lang ay baka hindi na taimtim ang pagdasal natin ng “Ama Namin” sapagkat tila ba “memorized” na natin ang dasal na ito. Sa iba, mas gusto nila ang sarili nilang dasal kung ikukumpara dito. Kahit walang masama magkaroon ng sariling dasal sa Diyos, at ito ay ikatutuwa Niya, tandaan natin na ang tunay na tagasunod ni Kristo ay dinadasal ang “Ama Namin” ng taimtim at isinasabuhay ito. Ito ang dasal na nagtuturo sa ating kung paano maging banal sa pamamagitan ng pagmamahal sa Diyos, pagbibigay puri sa Kanya, pagsunod sa Kanyang kalooban, paghangad ng Kanyang kaharian, paghingi ng tawad sa kasalanan at pag-iwas sa mga tukso o temptasyon. Bilang mga anak ng Diyos, mahalin natin Siya ng buong buo. Sinabi ni St. Louis de Montfort,
TWELFTH ROSE: THE OUR FATHER, PART 1
“The Our Father contains all the duties we owe to God, the acts of all the virtues and the petitions for all our spiritual and corporal needs. Tertullian says that the Our Father is a summary of the New Testament. Thomas à Kempis says that it surpasses all the desires of all the Saints; that it is a condensation of all the beautiful sayings of all the Psalms and Canticles; that in it we ask God for everything that we need; that by it we praise Him in the very best way; that by it we lift up our souls from earth to Heaven and unite them with God.
Saint John Chrysostom says that we cannot be our Master’s disciples unless we pray as He did and in the way that He showed us. Moreover God the Father listens more willingly to the Prayer that we have learned from His Son rather than those of our own making which have all our human limitations.”
Nawa’y pagpalain tayo ng Diyos sa pamamagitan ng makapangyarihang panalangin ni Birheng Maria na ating Ina. Amen +
Kung kayo’y interesado basahin ang “Secret of the Rosary” ni St. Louis De Montfort, pumunta kayo sa link sa ibaba:
https://www.ecatholic2000.com/montfort/rosary/rosary.shtml
Kung nais ninyo malaman kung paano magdasal ng rosaryo, maaari kayong pumunta sa link sa ibaba:
https://mycatholic.life/catholic…/the-most-holy-rosary/
Kung nais ninyo malaman kung papaanong ang rosaryo ay hindi taliwas sa Bibliya, maaari kayong pumunta sa link sa ibaba:
https://www.facebook.com/1926549144236044/posts/3933980100159595/
Kung nais ninyo makita ang mga sagot sa kadalasang sinasabi ng iba na mali raw humingi ng tulong sa mga santo, maaari kayo magpunta sa link sa ibaba:
https://www.catholic.com/magazine/print-edition/how-to-defend-the-intercession-of-the-saints

