Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “PAG-IBIG NG DIYOS”

Mayo 18, 2025

Ika-5 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

MABUTING BALITA
Juan 13, 31-33a. 34-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Pagkaalis ni Judas mula sa Huling Hapunan, sinabi ni Hesus, “Ngayo’y mahahayag na ang karangalan ng Anak ng Tao; at mahahayag din ang karangalan ng Diyos sa pamamagitan niya. At kung mahayag na ang karangalan ng Diyos, ang Diyos naman ang maghahayag ng karangalan ng Anak, at gagawin niya ito agad. Mga anak, kaunting panahon na lamang ninyo akong makakasama. Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo! Kung paanong inibig ko kayo, gayon din naman, mag-ibigan kayo. Kung kayo’y mag-ibigan, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad ko.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Paano nga ba umibig? Maraming klase ng pag-ibig tayong nakikita kung saan-saan lalo sa telebisyon at social media. Ang pinakatanyag sa lahat ay ang ideya ng pag-ibig na may kilig. Tila masaya sa pakiramdam at tila napakaganda tingnan ng lahat sa anggulong ito subalit ganito nga ba ang tunay na pag-ibig? Sabi ni Hesus ngayon sa ating ebanghelyo ay “Mag-ibigan kayo!”. Ilang beses niyang inulit ito at ibig sabihin ito ay mahalaga. Ito ang pinakadakilang utos ng Diyos: “Ibigin natin ang Diyos at ibigin natin ang kapwa gaya ng sarili”. Isa itong utos at hindi pakiramdam dahil maari tayong magdesisyon na mahalin ang isang tao kahit mahirap na siyang mahalin. Kahit walang magaan o masayang pakiramdam, kahit mahirap na, maari pa rin tayong magmahal. 

Ito ang ibig sabihin ni Hesus sapagkat ang tunay na pag-ibig ay matatagpuan sa Krus. 

Ang pag-ibig ay may sakripisyo at mayroong buong pagbibigay ng sarili. Mayroon din itong pagpapatawad. Ganito ang ginawa sa atin ng Diyos. Ganito rin ang sinasabi Niyang gawin natin sa iba. Hindi tayo naririto upang husgahan at hatulan ang isa’t isa na malimit nating ginagawa ngayon. Nabubuhay tayo patawarin ang isa’t isa sa mga pagkakamali, tanggapin ang isa’t isa, at tulungan ang isa’t isa na maitama ang mga maling gawain at makabalik sa Diyos. Ito ang tunay na pag-ibig. Amen. + 

Pagninilay ni: F.M.M.J. 

Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

 

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?